Chapter 46

2.9K 150 24
                                    


"Hi, Papa Erik. Nakasubmit ka ng grades?" nakangiting tanong ni Manny na nakakolerete ang mukha.

"Oo kanina lang. Sir Manny, ikaw talaga ang sadya ko."

"Ay," saad ni Manny na napakagat sa daliri, "telege? Magpopropose ka na sa akin?" Bahagya itong tumagilid na hinawi-hawi pa ang maikling buhok sabay kurap-kurap sa mga mata.

"Sir Manny, kasi..." Sandaling nag-isip si Erik kung paano magtatanong, ngunit bago makapagsalita ay nagsalitang muli ang kaharap.

"Totoo ba na break na kayo ni Ma'am Shanice?"

"Tsismoso ka talaga. Pero, oo," payak na sagot ni Erik.

"Ibig sabihin pwede na maging tayo!" Nagliwanag ang mukha ni Manny.

"Sir Manny, may kailangan ako sa'yo." Lumapit si Erik kay Manny at hinawakan ito sa magkabilang bisig.

"Shur Er'k, ene be? Beke mey mekekete, esepen meg jewe teye..."

"Itigil mo nga yang pagpapacute mo. Di bagay sa'yo!"

"Sungit!" Umismid ang beking guro.

"Akin na number ni Errol."

"Ah, Sir Erik, matagal na kaming hindi nagtetext ng manang na yon."

"Sinungaling! Ibigay mo na."

"Wala nga akong number niya."

"Isusumbong kita sa admin na may syota kang student dito."

"Ay, ito naman hindi na mabiro. O, ayan." Pinakita ni Manny ang number ni Errol sa cellphone niya. "Patay ako kay Errol nito." Napakagat siya sa kanyang hintuturo habang lumalaki ang butas ng kanyang ilong.

"Bakit?"

"Ang bilin niya kasi wag ko ibibigay ang bagong number niya kahit na kanino. Lalo na sa'yo."

"Bakit? Ah, ewan. Tanungin mo na lang ang brokenhearted manang na yon."

"Brokenhearted?"

"Ah, wala, wala."

"Ano'ng mga kinukwento ni Errol sa'yo?"

"Sir Erik, ah, wala, wala. Sige na may pupuntahan pa ako."

Ngunit idiniin ni Erik si Manny sa dingding at pinadilatan ito. "Sabihin mo, may problema ba si Errol?"

"Papa Erik, marahas ka pala, 'no? Akala ko gentleman ka."

"Alam mo ba kung nasaan sa Taguig si Errol?"

"Hindi nga, di ba? Ang alam ko lang nasa Taguig siya. Kahit sa akin ayaw niyang sabihin kung san siya tumutuloy or kung ano'ng company niya."

"Kamusta na daw sila ni Ivan?"

"Okay naman sila."

"Parang hindi eh."

"Sir Erik, luwagan mo naman ang hawak mo..."

"Sabihin mo muna ang kung may problema sina Errol at Ivan."

"Kiss muna." Ngumuso si Manny.

"Sa pisngi lang."

"Okay, sige na nga."

Hinalikan ni Erik si Manny sa pisngi.

Natulala ito. "Trulalu ba ito? Oh my God! Isa pa please sa kabila."

Hinalikan ni Erik ang kabilang pisngi ni Manny. "Oh, pag di mo sinabi, iuuntog kita sa pader."

"Ito naman ang dahas. Ehhh, pa'no ba 'to? Magagalit sa akin si Manang Errol."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon