CHAPTER 60 - Be yours again

940 23 27
                                    

CHAPTER 60  - Be Yours Again

KIER MARKY CASTILLO'S POV

BUONG araw kung iniyakan ang pagkamatay ng anak ko dahil hirap na hirap pa rin ako na tanggapin na hindi man lang nila ipinaalam sa 'kin na nabuntis ko si Paulette. Ilang buwan kung pinaniwala ang sarili ko na ang nakabuntis sa kaniya ay si Rheim dahil ito na ang kasama nito. Akala ko nagkabalikan na silang dalawa o baka nga nagkabalikan na sila at itinago na naman nila sa akin para hindi ko malalaman.

Hindi na ako nakabalik pa sa hospital. Tinawagan ko nalang si mommy na samahan si Sharlinie at asikasuhin ang dapat na asikasuhin sa hospital.

Nabalitaan ko rin na ngayon ang libing ni Yana, iyon ang pangalan na binanggit ni Paulette kahapon. Nasa loob lang ako ng kotse ko, nakatanaw sa kanila na binubuhat ang kabaong ng anak ko papasok sa loob ng simbahan. Pakiramdam ko kasi malulumpo ako kapag lumapit ako sa kabaong ng anak ko. Nanghihina ako sa t'wing pumapasok sa utak ko ang itsura ni Yana na nakapikit at nasa loob ng kabaong.

Sa pagsilip ko sa loob ay loob ay napadaan si Paulette, akay-akay siya ng kuya niya. Kahit nasa malayo ako, kitang-kita ko na nahihirapan siya. Gusto ko siyang puntahan, yakapin at patatagin ngunit naduduwag ako. Sapat sa sa 'kin na umiyak nalang dito sa loob ng kotse ko at pinagmamasdan sila.

---

Makalipas ang isang oras ay buhat nila ulit ang kabaong ng anak ko palabas ng simbahan. Ihahatid na siya sa kaniyang hiking hantungan. Sumunod ako kanila, nasa pinakadulo lang ako. Hindi ko na matanaw si Paulette dahil nasa unahan ito.

Pagkarating sa libingan ay bumaba ako sa kotse at lumapit sa kanila ng bahagya. Inayos ko ang salamin sa mata ko at sumiksik sa mga tao. Hindi ulit ako lumapit sa kanila, dumestansya ako ng ilang metro.

Nag-umpisa ng magdasal abg pari saka winisikan ng holy water ang kabaong at ang mga taong narito. Rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Paulette, ang lakas at nagpapahirap pa lalo sa kaluoban ko. Nang sabihin ni father na pwede ng ibaba sa lupa ang anak ko ay nagwala na si Paulette.

Habang tinitingnan ko siya na niyayakap ang kabaong ng anak namin ay pinipiga ang puso ko. Panay lang ng pagtulo ng luha ko sa pisngi. Ang sakit sakit tingnan siya sa gano'ng kalagayan. Pinapalayo na siya ng niya sa kabaong ng anak ngunit ayaw nitong pumayag.

Humihiyaw ito at halos gusto ng sumama sa anak namin. Hindi ko na kaya pa, lumapit ako sa kanila saka niyakap siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Kumakawala siya sa bisig ko pero hinigpitan ko pa iyon habang sinasabayan siya sa pag-iyak. Ibinaba na ang kabaong ng anak ko sa lupa at panay pa rin ang pagpupumiglas niya na makawala. Tinatawag niya ang panagalan ni Yana. At nang tuluyan ng maibaba sa ilalim si Yana ay siya namang pagkawala ng malay niya.

Mabuti nalang ay yakap ko siya kaya hindi siya bumagsak. Napaupo ako sa lupa at inihiga sa bisig ko ang ulo niya. At umiiyak akong pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Alam ko na hirap na hirap na siya.

Mabilis ba lumapit sa amin si Selena at itinali pataas ang buhok ni Pauelette. Nagtagal ng ilang minutong hindi siya gumigising kaya nataranta kami.

"Gisingin mo siya Marky! gisingin mo!" nag-aalalang sabi sa akin ni Selena at hinigpitan lalo ang pagtali sa buhok ni Paulette para makahinga ito.

Tinapik-tapik ko ang mukha ni Paulette ba namumutla na. "Kyuap? kyuap? dumilat ka na." Ngunit hindi siya dumidilat. Lalong tumindi ang pamumutla ng mukha niya.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon