Dahan-dahan ng bumagal ang paghinga ni Dane. Nakayukod ito, ang mga tuhod ay nasa sahig, ang isang kamay ay nakatukod. Si Diana naman ay nasa gilid nito at minasahe ang kanyang likod upang makalma ito.
"You shouldn't have done it," nakasimangot na saad ni Diana.
"Her name is Cassandra." Dahan-dahang lumingon ang banyaga sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Diana. Hindi siya makapagsalita.
"She knows you." Dahan-dahang tumayo ang binata na inalalayan ng dalaga. "I saw you in some of her memories before things went dark."
"She's my..." Hindi natapos ni Diana ang isasagot dahil biglang nagring ang telepono ng kasama. Nakita niyang agad nitong sinagot ang tawag. Pagkatapos ng pag-uusap ay lumingon ito sa kanya.
Nang ibulsa ng binata ang telepono ay nagsalita ito. "Just got a tip. Hong Kong facility, in trouble."
"Is it serious?" tanong ni Diana.
"Not sure."
Hinubad na ng dalaga ang sombrero at binalik ito kay Dane na agad namang sinuot ng huli. "What are you going to do now that you've found her?"
"I don't know. I'll check with Rod first. From the looks of it, she's going to be a problem."
Wala ng ibang maisip si Diana na ibang Cassandra maliban sa ate niya. Tama nga ang matagal na niyang hinala. Hindi nga tumigil ang ate niya sa mga pinaggagagawa nito. Ngunit ano ang pakay ng kanyang ate? Sumulyap siya sa sombrero ng katabi. Mabuti na lang at hindi nababasa ng telepath na kasama ang iniisip niya ngayon.
"She knows you, so you have to be careful. I think she's dangerous." Naglalakad ang dalawa pabalik sa loob ng gusali. "One person I know who was strong enough to resist my mental probes was an insane man."
Hindi masabi ni Diana kay Dane na maaaring ate niya ang tinutukoy nito. Hindi siya sigurado. Hindi rin siya sigurado kung ano ang maaaring kahihinatnan kung sabihin niya ang impormasyong iyon. "Did she catch you peeking into her mind?"
Umiling ang binata. "No. She thought someone else was doing it."
"Wait, what did you mean, things went dark?" nakasimangot na tanong ni Diana.
"Whatever was trying to block me was a force I've never seen or felt before." Tinitigan niya si Diana. "And it's very powerful."
"What do you think is it?"
"I don't know. But it's much stronger than a psychic block."
Tahimik ang dalawang sumakay ng elevator at pumasok ng sasakyan ng dalaga.
"Where are we going?" tanong ng binata.
"I'm going to treat you to Pinoy food." Ngumiti si Diana at pinaandar ang kotse. Habang nasa byahe ay di mawaglit sa isip niya ang natuklasan. Kailangan malaman niya kung ano ang ginagawa ng ate niya, kung ano ang mga plano nito.
Sumulyap siya sa binatang nakaidlip sa passenger's seat. Hinawakan nito ang kanyang kamay, hawak na nagpagising dito. Nginitian niya ito. "We're here."
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...