"KYUAP anong nangyari dito?" gulat kung tanong ng tumambad sa akin ang kusinang daig pa ang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo.
Ang mga lalagyanan ng kutsara at plato ay natumba na. May mga nabasag pa na mga babasaging gamit. Ang mga kaldero ay kung saan na gumulong. Ang kalan ay sobrang laki ng apoy na kung hindi ko pinatay ay baka nasunog na ang kusina. Ang mga pagkain sa ref ay nagkalat. Ang mga itlog ay nabasag. Lahat magulo, wala akong nakitang maayos sa kusina.
"Marky, sorry." Kagat labi siyang yumuko. "Gusto ko sana na ipagluto ka ng almusal."
"Na naman?" bumuntong hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili dahil unti-unti akong nakaramdam ng inis. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan ang mga katulong?"
"Masama ba na gawin ko ito Marky?" malungkot niyang sabi. "Ang mga katulong pala ay sinabihan ko na mag day off muna kahit ngayong araw lang."
"At pumayag sila?" tumango siya. Lalo akong na inis. "Bakit mo naman sila ipinag day off? sino ang gagawa ng mga gawain dito? Ikaw?"
"Oo bakit hindi ba pwede?!" sigaw niya. "Hindi ko na ba talaga pwedeng gawin ang mga nakagawian ko ng gawin sa 'yo ha? HINDI NA BA TALAGA MARKY?!"
"Hindi na, kasi sa ngayon hindi mo pa kaya. Sana naman kyuap maintindihan mo ang gusto kung sabihin sa 'yo."
"Naiintindihan ko naman Marky. Ang gusto ko lang, kabisaduhin lahat ng mga ito para naman kahit bulag na ako ay may silbi pa rin ako sa 'yo. Na kahit ganito ako hindi ako pabigat sa inyo. Kung hindi mo na ako kayang pagtiisan, pwede mo naman akong iwan. Tatanggapin ko."
Napasabunot ako sa sarili kung buhok. Bakit ganito na ang takbo ng isip niya? masama ba na sabihan siya sa mga hindi na niya dapat gawin? masama ba ang ginawa ko?
Naglakad ako palapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Kyuap please, 'wag ka namang ganiyan. 'Wag ka namang magsalita ng ganiyan. Hindi kita iiwan. Naiintindihan ko naman ang kagustuhan mo na mapagsilbihan ako. Pero sa ngayon kyup 'wag muna please," pinunasan ko ang luhang tumulo sa kaniyang pesngi. "Kasi ayokong nahihirapan ka. Ayokong na mo-mroblema ka. Kahit naman hindi mo ako mapagsilbihan ay ayos lang sa akin."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...