"Our worst fear has happened, sir."
Nakatanaw lang sa malayo si Don Mariano.
"Our accountants have reported that the company's financial status has gone south. I don't know what your daughter is doing about it. Hindi ko na siya madalas makita sa opisina."
"Thank you, Cindy."
"What do we do, sir? If Sandy declares bankruptcy, maraming mawawalan ng trabaho. Parang hindi magandang Christmas gift ito sa kanila."
"I'll take it from here. Thank you for your loyalty."
"Good luck, sir." Iniwan ni Cindy ang matandang umiika-ika sa paglalakad gamit ang tungkod nitong gawa sa metal na may crystal na hawakan. Nakita niyang lumabas ang matanda sa restaurant na iyon kasama ang alalay niya na tinulungan siyang sumakay sa kotse. Habang naglalakad si Cindy naluluha ito. Alam niyang nalalabi na lang ang araw nila sa kompanya. Naalala niya si Errol. Nagiguilty siyang pinapasok niya ito sa kompanya gayong alam na niya noon na tagilid na ito. May tumigil na kotse sa harap niya. Sumakay siya dito. Sa loob ay binati siya ng halik ng lalaking nagmamaneho.
"Bakit malungkot ka?" tanong ni Bryan na pinaandar na ang sasakyan.
"Babe, mawawalan na ako ng trabaho." Nakatulala si Cindy sa labas ng kotse.
"Ha? Tagilid na ba talaga?"
"Oo, eh."
"Don't worry. Bakit kasi ayaw mo tanggapin yung offer sa company namin? Ayaw mo nun? Pareho na tayo ng lugar na pagtatrabahuan? Araw araw na tayo magkikita."
"Bryan, hindi naman ganun kadali. Kahit papaano napamahal na sa akin ang company. Tsaka malaki ang utang na loob ko kay Don Mariano."
"Nako baka ano na yang namamagitan sa inyo."
"Yuuuuuuck..."
"Joke lang." Tumawa si Bryan. "Pero seriously bakit ba hindi mo maiwan yang company niyo? Ikaw na rin nagsabi na marami ng umalis."
"I have to do Don Mariano a favor before leaving the company."
"Hindi ka ba natatakot that you're spying? Baka mahuli ka ng anak niya."
"Hindi naman siguro. Lagi nga yung wala sa office."
"Sa'n daw pumupunta?"
"Yan ang tanong. Ilang beses na daw siya pinasundan ni Don Mariano pero bigla na lang daw nawawala."
"Weird! May sapusa pala yang boss mo."
"She's been acting weird lately talaga."
"In what way?"
"Laging nakangiti. Kahit palubog na ang Hedgeworth Pharma, parang masaya pa rin. Tapos iba yung mga titig niya sa akin."
"Baka naman gusto ka niya."
"Gusto?"
"Baka tomboy yang boss mo." Tumawa si Bryan.
Naalala ni Cindy ang mga lalaking kumidnap sa kanya. Malakas pa rin ang kutob niya na may kinalaman ang boss sa nangyaring iyon. "May kailangan akong malaman, babe. At nararamdaman kong malapit ko ng malaman ito." Tumingin si Cindy sa labas, sa mga bahay na nadadaanan.
"Ang layo ng secret meeting place ninyo ng matandang yun."
"We have to meet discreetly. You know why."
"Nagmamanman ba yang si Sandy?"
"I don't know." Bumuntong-hininga si Cindy.
"Hindi ka ba natatakot?"
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...