CHAPTER 4

2.2K 56 14
                                    

CHAPTER 4

Selena Jasmin Bernabe

Lakad takbo na ang ginawa ko para lamang hindi ako maabutan ng babae kanina pa walang tigil sa paghabol saakin. Siguro mga nasa dalawang oras na akong nag-tatakbo pero naroon parin ang babae, hindi napapagod na habulin ako kahit saan man ako pumunta.

"Bakit ba hinahabol mo ako? Anong kailangan mo saakin?!" malakas kung sigaw ngunit parang hindi niya iyon narinig, patuloy parin sa sa pag-takbo palapit saaakin. "Stop it!"

Tumakbo nanaman ako ng mabilis dahil malapit na siya sa kinaruruonan ko. Ayaw kung mahabol niya ako kahit hindi ko alam kung ano ang gusto niya saakin. Nasa may gubat kami, ang sakit na ng paa ko kakatakbo dahil wala akong tsinelas, wala akong suot na sapin sa paa sadyang damit lamang ng hospital ang suot ko, hindi ko nga alam kung saan ko ito nakuha.

"Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha."

Doon ay tumaas ang balahibo ko sa takot. Bakit niya ako kukunin? Anong kailangan niya saakin? May kasalanan ba ako sa kaniya?

"Tama na! Hindi ko alam kung anong atraso ko sayo!"

"Run. Run. Run. Selena... Hahaha!"

Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Buti nalang ay patag ang gubat kaya deretso lamang pag-takbo. Gusto kung lingunin ang babaeng humahabol saakin ngunit natatakot ako, natatakot akong makilala kung sino man siya.

"Shit!" I screamed dahil sa matulis na batong naapakan ko.

Sa tindi ng sakit niyon ay napaupo ako at halos gusto kung umiiyak ng malakas, sumigaw ng malakas sa laki ng sugat ko sa talampakan. Paano ako makakatakbo?

"Run... Selena!"

Pinilit kung tumayo kahit patuloy ang pag agos ng dugo sa talampakan ko. Sobrang sakit kapag nadadapo ito sa lupa, gusto ko ng huminto sa pagtakbo dahil sobrang daming dugo ang lumalabas doon. Kumikirot iyon kapag pinupwersa ko.

"Oh god, please stop!" Doon ay umiyak na ako ng sobrang lakas.

Nadapa ako dahil hindi ko makayanan ang sakit ng paa ko. May pumasok pang bato sa paa kung nasugat. Nilingon ko ng ang babae na halos ikabingi ko ang pag-tawa niya, palapit siya ng palapit saakin hanggang sa malapitan na niya ako.

Bigla niyang dinakma ang leeg ko tyaka ako sinakal. Hindi ako makahinga, patuloy lang ang pag-iyak ko.

"Mommy!"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak sa pag-tawag saakin ng anak ko. Nakikita ko siyang umiiyak sa gilid. Pilit tumatakbo sa gawi ko ngunit hindi siya makaalis sa pwesto niya. Nadudurog ang puso ko habang tinatawag ang pangalan ko. Sinasakal parin ako at halos lumabas na ang dila ko dahil sa tindi ng pagkakasakal.

"Mommy wag mo kaming iwan."

"Ba... by..." Damn! hindi ako makapag salita. Hindi na ako makahinga at ramdam ko ng mawawalan na ako ng hininga.

"Love." Doon ay lalo nanamang nadurog ang puso ko. Nasa right side ko sa Jazzie, nakaluhod, umiiyak at pilit ding inaabot ang kamay niya saakin.

Jazzie, sorry, sorry dahil nakikita niyo akong nahihirapan. Ayokong iwan kayo. Gusto kung labanan ito kaso ay mas malakas ito kaysa saakin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa piniga na ng babae ang leeg ko, doon ay unti-unti ng nawawala ang pag-hinga ko.

I'm sorry baby, sorry Jazzie...

Jazzie Mendoza

Nagising ako nang naramdamang gumagalaw si Ena. Tiningnan ko siya at doon ay napatayo agad ako ng makitang hirap siyang huminga.

"Love. Love!" Pag-tawag ko sa kaniya at hinawakan ang katawan niyang tumataas baba. Bigla itong nanigas kaya napatakbo na ako palabas ng kwarto. "Doc! Nurse!"
May isang lalaking nurse ang lumapit saakin. "Ang asawa ko."

Tumakbo ang nurse papasok pero agad din itong lumabas tyaka tinawag ang dalawang doctor. Bitbit ng babaeng nurse ang parang plantsa sa dalawang kamay niya.

Lalapit sana ako sa pwesto ni Ena kaso ay pinigilan ako ng lalaking nurse dahil bawal daw doon, ang doctor na daw ang bahala. Nasa may gilid lang ako habang tinitingnan ang ginagawa nila sa asawa ko. Tinanggal nila ang botones ng suot nitong hospital dress tyaka idinikit ang parang plantsa sa dibdib nito.

Sa bawat dikit ng plantsang iyon ay tumataas ang katawan niya. Sobrang panginginig at takot na ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa magiging resulta. Bakit naging ganito? Successful naman ang operasyon niya pero bakit humantong sa ganito?

Lalo akong kinabahan nang sunod-sunod na ang pag tunog ng monitor. Nahihirapan na akong huminga sa nakikita kung sitwasyon ng asawa ko. Nilingon ko ang kama ni Ziena at halos matumba ako ng makitang nakamulat ang mata niya.

Ngunit ang mata niyang iyon ay may luhang lumalabas na tuloy ang agos sa pesngi niya. Nilapitan ko siya agad at niyakap. Ayokong makita niya ang ang sitwasyon ng ina niya.

"Thank you God." Bulong ko na umiiyak na rin dahil nagising narin siya sa wakas. "Baby, don't cry."

Umiiling siya at patuloy ang pag-iyak. Itinuro niya ang pwesto ng mommy niya at umiiyak ulit, iyak na walang tunog. May isang doctor na lumapit saamin at tiningnan si Ziena.

"How are you baby?" tanong ng doctor ngunit tiningnan lang siya ni Ziena. Umiiyak parin ito pero walang boses na lumalabas. "Anong nararamdaman mo?" still, hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya saamin. Dinaig niya pa ang taong pipi na ayaw sumagot.

Bakit ganito ang nararanasan ng mag-ina ko? Hindi nila deserved ang ganito!

*********

To be continued....

Maiksi lang po ang chapter na ito. Pero pangako, next chapter ay hahabaan ko na.

Vote and

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon