Chapter 15

3.1K 156 0
                                    

"Ate, parang walang pinagkaiba ang studio mo sa bahay mo. Parehong magulo." Tumawa si Ivan habang pinagpagan ang isang bilog na upuan at umupo dito.

"Pag ako inasar kita, siguradong iiyak ka," sagot ni Liz na nakatuon sa ini-edit ng isang larawan sa kanyang laptop.

"Ate, nasaktan ko siya nang husto."

"I feel sorry for that poor guy." Umiling si Liz at ngumisi nang bahagya. "Malas niya. Bakit mo naman kasi siya pinagsalitaan nang ganon?"

"Galit na galit kasi ako, Ate Liz. Hindi ko napreno ang bibig ko."

"Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?" Kumunot ang noo ng babaeng nakaharap lang sa laptop niya.

"Kasi nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang lalaking mukhang call boy."

"Saan?"

"Sa Taguig." Tumayo si Ivan at lumapit sa mesa kung saan abala ang pinsan.

"Sa Taguig?" Sandaling sinulyapan ni Liz si Ivan at kumunot na naman ang kanyang noo. "Di ba taga Sampaloc siya?"

"Dalawang buwan na siya dun."

"Ano'ng ginagawa niya dun?"

"Nagtatrabaho." Kinuha ni Ivan ang camera sa tabi ng laptop ni Liz.

"Pa'no mo naman nalaman 'yan?" Galaw dito, galaw doon ang kamay ni Liz na nakapatong sa mouse na nakakabit sa laptop. "Di ba di ka niya kinakausap?"

"Nadulas kasi si Tita Celia, 'yung nanay niya." Pinindot ni Ivan ang power button ng camera. "Pero di naman niya sinabi kung sa'n sa Taguig namamalagi si Errol," saad niya habang tinitingnan ang mga larawan sa kanyang camera.

"Bakit nasa Taguig ka that time?"

Hindi kaagad nakasagot si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa pagtingin sa mga larawang nakunan ng pinsan.

"Let me guess. Hinanap mo siya?" Ngumiti si Liz na pinaikot pa ang mga mata at pinatong ang baba sa kaliwang kamay.

Tumango si Ivan. Binaba na niya ang camera at bumalik sa inupuan kanina.

"Uuuuy." Lumawak ang ngisi ni Liz. "Tinamaan ka na talaga yata kay Errol ha."

"Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko."

"Gaya ng sabi ko noong cliche, love knows no gender. Kung love na 'yan wag mong pigilan. Pero, oo nga pala, inaway mo na nga pala. So pa'no na 'yan?"

"Yan nga ang problema. Inaway ko siya na hindi ko man lang nalaman kung sa'n siya nakatira."

"Ogag ka kasi."

"Yan din sabi niya sa akin."

"Mukhang matindi ang awayan ninyo ha."

"Muntik ko siyang masuntok, ate."

"Gago!" Ang kaninang ngisi ay napalitan ng simangot. "'Wag mong gagawin 'yon. Kapag nalaman kong may sinuntok kang bakla, ipapapresinto talaga kita." Inalis ni Liz ang tingin sa kanyang laptop at nilipat ito sa pinsang nakaupo sa maliit na silya sa gitna ng studio. "Wala akong pakialam kahit magpinsan tayo."

"Ate naman eh." Nakayuko lang ito at nakakunot ang noo, tila malalim ang iniisip.

"Oy! Isa sa 'yan sa mga pinaglalaban namin, ang anti-LGBT violence."

"Galit na galit kasi ako nung makita siya na inaakbayan ng lalaki tapos mukhang naglalandian pa sila."

"Teka, pa'no mo naman nalamang naglalandian sila?"

Sandaling nag-isip si Ivan. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa nakita niya noon. Nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin. "Kasi mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki." Umiba siya ng tingin.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon