CHAPTER 10
Samantha Loreen Tuazon's POV
Simula ng mawala ang baby ko ay dumilim na kaagad ang mundo ko. Gusto kung pagdusahan nilang lahat ang pagkawala ng anak ko. Si Alex? siya ang pangalawang taong parurusahan ko dahil sa sakit na ibinigay at ipinarandam niya saakin. Nang dahil sa kaniya ay nag-iisa na lamang ako, nang dahil sa kaniya sirang-sira na ako.
Hindi ko makakalimutan ang pagkawala ng anak ko, lahat sila magbabayad. Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari iyon. Isa-isahin ko silang lahat at sisiguraduhin kung walang sino man ang makakalusot.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa letching kama na ito. Isang linggo na akong nakaratay sa higaang ito, pakiramdam ko ay ginawa nila akong lumpo.
"Sabi ng doctor ay bawal daw po kayong lumabas." Maagap na sabi saakin ng taga bantay ko rito sa kwarto. Nakalabas na kasi ako ng hospital. Sinamaan ko siya ng tingin sa pangingialam niya sa gusto kung gawin. Napaiwas siya ng tingin sa takot.
"Pabayaan mo ako kung ayaw mung matanggal sa trabaho," sabi ko kaniya kaya niyuko nalamang niya ang kaniyang ulo.
"Sorry po. Pero, sinabi po kasi ng iyong doctor na kailangan niyo raw po mag bed rest, hindi pa daw po kasi bumabalik ang lakas ninyo."
"Wala akong paki sa doctor doctor na iyan. Gagawin ko kung ano ang gusto kung gawin at isa pa," hinawakan ko ang baba niya tyaka tiningnan siya sa mata. "Wag na wag mo akong pagsasabihan. Maliwanag?" dali-dali naman siyang tumango. Ramdam ko ang pangiginig niya sa takot.
Binitawan ko na ang baba niya tyaka nag lakad palabas ng kwarto. Napakatahimik ng bahay namin, puro katulong lang na naglilinis ang nakikita ko. Nang mapansin nila ako ay binati nila ako at nagbigay galang. Inirapan ko sila tyaka nag tungo sa kusina.
"Meron po ba kayong gusto kainin ma'am?" tanong saakin ng isang katulong. Tiningnan ko sa tyaka nginisihan.
"Paano kung ikaw ang gusto kung kainin. Papayag kaba?" namutla naman siya kaagad sa sinabi ko. Inirapan ko na lamang siya at dumiretso sa ref at kumuha ng fresh milk.
Nang makuha ko na ay lumabas ako ng bahay at nagtungo sa garden. Umupo ako sa maliit na duyang naroon at pinagmamasdan ang ilang paru-parong nagliliparan sa mga bulaklak na naroon.
Bigla kung naalala si mommy. Hindi ko tinanggal ang paningin ko roon kaya't parang nakikita ko ang nakaraang gusto kung balikan.
Napakasaya ng mukha ni mommy habang binubungkal niya ang mga lupang naroon, nasa gilid niya naman ang dalawang batang babae na kinakausap niya.
"Mommy bakit napakaganda ng pamumulaklak nitong bulaklak na tinatanim mo?" tanong ng batang babae na ako noong bata pa.
Tiningnan naman ni mommy ang batang ako tyaka binungkal ang lupa sa harap niya at inilagay roon ang itinatanim na bulaklak.
"Nagiging maganda lang iyon anak kung inaalagaan mo ito sa tama. Ang mga bulaklak ay parang mga tao rin iyan. Kailangan din nilang maalagaan ng tama para maganda ang itsura nila. Parang kayong dalawa ng kapatid mo, inalagaan ko kayo kaya tingnan niyo naman ang resulta diba? magaganda kayo." Sagot ni mommy na nag pahagikgik sa dalawang bata.
"Eh mommy, paano po kung ang itinanim ko ay malalanta, ano po ang ibig sabihin nun?" tanong nag batang si Paulette.
"Malalanta lang ang mga bulaklak kung pinabayaan. Kagaya din iyan sa relasyon ninyong magkakapatid." Nangunot naman ang noo ng dalawang bata dahil siguro ay hindi na gets ang sinabi ng ina. "Kapag kasi ang isa sa inyo ay pinabayaan ang relasyon ninyong dalawa bilang magkapatid ay unti-unti itong malalanta. Tapos bigla nalang itong mawawala at baka bigla iyong masira. Kaya mga anak ko, huwag niyong hahayaang malanta ang relasyon ninyong dalawa, dahil malulungkot ang mommy kung makikita kung lumalanta ang relasyon ninyong dalawa."
