Chapter 7

3K 167 0
                                    

"Ang sakit ng katawan ko," daing ni Erik habang ginagalaw-galaw ang mga balikat, braso, at hita. Pagkatapos ay umakbay ito kay Shanice.

"Pamasahe ka kaya."

"Wag na. Gastos lang."

"Dahil ba 'yan sa PE class mo kanina?"

"Napasabak sa biglaang Taekwondo class."

"Di ba one-week course lang yan?"

"Oo. Nabigla yata ang katawan ko. 2 years ko na hindi ginagawa, eh."

"Di ba may trainer naman?"

"Oo, kaso, kelangan dalawa kami magdemo sa mga estudyante."

Ilang minuto ang lumipas na walang nagsalita sa dalawa. Tahimik lang silang naglalakad sa daan hanggang sa magsalita si Shanice.

"Bhe, bakit laging malalim ang iniisip mo?" tanong ni Shanice kay Erik.

"Ha?" Nakatuon ang atensiyon ni Erik sa daan.

"Kagaya niyan, parang lumilipad ang isip mo."

"Wala. Iniisip ko lang kung itutuloy ko ang pag-aabroad."

"Hindi naman kita pinipigilan."

"Hindi naman sa ganun. Marami kasi akong iniisip."

"Gaya ng?"

"Mga gastos sa pagpaprocess."

"Tutulungan kita."

"Bhe, ako dapat gumastos para dun."

"Para namang iba ako sa'yo."

"Hindi naman sa ganon. Siyempre alam kong may mga pangangailangan ka rin."

"Kamusta na nga pala si Errol?"

Huminga si Erik nang malalim. "Hindi na kami masyadong nag-uusap," saad ni Erik na napaiba ng tingin.

"Bakit?"

"Abala kasi ako. Tas busy din yata siya sa paghahanap ng trabaho. Nung huli kong punta sa kanila wala siya," malungkot na sagot ni Erik.

"Hindi na ba siya babalik sa school sa June?"

"Hindi na yata. Ayaw naman talaga nun magturo."

"Sayang naman," saad ni Shanice na yumuko. Sinipa niya ang batong nasa daan nang mahina. "Gustong-gusto pa naman siya ng mga estudyante."

"Taas nga ng evaluation rating niya."

"Pero kung sa'n siya masaya... Siyempre buhay niya 'yun. Siya magpapatakbo."

"Oo nga eh." Nakatingin si Erik sa malayo.

"Kamusta na kaya sila ni Ivan?"

Nakatingin lang si Erik sa malayo na tila hindi narinig ang tanong.

"Bhe?" Tinapik ni Shanice ang nobyo.

"Ha? Ano 'yun?"

"Tanong ko kung kamusta na kaya sila ni Ivan."

"Hindi ko alam. Siguro masaya sila."

"In love na ba si Errol sa kanya?"

"Matagal na. Ilang araw pa lang sila magkakilala, nahulog na si Errol dun." Umiba ulit si Erik ng tingin. "Baka nga sila na, eh."

"Talaga?"

"Bakit mo naitanong?"

"Parang noong isang araw nakita ko si Ivan may kasamang babae," saad ni Shanice.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon