Kier Marky Castillo's POV
PANAY ang pagtapik ko at paghimas sa dibdib ko dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Nandito na kasi lahat sa simbahan at ang bride ko nalang ang hinihintay. Sabi sa text na natanggap ko kanina ay papaalis na raw sa bahay kaya naman mas kinakabahan pa ako ng tudo.
"Ngayon palang i-congrats na kita pare," sabi ni Kean na katabi kung nakaupo sa unahan.
"Oo nga pala. Akalain mo 'yon Kean, ang Kier na kilala natin noon na ayaw sa mga babae ay mag-aasawa na? inunahan pa tayo." Pagsabat naman ni Steve.
"Ito ang itinadhana sa akin ng panginoon. She is my future." Sabi ko na may malawak at matamis na ngiti sa labi ko.
Nag-usap usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa mapansin ko na wala pa rin ang bride ko.
"Bakit wala pa ang bride mo pare?" Tanong ni Steve.
"Baka na traffic lang," sagot ko.
"ANO?!!!" may malakas na sigaw ang dumagundong sa loob ng simbahan. Napatingin naman ang lahat kay Rhay na kuya ng magiging asawa ko. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya dahil nakatayo siya at gulat na gulat habang ang kamay ay nasa tenga at may hawak na cellphone. "Saang hospital?"
Nang marining ko ang salitang hospital ay kumalabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Napahawak ako sa dibdib ko. May kakaibang idinulot sa katawan ko ang kalabog ng dibdib kung iyon. Parang may masamang balitang paparating.
Napansin kung tumakbo palabas si Rhay kaya naman tumakbo ako papunta sa kaniya saka siya pinigilan sa pagtakbo.
"Saan ka pupunta? Anong nangyari?" kinakabahan man ay pinakalma ko pa rin ang sarili at boses ko.
"Isinugod saw sa hospital si Paulette."
Kung gaano kalakas ang kalabog ng dibdib ko kanina ay dumoble pa ngayon. Natigilan ako, natulala, nanlambot at nanlamig sa narinig. Kung hindi pa tumakbo si Rhay ulit ay hindi ako matatauhan.
Nag-ingayan ang mga tao sa loob ng simbahan. Hindi ko nga naramdaman na nakalapit na pala sa akin sina mommy, daddy, Steve at Kean.
"Hindi ka ba pupunta sa hospital?" tanong ni mommy.
Nataranta ako at tumakbo sa labas at doon ko lang na alala na wala pala akong dalang kotse. Tumakbo ulit ako papasok sa loob at hiniram ang kotse ni Kean. Saka pinaharurot ng sobrang bilis sa hospital.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...