CHAPTER 73 - The Final Ending

1.5K 34 40
                                    

CHAPTER 73
THE FINAL ENDING

PAULETTE COREEN TUAZON
POINT OF VIEW

"ANAK!" malakas na palahaw na iyak ng mama ni Marky ng dumating na sa bahay nila ang katawan ni Marky na nasa loob na ng kabaong. Habang naririnig ko ang mga iyak niya ay na iiyak rin ako. Kagabi pa nga ako iyak ng iyak at ayaw kung tumigil sa pag-iyak kahit sinabi sa 'kin ni Marky na 'wag ko siyang iyakin. Ang sakit tanggapin na hanggang doon lang pala ang buhay niya. Na sana binigyan ko siya ng maraming oras, na sana pinaramdam ko pa sa kaniya ang pagmamahal ko. "Bakit mo sinundan ang ate mo, anak! Bakit niyo kami iniwan!"

Madiin akong napapikit at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Sa gilid ay nakaupo akong mag-isa. Umiiyak mag-isa, wala ng masasandalan dahil ang taong naging sandalan ko no'n ay wala na. Ay taong pumapahid ng luha ko noon ay siya namang pinapatakan ng mga luha ko ngayon.

Napahikbi ako at inalala ang mga masasayang sandali namin noon ni Marky.


Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?

Napayuko ako at hinayaan ang mga luha kung umagos ng umagos habang binabalikan ang nakaraan namin ni Marky. Ang sakit sakit talaga, ang hirap hirap tanggapin na hindi na pala talaga kami magkakasama pa. Mawawala na siya mundong tatahakin ko ngayon, ang mundong binuo niya noong mga panahong sirang-sira ang mundo ko.

 "Good morning, my pretty kyuap," nakangiti niyang  bati sa akin at nilapitan ako tyaka binigyan ng mabilis na halik sa aking labi. "Our break fast is ready." Sininghot ko ang inihanda niyang pagkain sa hapag kaya napangiti siya sa ginawa ko. Nagmulat ako ng mata at lumapit sa lamesa tyaka nakangiting kinuha ang mangkok na may lamang pretong baboy.

 "Wow sarap," sabi ko na lalong nagpangiti sa kaniya. Kumuha ako ng isa at kinain iyon. "Lasang Marky." Sabay kaming napatawa sa sinabi ko. 

 Naglakad siya palapit sa akin tyaka niyakap ako habang nakatalikod. 

"How's your sleep, kyuap?" mahina niyang tanong. Nilingon ko naman siya at hinalikan niya   agad ako na sumakto sa labi ko. "Hmmm... Lasang Paulette." Pareho kaming humagalpak ng tawa sa kalikuhan naming dalawa.

I must be strong
And carry on,
‘Cause I know I don’t belong
Here in heaven.

Inilagay ko sa mukha ko ang dalawang kamay ko at doon humagulgol ng todo. Wala na talaga siya. Kailangan ko pa naman siya, siya lang ang kakampi ko, ang nasasandalan ko, ang nagpapasaya ng araw ko, ang nagbigay kulay sa buhay ko.Muli ay parang flash na naman na pumasok sa isip ko ang masayang ala-ala namin.

 

Nakangiti siyang tumayo tyaka muli akong niyakap ng mahigpit. "Thats my girl." He kissed my hair. "Don't worry, tatanggapin ko rin ang magiging resulta ng test mo. Kahit sino o kahit ano kaman ay mananatiling ika'y mahal parin."

Hinarap ko siya tyaka pinisil ang may katangusan niyang ilong. "Ang corny mo talaga. Kaya mahal kita e."

"Mas mahal kita, times two."

"Times two lang?"

"Edi times one hundred," nag-tawanan kaming dalawa.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon