Nagising si Ivan na masakit ang katawan, malamang dahil sa matinding workout noong nakaraang gabi. Pagkatapos niyang mag-unat-unat ay binuksan niya ang kanyang tablet at sinilip ang kanyang Facebook. Marami mang notifications ay ang galing sa isang tao lang ang nais niyang makita. Subalit hindi pa rin nirereactivate ng taong ito ang kanyang account. Sandali siyang naghimutok at nilapag din ang tablet sa side table katabi ng isang bagay na noon niya lang nakita. Isang bagay na nagpakunot sa kanyang noo.
Nagtaka siya dahil wala naman siyang naalala na naglagay siya ng ganoong uri ng makinis na bato sa mesa sa gilid ng higaan bago matulog. Ngunit hindi kinain ng pagtatakang iyon ang kanyang mga minuto.
Nadismaya siyang nang malamang lampas sampung oras pala siyang nakatulog matapos tingnan ang kanyang relos. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at nagdial.
"Clark, kamusta diyan?" Hinintay niyang sumagot ang kabila. "Okay, sige. Pupunta ako diyan after lunch."
Matapos ang maikling pag-uusap nila sa telepono ng katiwala sa tindahan ay naligo na ito at lumabas ng kwarto na nakabihis. Binati naman siya ni Manang Jean. Pagkatapos mananghalian sa bahay ay umalis na si Ivan at dumiretso sa kanyang tindahan. Nang makarating doon ay nag-usap sila ng kanyang assistant na si Clark at pagkatapos ay nagcheck ng supplies ang dalawa. Pagkatapos ay nilista nila ang mga kailangang iorder sa kanilang suppliers, mga pangkaraniwan nilang gawain na inaabot din ng buong araw.
Nagring ang telepono niya. "Georgia, napatawag ka?"
"Namimiss na kita, hon. Pwede ba kita puntahan?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Dito pa ako sa store, eh. Medyo busy."
"Talaga? Pwede ba kita puntahan diyan?"
"Bakit?"
"Miss na nga kita."
"Di ba magkasama tayo kahapon."
"Kahapon naman 'yun."
"Busy pa kasi ako."
"Hon, naman eh." Naglalambing ang boses sa kabilang linya.
"Sige, sige. Give me 30 minutes." Bumuntong hininga na lang si Ivan.
"Possessive girlfriend, boss?" nakangiting tanong ni Clark kay Ivan.
"Oo, eh. Mahirap talaga maging pogi. Hinahabol habol," nakangiting saad ni Ivan.
"Naks! Grabe ka, boss. Pang-ilan na ba 'yan in 2 months?"
"Huy, 'wag ka maingay. Baka may makarinig, ano na lang isipin. Tsaka pangalawa pa lang."
"Panglima na yata 'yan na dinala mo dito, eh."
Ngumiti na lang si Ivan. "Clark, aalis na ako. Kayo na bahala dito ha."
"Okay, boss, enjoy your date na lang."
Pagkapasok ni Ivan sa kotse niya ay nakatanggap siya ng text mula sa babaeng kanina ay kausap sa telepono. Nasa isang parke daw ito.
Habang nasa daan ay malalim na nag-iisip ang binata. Minsan ay napapatingin ito bigla sa katabing seat at napapangiti ngunit napapatingin din sa malayo pagkatapos. Biglang sinapo ng binata ang kanyang noo, bumuntong-hininga, at umiling. Hininto niya ang kotse sa isang parking space malapit sa lugar na pagtatagpuan nila ng babae.
Pagkalabas na pagkalabas niya sa kotse ay agad na may babaeng pumulupot sa kanya at sinibasib siya ng halik. Matingkad ang kulay ng buhok nitong mahaba. Nakaitim na sleeveless ito at maikling shorts at flats. Makapal ang make-up ng babae.
"Sabik na sabik ka sa akin ha," pilyong saad ni Ivan.
"Oo, hon, sobra! Miss na miss na kita. Bakit hindi ka nagtetext kagabi? Nakakatampo," saad ng babae na sumimangot ngunit nakapulupot pa ang kamay sa leeg ng binata.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasíaHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...