CHAPTER 14 - A girlfriend?

1.7K 46 0
                                    

CHAPTER 14

Paulette Coreen's POV

Pagkarating namin sa trial court ay sila kaagad ang nakita ko sa labas. One happy family sila. Nilingon nila kami ni Marky at deretso lang kaming pumasok sa loob. Sumunod naman sila sa amin.

Ilang minuto lang din ay nag-umpisa na, pina-unang magsabi ang kampo nina Selena. Tumayo siya at nag-punta sa harapan.

Ikwenento nito ang nangyari sa kaniya, lahat ng detalye ay sinabi na niya. Bagot ko siyang tiningnan na parang wala akong ganang makinig sa mga sinasabi niya.

"Objection your honor! Siya ang gumawa ng way para mag trigger si Paulette!" sigaw ng abogado namin. Nag pukpok naman ang judge at sinabi nito ang pagkukwento.

"Tinurukan niya ng drugs ang anak ko kaya ngayon ay hindi na makapagsalita sa nangyari sa kaniya. My daughter is emotionally and mentally traunatize." Ani Selena at tiningnan ako ng masama.

Tumayo na si Selena. At bumaba saka pumunta sa pamilya niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng lingunin niya ako.

Natapos ang hearing na bagot parin ako. Pinapabalik kami sa suaunod na hearing dahil kampo nanaman daw namin ang mag lalathala.

Naunang lumabas sina Selena. Sumunod kami at sa paglabas namin ay nakaabang pala sila.

Nabigla ako sa biglaan niyang pagsampal sa akin. I was about to slap her too ng humarang kaagad si Jazzie. Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin na hindi niya gugustuhin pang makita.

"Pagbibigyan kita ngayon sa pag-sampal sa akin. Sa oras na dumapo pa iyang madumi mung kamay sa mukha ko, sisiguraduhin kung mawawalan ka ng kamay kaagad." Sabi ko sa kaniya.

Tinalikuran ko siya at naglakad palabas. Pasalamat siya wala ako sa mood makipag-away sa mga walang kwentang tao.

"Masakit ba ang mukha mo?"

"Natural!" singhal ko kay Marky na parang tangang tatanungin pa ako kung masakit ba ang mukha ko.

Tumawa siya kaya lalo akong nainis. Ito 'yong kinakainisan ko kay Marky, kapag naiinis ako ay tinatawanan niya ako. Inirapan ko siya at sumakay sa kotse. Sumunod naman siya saka pinaalis na ang kotse palayo sa lugar na iyon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para bumili ng libro sa bookstore. Kailangan ko kasing mag-review para makapasa sa entrance exam. Kahit ganito ako ay mayroon akong pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kung patunayan sa kanila na makakapag tapos ako.

"Papasok ka?" tanong ko kay Marky dahil nakasuot siya ng business suit.

"Oo. Kailangan daw kasi ako ni daddy ngayon at meron daw siyang ipapagawa sa akin sa company." Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa noo. "Babalik din ako kaagad pagwala na masiyadong gagawin. Magpahatid kanalang sa driver namin pag may bibilhin ka sa labas."

"Sige." Sagot ko nalamang at hinatid siya sa labas. Tinanaw ko muna ang kotse niya papalayo saka ako pumasok sa bahay nila.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay nagpahatid na ako sa driver nila Marky sa mall. Buti nga dahil lahat ng mga naninilbihan sa kanila Marky ay mababait sa akin.

Pagkarating sa mall ay sinabihan ko si manong driver na balikan nalang ako mamaya dahil medyo matatagalan ako. Pumayag naman siya dahil may pupuntahan daw siyang importante. Naglakad ako papasok ng mall at sa entrance palang ay may familiar na tao akong nakita. Abala ito sa hawak na cellphone.

Nilampasan ko siya at bigla naman siyang pumasok sa mall, nasa may likod ko lang siya.

Bakit ba palagi ko nalang siyang nakikita? Bakit ba panay ang pakalat-kalat niya sa lugar na pinupuntahan ko?

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon