CHAPTER 25
RHEIM'S POV
"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, amen."
Mabilis na kinuha ni father ang lalagyan ng kaniyang holy water saka nito winisikwisikan ang kabaong ni Alina.
Nang matapos ay isa-isa ng lumapit sa kabaong ang malalapit sa buhay ni Alina saka naglagay ng puting bulaklak sa taas ng kabaong nito.
Nang makalagay na ang lahat ay lumapit ang apat na lalaki saka isinara ang kabaong at binuhat papunta sa libingan talaga nito.
Pag-iyak ang maririnig, mga iyak na madadala ka, mga iyak na may sakit at hindi kayang tanggapin ang pagkawala nito.
"Please noooooo!" malakas ang sigaw ni Stephen saka ito tumakbo papunta sa kabaong na ibababa na sana. Kaagad niyang niyakap ang kabaong kaya naman ay napahinto sa pagbaba ang dalawang lalaki. "Please no! Please huwag niyo muna siyang ilibing." Umiiyak na pagmamakaawa nito habang nakayakap pa rin sa kabaong.
Bigla akong nakaramdam ng awa. Mabilis kung iniiwas ang paningin ko sa kaniya. Nadadala ako sa lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.
Biglang pumasok sa isip ko ang nakaraan five years ago. Ang nakaraang nagpalungmok sa akin ng tudo, ang nakaraang napakahirap kalimutan.
Noong inakala kung siya noon ang namatay ay labis ang sakit at pagdadalamhati ko. Hindi ko alam kung paano muling gumalaw sa mundong nasaan ako. Napakahirap, napakasakit, napakalungkot at higit sa lahat nakakapangsisi.
Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Stephen, siguro ay ganiyan rin ako sa kaniya noon, nakakaawa.
"Huwag please. Hindi ko kaya," pumipiyok niyang ani saka hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kabaong ng nobya. "Alinaaaaaa! Wake up pleaseeeee just this time! I'm begging!"
Napalunok ako sa nakikita kung sitwasyon ni Stephen, sobrang nakakadala ang pag-iyak niya. Lalong lumakas pa ang hagolgol niya at ang mga taong narito ay nadala na rin sa pag-iyak niya.
Mangiyak-ngiyak na lumapit si Pau sa kaniyang kuya. Hinawakan niya ito sa balikat. "Kuya, kailangan na niyang ibaba." Malumanay ang pagkakasabi niya.
"Please give me some time to be with her, please, please."
"Kuya," ani Paulette na hindi matuloy-tuloy ang dapat na sasabihin sa kaniyang kuya dahil umiiyak siya sa nakikitang hirap nito. "Hindi pwede kuya. Tanggapin mo nalang kuya please," lumakas ang pag-iyak niya. "Hindi na siya babalik pa kuya, kailangan mo ng tanggapin na wala na siya. Kailangan mung tanggapin na hindi mo na siya makikita pa. Kaya kuya, please, bitawan mo na siya. Tanggapin mo na."
Unti-unting tinanggal ni Stephen ang braso niya sa kabaong saka yumuko sa sariling tuhod. Para siyang gulay na lantang-lanta.
Dahil bumitaw na ito sa kabaong ay unti-unti ng ibinababa iyon. Lalong lumakas ang iyak ni Stephen habang nakayuko. Nag-iwas muli ako ng tingin, ngunit hindi sinadyang nadaanan ng paningin ko si Kier.
Napakatahimik niya lang, ang isang kamay niya ay nakahawak sa Ilong nito, mahinang humihikbi at hinahayaan ang mga luha niyang umagos sa kaniyang pesngi. Pulang-pula na ang ilong nito saka panigurado namumugto na rin ang kaniyang mata, hindi ko lang makita dahil nakasuot siya ng salamin.
"Oh God, maawa na po kayo sa akin. Ngayon lang po ako hihiling sa inyo, pwede niyo po bang ibalik niyo siya, nagmamakaawa po ako. Maawa po kayo."
Ibinalik ko ang paningin ko kay Stephen ng muli siyang nagsalita. Kahit pumipiyok piyok ay nagawa niya pa rin na sambitin ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...