Naalimpungatan si Ivan sa mga ingay na narinig. Nagulantang siya sa mga kalabog at sa marahas na katok sa kanyang pinto. Napalakas yata ang buga ng air-conditioning system. Nahawi rin ang kanyang kumot, dahilan upang makaramdam siya ng labis na lamig. Kinusot ni Ivan ang mga mata at doon niya lamang napansin ang kalat sa kanyang kwarto. Ang mga kurtina ay natanggal. Bukas ang bintana. Nahulog sa sahig ang dalawang speakers.
Nakakunot ang noo ang bagong gising na binata habang ginagala ang tingin sa buong kwarto. Dumako ang kanyang tingin sa bintana na wala ng salamin. Natanggal ang curtain rod mula sa itaas ng bintana. Ang kalat ng kwarto niya. May mga basag na salamin, nagkalat na damit, natumbang cabinet, at kung anu-ano pa.
Narinig niyang muli ang mga katok sa kanyang pinto kasunod ang pagpihit sa doorknob. Bago pa man mabuksan ang sariling pintuan ay nabuksan na ito ni Manang Jean na sinipat siya mula ulo hanggang sa...
Umiwas ng tingin ang may edad na kasambahay. "Takpan mo nga muna ng unan yang ano mo. Di ka na nahiya, dalawa kaming babae dito."
Nasa gilid ni manang si Lindy na nakatulala't nakangangang nakatitig sa bahaging iyon. "Manang, wag na. Ser, pwede pasilip." Isang hampas mula kay manang. "Aray! Manang Jean naman."
"Ikaw, kababae mong tao." Umirap na lang ang nakatatandang kasambahay.
Medyo nahiya na rin ang binatang doon lang napagtantong ikubli ang bukol na iyon na bunga ng tinatawag nating morning wood. Dinig niya ang bulong ni Lindy kay Manang Jean habang pinipilit na ikubli ang bukol gamit ang dalawang kamay.
"Ang laki pala, manang, 'no?" Marahan itong humagik-ik habang binabatukan ni Jean. Tumambad na sa dalawa ang kalat sa kwarto nang tuluyang makapasok.
"Diyos ko, Ivan, ano'ng nangyari dito?" nanlalaki ang mata ni Manang Jean habang ginagala ang tingin sa buong silid.
Hindi alam ni Ivan ang isasagot. Maski siya ay nagtataka at nahihiwagaan rin.
"Ivan, ano'ng nangyari?" tanong ulit ni Manang Jean.
"Hindi ko alam." Nagtataka pa rin ang binata.
"Lindy, kumuha ka ng walis at dustpan," utos ni Manang Jean. Agad namang lumabas ng silid si Lindy.
"Pinasok yata tayo ng magnanakaw." Sinuot ni Ivan ang kanyang tsinelas at tinungo ang bintanang basag.
"Dahan-dahan, iho, baka masugatan ka."
Hindi pinansin ni Ivan ang babae at tumanaw mula sa bintana. May umakyat kayang magnanakaw? Imposibleng manggaling ito sa pinto dahil nakalock ito. Pero paano siya nakaakyat sa mataas na bintana? Wala naman siyang mahahawakan sa pader para makaakyat. Walang malapit na puno. At kung tumalon siya, malamang napilayan iyon at di kaagad makakatakbo.
"Uminom ka ba kagabi?"
"Ho?" Lumingon siya kay Manang Jean na hawak ang bote ng alak at baso. Hindi niya alam kung yuyuko o tatango. Umiba na lang siya ng tingin.
"Alam mo, bilin sa akin ni Ma'am Daniella na sabihan ka na wag masyadong nag-iiinom."
"Manang, kagabi lang naman."
Bumalik na si Lindy na may dalang mga gamit panglinis. Nagsimula silang magwalis at magtapon ng mga basag na salamin sa maliit na basurahan.
"Wala ba kayong napansing kahinahinalang tao?" tanong ni Ivan habang palinga-linga sa labas ng tindahan.
"Wala naman, iho. Ikaw, Lindy, may napansin ka ba?"
"Nako, manang, alam niyo namang naglalaba ako," sagot ni Lindy habang inaayos ang mga natumbang gamit sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...