CHAPTER 20
Samantha Loreen Tuazon's POV
Sa pag-iwang ginawa sa akin ni Fiona ay nasaktan ako. Akala ko kasi ay maiintindihan niya ako, akala ko ay hindi siya magagalit sa akin. Tanggap ko naman ang pagkakamaling nagawa ko kay Alina pero sana ay huwag nila akong husgahan na parang napaka mamamatay kung tao.
"I'm so sorry Sam," biglang sabi ni Sofia na ngayon ay kapantay ko na ng upo. "Maiintindihan ka rin niya."
"Hindi ka galit sa akin Fia?" lumuluhang tanong ko.
"Hindi. Alam ko naman kasing hindi mo sinasadya e," ngumiti siya sa akin.
Magsasalita pa sana ako kaso ay hindi ko nagawa dahil may kotseng huminto sa gilid namin. Binaba nito ang bintana ng kotse. Galit pa rin ang mukha niyang nakatinggin sa akin.
"Ano Sofia? hindi kaba sasabay sa akin?" mataray na tanong ni Fiona.
"Isabay na natin si Sam, Fio."
"No. Ayokong makalapit pa ang babaeng iyan sa buhay natin. Kaya ngayon palang Fia ay lumayo-layo kana sa kaniya."
"Kaibigan natin siya Fio. Bakit ba ganiyan ka? Why don't you understand her?" tumayo si Fia at inalalayan akong tumayo. "Don't let your anger eat you. Kahit ano pa ang ginawa niya ay kaibigan pa rin natin siya Fio."
"Whatever," umirap ito. "Get inside my car. Or else..."
"Or else what? Iiwan mo rin ako? Hindi ako sasakay sa kotse mo kung hindi natin kasama si Sam." Pagmamatigas ni Sofia. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"Ayaw mung sumakay? bahala ka." Anito at ini-start ang kotse tyaka pinatakbo ng malakas.
Bumuntong hininga si Sofia at tiningnan ako. "Hayaan nalang muna natin siya. Kausapin nalang natin siya ulit bukas okay?" tumango ako. "Sa ngayon ay umuwi muna tayo para makapag-pahinga kana, bawal pa naman sa iyo ang ma stressed ngayon, baka mabinat ka."
Ngiting mapakla lamamg ang isinagod ko aa kaniya. Sabay kaming lumayo sa lugar na iyon ni Sofia.
PAULETTE'S POV
"Kyuap," pag tawag ko sa kaniya. Naka upo lang kasi siya sa gilid na animoy may malalim na iniisip. "Gusto mo bang kumain?"
Nilingon niya ako saka umiling. Umupo ako sa tabi niya saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Gusto mo bang umiyak?" bumuntong huminga siya.
"Bakit mo naman iyan naitanong?"
"Wala lang. Gusto ko lang na umiyak ka." Sabi ko na garalgal ang boses. "Kung naiiyak kana ay umiyak kalang sa harap ko. Hindi masamang umiyak lalo na't ang pag-iyak ang makakapag paluwag ng sakit sa damdamin natin."
"Paano kung hindi ako naiiyak?" balik niyang tanong.
"Paano ka nga ba iiyak kung pinipigilan mo?" Tinanggal ko ang ulo niya na nakasandal sa balikat ko saka iniharap ang mukha niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. "Naiiyak kana diba? gusto mo ng umiyak diba?" naiiyak kung tanong. Unti-unting nangislap ang mata niya pero pilit parin niyang huwag lang umiyak. "Ilabas mo iyang mga luha na pinipigilan mo kyuap. Alam kung nag papanggap kalang na malakas, kitang-kita ko ang bawat pag pigil mo na sa mga luha mo. Ramdam na ramdam ko ang lungkot mo at ramdam ko na gusto ng lumabas niyang mga luha mo." Doon ay tumulo na ang mga luhang pinipigilan niya. "Iiyak mo pa. Ilabas mo pa, ilabas mo lahat iyan para guminhawa iyang nararamdaman mo."
Niyakap ko siya kaagad ng humikbi na siya. Hinagod ko ang likod niya at hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko. Umiyak na rin ako. Nadadala ako sa bawat hikbi ni Marky, nadadala ako sa mga lungkot niya.
"Bakit niya kami iniwan ng ganito kaaga kyuap? nangako siya sa amin dati na hindi niya kami iiwanan. Ilang beses niyang sinasabi sa amin noon na nariyan lang siya palagi para sa amin. Pero bakit ganito? bakit sa isang iglap ay iniwan niya nalang kami ng walang pasabi?"
"Hindi niya kasi hawak ang sarili niyang buhay kyuap. Gustuhin man niyang mabuhay kung binabawi na ng diyos ang buhay niya ay wala siyang magagawa. Hirap lang natin sa diyos ang mga buhay natin. Hindi natin alam kung kailan niya babawiin ang buhay na ipinahiram niya sa atin." Tiningnan ko siya saka nginitian. "Kailangan lang natin na tanggapin na kinuha na siya sa atin, kailangan mo ng tanggapin na may mawawala talaga na mahal natin sa buhay ng hindi natin alam, na mawawala lang sila sa atin ng biglaan."
"Kaso nga lang ay napaka unfair. Napaka bata niya pa para mawala, hindi niya pa na i-enjoy ang buhay niya rito. Paano na kaming nag mamahal sa kaniya? paano na ang fiancè niyang hinihintay ang pagbalik niya?"
"Kasi nga hanggang doon nalang ang buhay niya. Hanggang doon nalamang ang journey ng buhay niya. Kailangan lang nating tanggapin ang pagkawala niya."
Niyakap niya kaagad ako. "Sa ngayon ay hindi ko pa kayang tanggapin. Pero sisikapin kung unti-unting tanggapin ang pag-iwan niya sa amin."
I smiled to him and gave him a kissed on his forehead.
Kinahapunan ay magkasama kaming dalawa ni Marky na kumain ng meryenda. Marami ring mga taong nakikiramay sa burol, mas marami ang mga ka-business ng daddy ni Marky ang nakiramay.
Sa kalagitnaan ng ginagawa naming pag meryenda ni Marky ay may isang pamilya ang pumasok na nakapag pukaw ng atensyon namin. Sabay silang lumapit sa may ataol at sumilip sa kabaong. Binuhat nito ang anak na babae saka pinatingin doon. Mayamaya ay lumapit ang daddy ni Marky doon sa tatlo.
Tumayo si Marky kaya naman ay tumayo rin ako at sumabay kay Marky palapit sa pwesto kung nasaan ang daddy niya.
"My deepest condolence to your family Mr. Castillo," magalang na sabi ni Jazzie sa ama ni Marky.
Ngumiti lang ang ama ni Marky kay Jazzie. Tiningnan ako ni Selena kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Anyway Mr. Castillo. Gusto kung ipakilala sa inyo ang anak ko na apo ninyo. This is my daughter Ziena." Sabi ni Jazzie na ikinagulat ko.
Tiningnan ko si Marky na ngayon ay nakakunot na ang noo. Bigla akong naguluhan sa sinabi ni Jazzie. Paano naging apo ng daddy ni Marky ang apo nito?
"Excuse me? naliligaw kaba ng pinuntahan at pinagsabihan?" sabi ni Marky na naruon parin ang naka kunot niyang noo.
Binaling ni Jazzie ang paningin kay Marky saka ngumisi. "Hindi mo alam?" tanong ni Jazzie rito. "Hindi mo alam na kapatid mo ako?"
Lalong kumunot ang noo ni Marky. Ako ay nabigla sa sinabi nito. Tiningnan ni Marky ang daddy niya na tahimik lang.
"Can you explain it to me what's he talking about dad?" si Marky.
"Son," bumuntong hininga ang daddy niya at parang hindi makapag salita.
"Dad tell it to me!" medyo may kataasang boses na ani Marky.
"He's your step brother son."
"What?"
"Yes. I am you step brother Kier. Hindi ko alam na hindi mo pala alam. Hindi ko alam na hindi pala sinabi sa iyo ni daddy ang tungkol sa amin." Medyo sarcastic ang tono na pagkakasabi ni Jazzie.
Naiinis ako sa ginagawa ni Jazzie. Dapat hindi niya sinabi rito. Sana naman ay pumili siya ng lugar bago mag sabi ng katutuhanan.
"I'm sorry son," sabi ng daddy nito.
"Paano? paano ko siya naging kapatid dad?" inis na tanong ni Marky.
"Pag-usapan nalang natin sa office ko mamaya anak."
"Kausapin mo nalang iyang isang anak mo." Pabalang na sabi ni Marky at naglakad palayo sa kanila.
"Kyuap!" tawag ko sa kaniya at sinundan siya palabas ng bahay nila. "Kyuap!" tawag ko ulit sa kaniya ng sumakay siya sa kotse niya. Tumakbo ako at sumakay sa passenger seat. Mabilis niyang ipinatakbo ang kaniyang sasakyan palayo sa bahay nila.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya i-comfort.
*****
To be continued...
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...