CHAPTER 70 - THE FINALE PART 1

1.3K 26 5
                                    

CHAPTER 70
THE FINALE
PART 1

KIER MARKY CASTILLO
POINT OF VIEW

MGA dalawang oras kaming naghintay bago ibinigay ni Sharlinie ang address kung sa'n siya ngayon kasama ang anak kung si Havayana.

"'Wag ka nalang kaya sumama kyuap," nag-aalala at kinakabahan kung sabi sa kaniya. Nakapag-ayos na siya. Nakasuot siya ng pantalon na malambot ang tela saka simpleng damit lang. "Kinakabahan kasi ako sa gagawin ni Sharlinie."

Bumuntong hininga siya. "Kailangan kung sumama Marky. Nando'n ang anak ko, hindi ko kaya na maghintay lang dito. Saka pinapasama naman ako sa 'yo ni Sharlinie."

"Hindi kasi ako mapalagay. Baka kung ano pa ang gawin sa 'yo ni Sharlinie do'n kyuap."

"Sasama ako." Biglang singit ni Rheim. Kunot ang noo kung ibinaling sa kaniya ang atensyon ko. "Sa ayaw o sa gusto mo ay sasama ako. Kailangan na do'n ako para ma-protektahan ko si Paulette."

"Seriously? hanggang sa ganitong sitwasyon dumada-moves ka pa?" inis kung sabi.

"'Wag mo kasing bigyan ng kahulugan ang mga gusto kung gawin kay Paulette." Pinag-kros niya ang dalawang binti. "Iniisip ko lang naman na baka mapano siya do'n. Kaya mo bang ipaglaban ang anak mo at si Paulette sa asawa mo?"

Parang bigla akong natauhan sa sinabi niya. Malalim akong napabuntong hininga.

"Fine, let's go."

Tumayo naman si Rheim at maglakad na palabas. Nilapitan ko si Paulette at inalalayan na maglakad palabas. Sa kotse ko siya pinasakay habang si Rheim naman ay sa kotse nito at sinusundan kami.

"Sana walang ginawa ang asawa mo sa anak ko Marky. Hindi ko siya mapapatawad kapag nagkataon."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon