CHAPTER 28
PAULETTE'S POV
ALA-UNA na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Marky. Kahit inaantok na ako ay sinisikap kung wag matulog para mahintay ang pagdating ni Marky kaso ay ala-una na, wala pa rin siya.
Kinakabahan tuloy ako, kung anu-ano na naman ang mga na iisip ko. Napa-praning na naman ako at masama itong pangitain sa akin. Alam ko sa sarili kung hindi pa ako pwedeng mag-isip ng kung anu-ano, mag conclude ng mga pangyayaring hindi naman nangyayari. Kailangan kung iwaksi sa isip ko ang mga masasamang na
iisip ko.Mabilis akong napailing ng maisip ko na naman na baka may nangyari na kay Marky kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.
"Calm down Pau, baka na traffic lang. 'Wag mag-isip ng sobra." Sabi ko sa sarili ko saka pinuno ang baga ko ng hangin.
Kinuha ko ang cellphone ko saka sinubukang tawagan si Marky subalit out of coverage pa rin. Kanina ko pa siya tinatawagan, siguro ay lowbat o baka naman sinadya niyang patayin ang cellphone para hindi ko siya matawagan?
"Arggh Marky bakit mo pinaparamdam ito sa akin?!" inis kung sabi saka sumampa sa kama.
Susubukan ko nalang na matulog, baka pag-gising ko ay nandito na siya sa tabi ko, niyayakap na ako at magkakabati na kami.
Ipinikit ko ang mata ko, sinisikap kung managinip para naman makatulog na ako pero hindi ko magawa. Gising na gising ang diwa ko kahit nakapikit ako. Tumagilid naman ako baka sakaling makatulog ako pero gano'n pa rin. Sinubukan ko rin na dumapa, itinaas ko pa nga ang paa ko sa headboard ng kama ngunit gano'n pa rin, hindi ko talaga makakuhang makatulog.
Asar kung hinilamos sa mukha ang sariling palad. Tumayo ako saka nagsuot ng damit na medyo maayos saka kumuha ng jacket sa closet. Hahanapin ko nalang siya sa labas.
Hindi ako napapakali kapag hindi ko nalalaman kung nasaan siya, kung okay ba siya.Madilim na sa salas ng bumaba ako, hindi ko na binuksan ang mga ilaw dahil baka may magising. Ayoko namang may mabulabog pa ako sa mga oras na ito.
Dahil wala naman akong sariling kotse ay naglakad nalang ako palabas ng Village. Kaagad akong napayakap sa sarili ko ng maramdaman ang lamig, pati nga ang labi ko biglang nanginig dahil sa lamig.
Patuloy lang ako sa paglalakad kahit sobrang dilim sa daan na nilalakaran ko, wala na rin dumadaan na sasakyan kasi nga ay madaling araw na.
Bigla akong natakot ng may makita sa medyo 'di kalayuan sa akin na taong nakayuko, may hawak na hindi ko alam kung ano iyon.
Biglang pumasok sa isip ko na baka isa iyon sa mga mamatay tao, killer clown o iyong lalaki sa chainsaw massacre. Kaya naman mabilis akong huminto at inaninag ng mabuti iyong taong nasa dilim kaso ay hindi ko maaninag ang pagmumukha niya.
Naramdaman ko ang biglang pagtayo ng balahibo ko ng tumingin ito sa akin. Kinabahan ako kaagad at nakaramdam ng panlalamig sa katawan. Nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako lumabas ng bahay.
Kung si Marky ang taong iyon ay parang malabo, hindi kasi tipo ni Marky ang maglakad lalo na't gabi.
Nanlaki ang mata ko ng itinaas ng taong iyon ang kamay na may hawak na hindi ko pa rin alam kung ano iyon. Nag-umpisa itong maglakad papalapit sa akin kaya naman ay napaatras ako. Sobrang lakas na ng kaba sa dibdib ko.
Pabilis na pabilis ang paglapit niya sa akin kaya naman ay tumakbo ako ngunit napahinto ako ng tawagin ng taong iyon ang pangalan ko.
"Paulette!" napalingon kaagad ako sa taong iyon.
Biglang nawala ang kaba ko ng makilala ang boses na iyon.
"Marky? ikaw ba 'yan?"
Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nang makalapit ako at nakomperma ko ngang si Marky iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Pero kaagad n bumalik ang kabang nararamdaman ko ng maging masama ang tingin na nito sa akin, at may nakaukit na ngisi sa kaniyang labi. Bigla na naman akong binundol ng kaba, napaatras ako.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...