"Papa, sa tingin ko ay wala na nga talaga kay Melchor ang mga bato. Marahil nasa mga nakatakda na ang mga ito. Hindi ko alam ang gagawin ko." Kinakausap ni Cassandra ang imahe ng kanyang ama na parang sumasagot ito. "Pero kailangan kong makaisip ng paraan. Oo, papa. Nag-iisip ako ng paraan. Oo, tama! Maaangkin ko ang mga hiyas at ako ang magkokontrol sa mga kapangyarihan ng mga ito. Si Melchor ang susi upang matagpuan ko ang mga nakatakda."
Palakad-lakad si Cassandra sa tapat ng larawan ng ama. Nag-iisip ito. Minsan ngumingiti. Minsan ay seryoso. "You just wait, old man."
May kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Cassandra.
"Ma'am, hinahanap po kayo ni Sir Lucio," saad ng katulong.
"Salamat, Nida. Sabihin mo I'll be there in a minute."
"Okay po, ma'am."
"Ihanda mo ang aking favorite wine."
"Okay, ma'am."
Bumaba si Cassandra. Nadatnan niya si Lucio sa kanilang malawak na sala. "Lucio, darling, you look great," saad ng dalaga.
"You look hot, Cassie," saad ni Lucio na kumindat.
"It's Sandy," asik ng babae. "What brings you here?" Umupo si Cassandra sa tabi ng lalaki.
"What do you think?" Pilyo ang mga tingin ng lalaki.
"Looks like you brought me some good news." Pilyo rin ang mga tingin ni Cassandra.
"Don't be too excited, darling." Hinalikan ni Lucio ang leeg ni Cassandra. Pagkatapos inamoy ang balikat nito.
"Mamaya na." Tinulak ni Cassandra ang mukha ni Lucio at hinawakan ang baba nito. "We have the rest of the night for that." Nilagyan ni Cassandra ng wine ang kanilang mga baso. "Meanwhile, a toast?"
Ngumiti si Lucio at kinurot ang baba ng babae. "Alam mo talaga kung paano ako bitinin."
"Mas masarap pag nabibitin," kagat-labing saad ni Cassandra habang pinagapang ang hintuturo sa pisngi ni Lucio. Malagkit ang kanilang mga tinginan.
"Nasa gubat pa rin ang matanda. Mukhang bumabalik-balik siya sa kanyang lungga," saad ni Lucio.
"Well, well..." Tumawa ng payak si Cassandra at lumagok ng wine.
"Gusto mo mag-surprise attack kami?" tanong ni Lucio habang hinahaplos ang buhok ni Cassandra. "You know we can do it anytime."
"Don't be so ruthless, Lucio, darling," saad ng dalaga. "There's plenty of time to hunt down that hermit."
"As you wish, my lady," nakangiting saad ni Lucio.
"Besides, it may not work. Magpapalamig muna tayo. Manmanan niyo lang ang matanda. Alamin ninyo kung saan siya pumupunta. We'll take him by surprise."
"Hindi mo ba siya kayang ihokus-pokus?"
Umiling si Cassandra. "I have to be more careful this time."
"Looks like my bitchy witch is not good enough."
"For now! Gusto ko muna magpalamig, maybe plan my next moves more appropriately." Umirap si Cassandra at lumagok ulit ng alak. "Right now, there's something we need to do."
"What is it, your majesty?" Hinalikan ni Lucio ang kamay ng dalaga.
Ginapang ni Cassandra ang kamay papunta sa pundilyo ng lalaki. "You are always ready," bulong niya habang napapakagat-labi at kasunod ay hinalikan ito. Pagkatapos ay hinila niya ang lalaki sa kwelyo paakyat sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...