CHAPTER 26
PAULETTE COREEN'S POV
Halos takbuhin ko na ang daan palabas ng mall para lamang masundan si Marky, sobrang kinakabahan ako at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.
Hindi ko na nga magawang makapagpaalam kay Rheim sa sobrang tindi ng kaba at takot ko. Natatakot ako sa galit ni Marky, natatakot ako sa mga sasabihin niya sa akin at natatakot ako na baka hiwalayan niya ako. Ayokong maghiwalay kaming dalawa dahil lang sa kamalian ko, kung ganoon man ang gusto niya ay hindi ko hahayaang mangyari iyon. Kung kailangan kung magmakaawa ay gagawin ko huwag lang siyang mawala sa buhay ko.
Ngayon naramdaman ko na ang pagsisisi kung bakit pa ako sumama sa abnormal na iyon. He cause trouble in my life. Dapat hindi ko na siya pinapalapit sa buhay ko, dapat pala hindi na ako sumama. Nakakapangsisi at kung kailan huli na at nagawa ko na, doon pa ako nagsisisi.
Bigla akong napahawak sa braso ni Marky habang nakayuko ang ulo ko. Pagod na pagod ako kakatakbo para lamang maabutan siya.
Napahinto siya sa balak na pagbukas sa pinto ng kaniyang kotse. Napatayo ako ng tuwid at tiningnan ang likod niya, hingal na hingal pa rin ako.
"Can I explain kyuap?" abot-abot ang hiningang sabi ko.
Hindi siya lumingon. Tinanggal niya ang kamay kung nakahawak sa braso niya. Hinawakan ko kamay kung iyon at nilaro. Sa sobrang kaba na naman na nararamdaman ko ay nanlalamig ang kamay ko.
"Hindi mo na kailangan mag explain dahil nakita ko lahat, lahat lahat." Malamig niyang sabi saka binuksan ang pinto ng kotse niya. Papasok na sana siya ngunit kaagad kung iniharang ang katawan ko sa harap niya.
"I'm sorry, please don't get mad at me." Maluha-luha kung sabi. Nakatingin lang siya sa akin. Napakalamig ng tingin niyang iyon at parang tinutunaw ako ng lamig na iyon.
"Umusog ka, sasakay ako." Aniya kaya naman mabilis akong lumipat sa passenger seat.
Binundol na naman ako ng kaba ng tingnan niya ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Napakasakit ng tingin niya ngayon sa akin, ang tingin niyang iyon ay pwede ng makasugat kung isa iyong patalim.
"Kyu--"
"Don't talk."
Napakagat labi ako. Muli ay naramdaman kung naiiyak ako.
Napakatanga mo kasi Paulette!
Alam mo na ngang may boyfriend ka, hindi lang boyfriend kundi fiancé mo na ay sumasama ka sa ex mo.Sermon ko sa sarili ko.
Parang gusto kung iuntog ang sarili ko sa pagiging tanga ko.
Napakatahimik ng byahe namin pauwi. Kung anu-ano ang naiisip ko na pwedeng sabihin sa kaniya na huwag lang ikasakit ng damdamin niya.Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na ngang nagluluksa si Marky sa nangyari sa ate niya ay dinagdagan ko pa.
"Aray!" mahinang sigaw ko ng maramdaman kung binatukan ko na pala ang sarili kung ulo. Nilingon ko si Marky na seryoso pa rin ang kaniyang paningin sa daan.
Nang makarating sa bahay ay malakas niyang ni-preno ang kaniyang kotse, kamuntikan pa akong masubsob. Nauna na siyang bumaba at ang masakit pa ay iniwan niya ako rito sa kotse. Hindi niya man lang ako hinintay.
Galit talaga siya sa akin.
Mabilis akong bumaba at sinundan siya papunta sa kwarto namin. Hinuhubad niya ang kaniyang neck tie. Kahit kinakabahan ay niyakap ko siya.
"Sorry, sorry, patawarin mo ako." Doon ay nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko.
Muli ay tinanggal niya ang kamay kung nakayakap sa kaniya.
"Marky."
"Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit dito sa puso ko." Sabi niya.
"Sorry talaga kung sumama ako sa kaniya."
"Okay lang na sumama ka pero nung makita kitang nakangiti at masaya habang kasama siya, napakasakit. Sobrang sakit."
Napayuko ako at napaluhang muli. Hindi ko alam kung anong salita ang pwede kung sabihin.
"Hinintay kita doon sa cementeryo dahil alam kung nakasunod ka sa akin pero nang lumingon ako sa iyo hinayaan mo na siyang umakbay sa iyo at ang masaklap pa, sumama ka sa kaniya." Dugtong niya. Nilalaro ko ang mga daliri ko, wala akong mahanap na salita kaya naman ay makikinig nalang ako sa kaniya, tatanggapin ko nalang ang galit niya. "Sinundan ko kayo, sa apat na oras niyong magkasama ay nakasunod lang ako sa inyo, nakamasid sa inyo at kahit nasasaktan ako, sinikap kung tingnan kayo Paulette!"
Napaatras ako sa sigaw niya. Ang lakas ng pagkakasigaw niya na halos ikabingi ko.
"Habang nakikipag-ngitian ka sa kaniya ay hindi mo man lang inisip ang fiancé mung nasasaktan habang tinitingnan kayong dalawa! Masaya kanaba? masaya kanaba dahil nakasama mo siya ngayon huh!"
"Hindi."
"Hindi?!" sigaw niyang muli na nagpatalon sa akin. "Pero iyong nakikita ko kanina sa mukha mo ay iba sa sinasabi mo ngayon. Maloloko mo ako ng mga salita Paulette pero ang paningin ko ay hindi mo maloloko. Buong apat na oras kung tinitingnan ang bawat reaksyon ng mukha mo. Mahal mo pa ba siya huh? mahal mo pa ba siya?!" napakagat labi ako sa malakas niyang sigaw sa akin. Palakas ng palakas ang iyak ko. Kasalanan ko talaga ito, kasalanan ko kung bakit nagalit ng ganito katindi si Marky. "Mahal mo pa ba siya? SUMAGOT KA!"
"Hindi." Mabilis kung sagot na sinabayan pa ng pag-iling habang umiiyak. "Hindi ko siya mahal dahil ikaw ang mahal ko. Simula ng dumating ka sa buhay ko ay sa iyo na tumibok ang puso ko. Kaya maniwala ka sa akin Marky, nagsasabi ako ng totoo, ikaw ang mahal ko. Sumama lang namam ako sa kaniya dahil.."
"Dahil? dahil gusto mo siyang makasama, gusto mo ulit na maramdaman ang dating naramdaman mo sa kaniya." Sagot niya sa sasabihin ko dapat.
"Hindi iyon! Bakit ba pinapangunahan mo ang mga sasabihin ko huh!" malakas kung sigaw sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na loob para sigawan siya.
"Kasi nakikita ko sa galaw mo na mahal mo pa siya!" sigaw niya rin sa akin."Hindi ko nga siya mahal! Bakit ba ipinipilit mo na mahal ko siya? por que sumama lang ako sa kaniya ay mahal ko na siya? hindi mababago ng pagsama ko sa kaniya ang pagmamahal ko sa 'yo!"
"Hindi mo ako mahal."
"Mahal nga kita tang ina. Paulit-ulit ka alam mo 'yon? Kung ang ikinakagalit mo ay ang pagsama ko sa kaniya ay hindi na ako sasama. Jusko, sa simpleng pagsama lang ganiyan na kaagad ang galit mo."
"Hindi mo ba na iintindihan na nagseselos ako? Hindi mo ba nararamdaman na selos na selos ako? na parang pinapatay ako sa selos na nararamdaman ko? hindi mo ba iyon nararamdaman, nakikita huh? sobrang mahal kita Paulette kaya nararamdaman ko 'to. Gusto ko na sa akin lang umiikot ang mundo mo." Mahaba niyang sabi. "Hindi naman masamang sumama ka sa ex mo pero sana naman alamin mo kung may masasaktan kang tao habang kasama mo ang ex mo."
"Pasensya." Mahinahon ko ng sabi. Bigla akong nakaramdam ng konsensya sa ginawa kung pagsigaw sa kaniya. "Hindi na mauulit promise."
Ngumisi siya pero ang tingin niya ay malamig pa rin.
"You want to be with him?" seryoso niyang tanong na nakatingin sa mata ko. "Be with him then!"
Mabilis siyang tumalikod saka binalibag ang pinto ng kwarto namin.
Napayuko ako at muling umiyak. Galit na galit siya talaga sa akin.
********
To be continued...
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...