CHAPTER 47 - Paulette's downfall

1.1K 29 7
                                    

Chapter 47 - PAULETTE'S DOWNFALL


NAGING tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko habang naglalakad palayo sa kanila. Panay ang pahid ko dahil hindi ko kayang pigilan ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon sinaktan na naman ako at ang masakit pa, ang taong minahal ko ng totoo ang magbibigay ng matinding sakit sa akin kagaya nito.

Nakarating ako sa likod ng bahay nila kung sa'n may mahabang upuan do'n na parang duyan. Nang mahawakan ko ng maayos ang upuang duyan ay umupo ako ro'n saka...

"Waaaaaaahhhh!" malakas kung sigaw kasabay ng pagtulo ulit ng luha ko. Hindi ko kaya ang sakit na 'to. Sobrang sikip ng dibdib ko. "Ahhhhh.haaaaaa.haaaaa." sunod-sunod na pag-atungal ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa pag-iyak ko. Wala na akong pakialam kung parang baka na akong umiiyak dito. Ang sakit kasi talaga at sobrang hirap i-absorb na may pinakasalan siyang iba.

"Bakit! Bakit kailangan kung masaktan ng ganito!" pumadyak-padyak ako saka sinusuntok ang kahoy na upuan. Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko kaso hindi e. "Waaaah.haaaa.haaaaa. bakit kailangan kung masaktan ng ganito! Waaaaaaah.... Waaaaahhhh!"

Bakit kailangan niya pa na magsinungaling sa akin? Sabi niya may appointment lang siyang pupuntahan sa London. Naniwala ako sa kaniya, pinanghahawakan ko ang sinabi niya na appointment lang talaga ang pinunta niya do'n tapos biglang ganito? bigla nalang may asawa na siya kaagad pagbalik niya?

"Niloko mo ako! Ahhhhh! Niloko mo ako!!!"

"Kyuap sorry," may yumakap sa akin. Mabilis akong pumiksi at itinulak siya. Tumayo ako at naglakad palayo kahit na iwan ko sa inuupuan ko kanina ang tungkod ko. "Please pakinggan mo ako. Please kyuap." Muli ay hinawakan niya ang braso ko.

"Ano pa ba ang dapat kung pakinggan Marky? napakalinaw na oh, napakalinaw na may asawa ka na!" sigaw ko sa kaniya at umiyak ulit. Alam kung magang-maga na ang mata ko. At hindi ako mahihiyang ipakita sa kaniya na nasaktan ako sa ginawa niya sa akin. "Diba sabi mo sa 'kin may appointment ka lang na aasikasuhin sa London? diba?" sabihin mo sa akin na oo, please. Sabihin mo sa akin na hindi ka nag pakasala, please.

"Sorry," gumaralgal ang boses niya. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Ang totoo ay nagpakasal ako do'n."

"Ahhhhhhh!" palahaw ko saka napaupo sa damuhan. Nilakasan ko pa ang pagsigaw ko habang umiiyak. Sinabunutan ko ang sarili kung buhok, pumapadyak ako sa damuhan, sinusuntok ko ang damo at hindi pa ako na kontento. Humiga ako sa damuhan at itinakip ang braso ko sa mata ko saka umiiyak ulit ng malakas. "Ang hirap ang hirap tanggapin, ahhhhhhhh!"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon