Chapter 48

2.6K 125 6
                                    


Nasa isang malawak na silid si Cassandra kasama si Lucio. Sa harap nila ay ang malaking grupo ng mga armadong kalalahikan.

"They're my best men." Ngumiti si Lucio.

"I know. I know that you know I can't fail this time."

"Bakit gusto mong pana ang gamitin nila? I have the best guns."

"Let's just say I'm old-fashioned."

"Let's drink to that." Tinama ni Lucio ang kanyang baso sa baso ni Cassandra at ang dalawa ay uminom. "Sinong tutugisin natin ngayon?"

"One down. Three more. Pero nahanap ko na ang isa pa."

"Really?" Ngumisi si Lucio.

"By accident. Pero kilala ko siya." Pinakita ni Cassandra ang litrato kay Lucio.

"Mukhang lampa itong isang ito. Are you sure we need all these men? Pwede na siguro ang isa o dalawa."

"We can't be too sure." Umirap si Cassandra. "Do you remember what happened to the three men you sent me to abduct a girl?"

"Ano nga ulit ang pangalan niya? Cindy, right? Magaling siya. Pa'no siya nakatakas dun sa tatlo?"

"Let's just say she has tricks of her own. Pero bihag ko na siya."

"Ikaw talaga." Nakangiti si Lucio na pinagapang ang daliri sa pisngi ni Cassandra.

"That boy" -- tinukoy ni Cassandra ang litrato na nasa mesa -- "hindi ko alam kung alin sa mga hiyas ang nasa kanya. We better not underestimate him."

"Why don't we just kill him and the girl?"

"I need them. Alive!"

"What about your uncle?"

"Ubos na ang pasensiya ko sa kanya." Ngumisi ang dalaga at uminom ng alak. "This is his last day on earth." Humalakhak ang bruhang walang pagsidlan ang galak sa maitim na balaking mukhang matutupad na niya. 

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon