Warning!
Rated SPG. BAWAL SA BATA. SKIP THIS CHAPTER NALANG KUNG BATA KA PA.
CHAPTER 46
KABADONG nakaupo ako sa waiting area dito sa NAIA airport habang hinihintay si Marky. Dalawang araw na rin naman ang nakalipas simula nung sinabi sa akin ni Samantha na may pinakasalan na raw si Marky sa London.
Pero syempre hindi ako naniwala sa kaniya. Alam ko naman na gumagawa lang siya ng istorya para masira kaming dalawa ni Marky kagaya ng ginawa niya noon sa amin ni Rheim. Kahit ano pa man ang sabihin niya sa akin, hinding-hindi ko siya papaniwalaan. Kay Marky lang ako maniniwala. At pinanghahawakan ko ang sinabi niya sa akin na may appointment lang siyang pinuntahan sa London kasama ang daddy niya.
Kagabi tumawag siya sa akin at binalita na dadating na nga siya ngayon. Sobrang natuwa ako lalo na't sabi niya na ako ang gusto niya makita pagkalapag ng eroplano sa pilipinas. Kaya naman nagpahatid ako kay kuya dito sa airport. Pinasabi ko na rin kay kuya na sabihin kay Marky kung saan ako nakapwesto.
Habang naghihintay sa kaniya ay panay ang paglaro ko sa mga daliri ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako kakabado. Siguro sobrang na miss ko lang talaga si Marky kaya ganito ako kung kabahan.
"Kyuap." Nanigas at nagulat ako ng may yumakap sa akin ng mahigpit. At pagkatapos no'n ay hinalikan ako ng mabilis sa labi. "I miss you so much, I miss your lips," dugtong niya at hinalikan ako ulit.Napangiti ako at hinalikan siya pabalik. Naramdaman kung namasa ang mata ko, na miss ko talaga ng sobra si Marky. Halos mahigit isang linggo ko rin siyang hindi nakasama.
"I miss you too, Marky." Muli ay niyakap niya ako. Ang mga yakap na sobrang miss na miss ko. "Grabe ang pagka-miss mo sa akin ah? Halos ayaw mo na akong bintawan." Sabi ko at natawa naman siya.Inakbayan niya ako.
"Na miss lang talaga kita. Let's go?"Tumango ako.
"Kamusta ang London?" panimula kung tanong.
"Okay lang naman. Medyo nakakapagod lang dahil sunod-sunod ang ginawa naming preparasyon."
"Preparasyon?" tanong ko. "Para saan?"
"Ah.. Sa client na kinausap ko do'n. Kilalang tao at makapangyarihan kasi ang client na nakausap ko kaya ilang araw akong nagprepara para maging successful ang appointment namin."
"Ah," tumango-tango ako.
"May pasalubong ako sa 'yo." Sabi niya ng makasakay na kami sa kotse na iniwan ni Kuya. Nag-commute nalang kasi si Kuya pauwi dahil kotse ni Marky ang ginamit papunta sa airport. "Here," inabot niya sa akin ang box.
Kinuha ko iyon saka hinimas. Inaalam kung ano ang nasa loob ng box. "Ano 'to Marky?"
"Buksan mo."Binuksan ko iyon at hinimas ang laman. Mahaba siya at alam ko na kaagad na isa iyong kwentas. Napahawak ako sa pendant ng kwentas.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...