"Hindi po iyon mangyayari mommy. Promise po." Sabi ng batang ako at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.
Tumayo ako at itinapon ang boteng hawak ko na may lamang gatas.
I'm sorry mommy. All promises are meant to be broken. Kaya hindi na mangyayari ang pangakong iyon lalo na't isa siya sa dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nawala ka, kung bakit napakabata ko pa para maranasan ang mawalan ng ina.
"Good morning," nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon. Bigla uminit ang ulo ko dahil sa lalaking kaharap ko. Ang lalaking naging dahilan rin ng pagkasira ng buhay ko.
"What's good in the morning, Alex?" nakataas ang kilay kung tanong. "Anong karapatan mung pumasok rito sa pamamahay ko?"
"I just want to cheak your health," napangisi ako sa isinagot niya. Cheacking ny health? Wtf!
"Kailan ba kita binigyan ng karapatan para icheack ang kalagayan ko?" napaiwas naman siya ng tingin. "Bakit hindi kanalang pumunta sa asawa mo?"
Kahit masakit saakin ang salitang iyon ay gusto ko paring isampal sa pagmumukha niya. Sa loob ng ilang taong magkarelasyon namin ay ginawa niya lang pala akong tanga, pinaniwala sa mga kasinungalingan niya. Ang lakas ng loob niyang gaguhin ako para lamang sa pera? mga mahihirap nga naman talaga, mga mukhang pera.
"Pupunta rin ako doon. Sinadya kitang daanan para sana kamustahin ang lagay mo." Lalo akong nainis sa isinagot niya. Hanggang ngayon parin ba ay ang asawa niya parin ang gusto niya? Anong meron sa asawa niya na wala saakin?
In fact, maganda ako, mayaman, kaya kung ibigay lahat ng gusto niya kaya bakit mas pinili niya pa ang asawa niyang mahirap lang siguro.
"Makakaalis kana. Nakita mo na rin naman ang lagay ko diba? tumatayo na at handang iparanas sa inyo ang kagaguhang ginawa niyo sa buhay ko." Galit kung sabi sa kaniya.
Tumingin siya saakin kaya nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay mapapaupo ako sa panlalambot ng tuhod ko. Hanggang ngayon ay siya parin ang nakakapanghina ng lakas ko kaya hindi ko hahayaang manaig iyon. Habang nakatingin siya sa mga mata ko ay lumalakas ang kabog ng diibdib ko. Siguro kung hindi niya lang ako ginagago ay niyakap ko na siya. Aaminin kung mahal ko ang gagong ito kahit sinaktan niya ako.
"Ano ba ang pwede kung gawin para lang matanggal ang galit no saakin, Sam?"
Ano nga ba?
"Ang layuan ang asawa mo at sumama saakin. Kaya mo kayang gawin?" oo na, ako na ang desperada. Masisisi niyo ba ako? mahal ko parin ang lalaking ito pero kung hindi man pala siya mapapasaakin ay mas mabuti ng sirain ko ang buhay niya.
"Alam mo namang hindi ko magagawa ang kagustuhan mo, Sam." Napatawa ako ng pagak. Naramdaman ko nanaman ang sakit sa puso ko. Siya parin ang pinili niya? Nakakagago.
"Okay fine. Wait for my revenge."
I flip my hair and walk away. Ngayon, mararamdaman na niya talaga ang sakit na nararamdaman ko. Sino kaya sa kanila ang uunahin ko? Ang anak niya ba o ang asawa niyang sagabal sa aming dalawa?
*******
To be continued...
Ohohohoho grabe na talaga ang mga kaganapan! Natatakot tuloy ako sa mangyayari sa mahal sa buhay ni Alex.
Okay. Kahit walang comment ang last chapter ay okay lang saakin. I write my story dahil gusto ko. Points nalang para saakin ang ibinibigay niyong votes and comments. Pero kung wala okay lang din.
Salamat pala sa mga nagbabasa pa nito. Hanga na talaga ako sa inyo! Hihihihi
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...