Chapter 6

2.9K 171 6
                                    

Ilang minutong nakatayo si Ivan sa tapat ng gate na iyon matapos isara ito ng kanyang kaibigan. Batid niya sa mga luhang pinakawalan ni Errol na may malalim itong nararamdaman sa kanya. Gusto niya sanang sabihin na... Sandali lang. Hindi nga pala siya sigurado sa nararamdaman at hindi niya alam kung kaya ba niyang panindigan ang nararamdaman kung ano man ito.

Gusto niyang maibalik ang samahan nila ni Errol, pero sa tingin niya ay huli na. Nasaktan niya na ito. Inaasam niyang sana alam ni Errol ang pinagdadaanan niya. Hindi man lamang niya nahingi ang numero niya. Paano niya matatawagan ito? Paano niya ito makokontak gayong deactivated ang kanyang Facebook?

Sumagi sa isip ni Ivan si Erik. Tiyak magagalit 'yon kapag nalaman niyang hindi niya tinupad ang kanilang pinag-usapan noon. "Sorry, Pareng Erik." Bumuntong-hininga na lang siya at pagkatapos ay pinaandar ang kanyang sasakyan.

Kumain siya sa isang restaurant na mag-isa at dumaan sa kanyang tindahan pagsapit ng alas nwebe ng gabi. Binati siya ng kanyang gwardiya. Wala na si Clark. Ang kaherong naka night shift ang nandoon. Pumasok siya sa maliit na kwartong tinatambayan niya upang kunin ang kanyang laptop at ibang gamit at lumabas. Nakita niya ang isang pamilyar na babae.

"You're familiar," saad ni Ivan.

"Do I know you?" tanong ng babaeng kulot ang buhok at nakadenim jacket at maikling shorts.

"Ikaw 'yung muntik ko nang mabangga, remember?"

"I don't remember."

"I'm Ivan."

"I still don't remember you."

"Okay. Wait, natatandaan ko ang name mo."

Umirap ang babae.

"Diana, right?"

"Stalker ka ba?"

"Actually, I own this store."

"Ah, ganon ba?"

"May maitutulong ba ako?"

"No. I can manage."

"Thank you for choosing our store," saad ni Ivan na nakangiti. Matagal niya itong tiningnan hanggang sa yayain niya itong magkape.

"I don't know you." Umismid ito at sumimangot, ngunit matagal siyang tinitigan na sa pakiwari ni Ivan ay iniestima siya. "Wala ka naman sigurong gagawing masama, di ba?"

"Itong mukhang 'to gagawa ng masama?" Tumawa si Ivan.

"You're handsome... and funny."

Uminit ang kanyang mukha.

Kaswal na nag-usap ang dalawa habang nasa loob ng coffee shop.

"Masyado yatang malalim 'yang iniisip mo," saad ni Diana.

"Ah, wala. Pagod lang siguro."

"Ex-girlfriend?"

"Not really," simpleng sagot ni Ivan.

"Let me guess. Kakabreak niyo lang."

"Nope. Hindi nga naging kami."

"Oh, I see. Sad. Bakit naman?"

"Parang hindi kami pwede, eh." Bakit ba tila komportable si Ivan na pag-usapan ang ganitong bagay sa babaeng di niya naman lubusang kilala?

"Ganyan din ang sabi ko dati. But it's all up to you, kung gusto mo talaga 'yong tao gagawa ka ng paraan."

"May hugot ha." Ngumisi si Ivan.

"I'm serious."

"So ibig sabihin may boyfriend ka na?"

"Not really."

Ngumisi si Ivan. "Single ka?"

"Not really." Ngumisi din ang babae.

"What? Ang labo."

Tumawa lang si Diana.

Matagal din silang nag-usap at nagkapalagayan ng loob. Paminsan-minsan ay sumasagi si Errol sa isip ni Ivan at sa tuwing nangyayari iyon ay natitigilan siya.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon