Chapter 14

2.9K 159 10
                                    

"Namimiss ko na ang manang na 'yun," saad ni Manny na naghihimutok habang nakasandal ang braso at ulo sa mesa sa cafeteria.

"Namimiss ko na nga rin 'yun eh," saad din ni Erik.

"Sa'n ba siya ngayon?" tanong ni Shanice umiba ng tingin matapos sulyapan ni Erik.

"Ang sabi niya lang sa akin nasa Taguig na daw siya nagwowork," saad ni Manny. "Ayaw naman niyang sabihin kung saan."

"Hindi nga rin sinabi ni Tita Celia sa akin nung huli kong punta sa kanila. Basta sa isang pharma company daw," saad ni Erik.

"May galit ba siya sa atin?" tanong ni Shanice habang tinitingnan ang mukha niya sa maliit na salamin.

"Wala naman siguro," sagot ni Manny. "Madalas naman kaming magtext at magtawagan nun. 'Yun nga lang. Ayaw pa niyang maging active sa FB. Ayaw rin niyang sabihin kung sa'n siya nakatira."

"Okay na 'yun si Errol. Masaya na 'yun," saad ni Erik.

"Talaga lang ha? Tumawag kaya 'yun nung Sabado. Mukang malungkot na naman nga 'yung manang na 'yun."

"Ha? Pa'no?"

"Ah, wala, wala. Feeling ko lang naman." Biglang ngumiti ng hilaw si Manny.

"Malamang lagi nung kasama si Ivan," saad ni Erik.

Umirap si Manny. Maya-maya ay kinamusta nito ang magkasintahan. "Kayo, Sir Erik at Ma'am Shan, kamusta na kayo?"

"Okay lang kami, getting stronger. Di ba, bhe, este Sir Erik?"

Ngumiti si Erik at tumango.

"Oy, sige. Una na ako. Klase ko na," saad ni Manny na pagkatapos ay umalis na sa cafeteria.

"Bhe, bakit matamlay ka?" Hinawakan ni Shanice ang balikat ng kasintahan.

"Wala lang." Sinulyapan ni Erik ang nobya at umiba kaagad ng tingin. "Stress lang siguro."

"Nagsisisi ka ba na hindi ka tumuloy sa orientation mo for Dubai?"

"Hindi naman sa ganun."

"May problema ka ba?"

"Wala, bhe. Baka pagod lang ako."

"Kakaumpisa lang ng first sem pagod ka na?"

"Basta."

"Iniisip mo na naman ba ang best friend mo?"

Bumuntong-hininga lang si Erik.

"Mahal mo talaga siya, 'no?"

"Parang kapatid ko na kasi 'yun."

"Siya ba lagi iniisip mo kapag wala ka sa sarili?"

"Ha?"

"Kagaya niyan, parang wala ka na naman sa wisyo."

"Hindi."

"Bhe, pwede mong sabihin ang kahit na ano sa akin. Girlfriend mo ako. Pwede mo rin naman akong ituring na best friend, di ba?"

"Oo naman. Thank you, bhe."

Hinawakan ni Shanice ang kamay ni Erik. "I'm always here. Kung kailangan mo ng makakausap. Ano ba 'yang bumabagabag sa iyo?"

"Namimiss ko lang siguro si Errol."

"Kahit ako, kahit kami ni Manny namimiss din namin siya. 'Yung mga students niya nga namimiss siya."

"Hindi na kasi kami nag-uusap."

"Di ba choice mo naman 'yun?"

"Oo pero parang nagsisisi ako."

"Nagsisisi ka ba na hinayaan mo siya kay Ivan?"

"Hindi naman sa ganon. Pero parang may mali eh."

"Kung may problema siya siguro naman magsasabi 'yun sa iyo o kay Manny. At malalaman natin kahit papano."

"Sana nga."

"Hindi na ba siya bumalik sa bahay ninyo? Di ba sabi mo pumunta siya sa inyo?"

"Oo. Kinabukasan non pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala raw siya, umalis."

"Miss mo talaga ang best friend mo, 'no?"

"Syempre, matagal ko ng kaibigan yun. Parang kapatid ko na yun. Gusto ko lang naman siyang kamustahin."

"Ako ba mamimiss mo kung di mo na ako makita?"

"Oo naman."

"Talaga?"

"Oo nga." Ngumiti si Erik sa nobya at pinisil ang kamay nito. "Salamat."

"Bhe, andito lang ako lagi para sa iyo ha." Banayad na hinaplos ni Shanice ang pisngi ng nobyo.

Lingid sa kaalaman ni Shanice ay malalim ang iniisip ni Erik. May duda siyang may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila ni Ivan. Gusto niyang makausap si Ivan o si Errol, ngunit hindi niya mahagilap ang dalawa. Pinaubaya na niya si Errol kay Ivan noon. Ginawa niya ito dahil alam niyang matapos niyang hindi sinasadyang masaktan ang matalik na kaibigan ay nais niyang sumaya ito sa piling ng bagong kaibigan, sa piling ni Ivan na alam niyang gusto ni Errol.

Noong nag-usap silang dalawa ni Ivan ay ibinilin na niya si Errol dito. Nangako si Ivan na pasasayahin niya ito sa abot ng kanyang makakaya at hindi niya ito pababayaan. Ngunit nitong huli ay tila nagsisisi siya. Hindi niya alam kung bakit pumunta si Errol sa bahay nila dalawang buwan na ang nakakalipas. Isa pang pinagtatakhan niya ang ay pagkawala nito sa Facebook.

Sa kabilang banda ay naisip din ni Erik na labas na rin naman siya sa kung ano'ng problemang meron si Errol. Pero namimiss niya ito. 

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon