Follow me and add the stories to your reading lists to get updated. I don't usually post my work on Facebook.
----------------
Maliban sa kanilang tatlo ay tila wala ng ibang tao sa parkeng iyon. Marahil ay dahil sa makulimlim na kaulapang nagbabadya ng masamang panahon. Kakatwa ang tagpo sa pagitan ng tatlong binatang pumunit sa katahimikan ng hapong iyon.
"Rol?" Tumingala si Erik sa kaibigan na nakapikit, nakatayo, at hindi gumagalaw. "Rol, ano'ng nangyayari?" Nahimasmasan ang binatang kanina ay lumalagablab ang galit.
"Wag mo siyang hawakan," asik ni Ivan mabilis na lumapit sa naestatwang binata. Agad niyang niyakap si Errol at ginalaw ang pisngi nito. "Errol?"
Lumapit si Erik. Aktong hahawakan niya si Errol nang pinagtaasan siya ng boses ni Ivan.
"Wag! Baka mapaso mo siya."
Tiningnan ni Erik ang mga umuusok na palad. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari kay Errol. Nasapo niya ang mukha at mangiyak-ngiyak na napasabunot sa sariling buhok habang tinitingnan si Errol at pilit pinuproseso sa kanyang utak ang mga nagaganap.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" asik ng nakasimangot na si Ivan habang yakap si Errol.
Natigilan si Erik. "Wala akong ginawa." Bakas sa mukha ni Erik ang pagkatuliro.
"Dalhin natin siya sa hospital." Inalog muli niya ang pisngi ni Errol na biglang kumunot ang noo at dumaing.
"Pare, sorry! Nabigla lang ako." Umiiling si Erik habang tinitingnan ang mga palad. "Hindi ko alam kung paanong..."
"Mamaya na tayo mag-usap. Ang importante madala si Errol sa hospital." Binuhat ni Ivan si Errol at mabilis na naglakad ang dalawa paalis ng parke. Ngunit biglang nagising si Errol na humigop nang malalim na hininga. Bigla itong nagpumiglas na ikinabigla nila.
"Errol, wag kang gagalaw. Dadalhin ka namin sa hospital."
"Ivan." Gulat ang mukha ni Errol. Lumipat ito ng tingin kay Erik. "Ang lolo."
"Ano'ng pinagsasasabi mo, Rol?"
"Kelangan kong puntahan si lolo." Tumalon si Errol mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Ivan.
Nagtaka ang dalawang lalaki dahil sa kakaibang akto ni Errol. Balisa ito. Palingon-lingon sa paligid.
Hinawakan ni Ivan si Errol. "Ano'ng nangyayari sa iyo? Ang putla mo."
"Hindi! Ang lolo. Kailangan niya ako."
"Di ba patay na ang lolo mo?"
"Erik, buhay si lolo. Ilang buwan na kaming nagkikita at nag-uusap."
"Imposible." Tuliro si Erik. "Ivan, dalhin na natin siya sa hospital."
"Ano ba kasi ginawa mo sa kanya kanina?"
"Wala, pare. Hindi pa naman siguro siya nasisiraan ng bait."
"Hindi ako nasisiraan ng bait. Buhay ang Lolo Melchor. At nakita kong pinapatay siya ni --"
"Ha?" bulyaw ni Erik.
"Kung kayo kaya niyong kontrolin ang hangin o apoy, ako naman nakakakita ng mga pangitain."
Gulat ang dalawang lalaki. Nilapit ni Ivan ang mukha sa mukha ni Errol at tiningnan ito nang taimtim. "Naniniwala ako sa'yo."
"Hindi ko naiintindihan lahat ng mga nangyayaring ito sa atin, pero sige," saad ni Erik.
"Pero saan natin matatagpuan ang lolo mo?"
"Sa isang gubat."
----------------
Madugo ang mga magaganap sa gubat. Naaalala niyo ba ang panaginip ni Errol nung katabi niyang natulog si Ivan sa Book 1 (Chapter 32 sa Wattpad version) at ang pangitain ni Magda sa Book 1 din?
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasíaHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...