CHAPTER 3
"Why are you here?"
Iyon ang nag-paputol ng dapat kung pa sanang sabihin kay Pau, nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon.
Si Kier, galit ang mukha na parang gusto ng pumatay ng tao.
Tumayo ako tyaka siya nilapitan. Iniabot ko sa kaniya ang palad ko para gawin ang palagi naming ginagawa kapag nag-kikita. Nag-hintay akong abutin at kunin niya ay kamay ko ngunit nabigo ako. Tiningnan niya lang iyon na parang walang alam sa gusto kung gawin.
Napahiya man ay hindi ko nalang iyon inisip pa. Nginitian ko siya. "Nabalitaan ko kasing narito siya sa kulungan kaya ako napasugod rito para sana kamustahin siya at ilabas sa sildang ito."
Nag-lakad siya papunta kay Pau na nakaupo lang habang nakatingin sa amin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa ginawang pag-halik ni Kier sa labi niya. Kumirot nanaman ng napakatindi ang puso ko. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako at nahihirapang huminga sa nakita ko.
"Hindi kana sana nag abala pa. I can do it by my own," anito sa akin kaya ibinalik ko ang aking paningin sa kaniya.
I smiled again. "Pero kung kailangan mo ng tulong ay maaasahan mo ako, pare."
"Thanks, but no thanks."
Iyon ang ikatlong kahihiyang natamo ko galing sa kaniya.
Bakit ganito nalamang siya kung mag-salita saakin?
"Pero kung may kailangan pa kayo ay pwede mo akong hingan," pag-uulit ko na parang hindi ako na pahiya.
"Do I need to repeat my words Rheim Smith?" he called my name so it means, he is serious.
"No need. I understand it, well."
"You may go." Pag-tataboy niya sa akin.
"I'm sorry, but I can't."
"Don't push me Rheim to the things that you don't want me to do."
"Bakit galit ka sa akin? may nagawa ba ako sa iyo Kier kaya ganiyan ka ka-sarcastic sa mga pananalita mo sa akin?" Hindi na ako nakapag-pigil pa kaya ko na naitanong iyon.
Hangga't mag kaharap kami ay kailangan ko na siyang makausap at kailangan kung malaman kung ano ang intensyon niya sa babaeng mahal ko.
"Miss Paulette Tuazon, kailangan mo ng bumalik sa iyong silda." Pag singit ng babaeng pulis.
"Kyuap," ani Pau. "Ayoko ng bumalik doon sa loob." Naluluha niyang sambit kaya lumambot nanaman ang puso ko. Na wala ang inis ko sa ginawa ni Kier.
Gusto ko siyang yakapin at sabihing, huwag siyang mag-alala dahil ilalabas ko siya. Huwag na siyang mamroblema dahil hindi na siya babalik sa loob at hahalikan ko siya para maramdaman niya na nandito lang ako palagi sa tabi niya ngunit paano ko magagawa iyon kung meroong taong gumagawa sa kaniya ng mga bagay na gusto kung gawin?
Habang tinitingnan ko silang dalawa ay gusto ko nalang ihiling na sana ako si Kier, na sana ako nalang ang kayakap niya ngayon, ako ang iniiyakan at hinihingan ng tulong ngayon kaso hindi ako si Kier, iyon ang napakasakit na katutuhanan.
"Don't worry, Kyuap. Kakausapin na ng abogado ko ang mga pulis para ilabas kana rito. Huwag kanang mag-alala, lalabas kana dito at promise, hindi na kita hahayaang bumalik pa dito."
Kier kissed Pualette's forehead na ikina-patak ng luha ko sa aking pesngi. Pa simple ko iyong pinunasan. Tiningnan pa ako ng babaeng pulis, panigurado nakita niya ang pag-patak ng luha ko habang nakatingin sa kanila kaya ganoon nalang ang awa na nakikita ko sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...