CHAPTER 32
PAULETTE'S POV
MATAPOS kung maibigay kay Rheim ang invitation card ay tinungo ko na ang room namin. Habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng inis. Panay kasi ang pagtingin sa akin ng ilang estudyante, iyong tingin na parang napaka-sama kung tao. Iyong tingin na Parang may ginawa ako sa kanilang masama.
"Rinig mo na ba ang balita?"
"Hindi pa. Ano ang balita?"
"Ikakasal na pala ang babaeng iyan sa kaibigan ng ex niya."
"Huh? Totoo?"
"Oo. At ang matindi pa, may nakakita kanina na may ibinigay siya sa ex niyang si Rheim."
Gumuhit ang ngisi sa labi ko. Hanggang ngayon pala ay topic nila ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hinayaan ko lang sila na pag-usapan ako. As if naman papatulan ko sila.
Taas ang noong pumasok ako sa room namin at hindi na ako nagulat na ako na naman ang pinag-uusapan nila. Nang mapansin nila ako ay tumahimik sila. Inilapag ko ang bag saka umupo at pinag kross ang dalawa kung binti.
Parang tinahi ang mga bibig nila dahil ang kaninang maingay ay naging tahimik na. Hanggang sa dumating ang prof namin at nagtuloy tuloy ang klase na tahimik lang sila.
"Class dismiss!" Sabi ng prof namin sa last subject sa umaga.
Iniligpit ko ang mga gamit ko sa desk saka inilagay iyon sa loib ng bag ko. Tatayo na sana ako ng tumunog ang phone. Kinuha ko kaagad iyon sa bulsa.
MARKY is calling.....
"Hello kyuap?"
["Where are you?"]
"Huh?"
["Nasaan ka? Nandito ako sa labas ng gate ng school niyo."]
"Talaga? Bakit nandiyan ka?"
["Sinusundo ka po."] Napatawa ako. Kasi naman e, may pasok pa ako ngayong hapon 'tas susunduin na niya ako.
"My afternoon class pa ako kyuap."
["Mag absent ka nalang muna. May pupuntahan tayo. I'll wait you here. Dalian mo kasi naiinip na ako."]
"Psh! Oo na po."
Ininaba ko kaagad ang linya. Naguguluhan man ay tinahak ko nalang parking lot. At nang makarating ako ay nakita ko siya na nakasandal sa kotse niya. Hindi na siya naka business suit. Naka maong short siya na blue na lampas tuhod, naka sapatos, V neck shirt na kulay sky blue na medyo fitted sa kaniya.
At talagang namangha na naman ako sa ka-gwapuhan niya. Oh jusko mahabaging langit, bakit ang swerte ko sa kay Marky?
Bakit napaka gwapo niya?
Kulang nalang ay maging perfert na siyang nilalang sa mundo?
"Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ka sa akin." Mabilis akong napakurap ng pumitik siya sa harap ng mukha ko. Natulala pala ako habang pinagmamasdan siya. "Ang gwapo ko ba kyuap?"
"Hindi." Mabilis kung sagot saka iniwas ang paningin sa kaniya.
"Asus," aniya. "Tara na, kanina pa nila ako hinihintay."
"Huh? saan ba tayo pupunta at kailangan ko pa na i-skip ang afternoon class ko?" Naglakad ako papunta sa back seat para ilagay ang mga gamit ko. "Saka wala ka na bang ginagawa sa opisina?"
"Pina-cancel ko ang meeting ko ngayong hapon." Sagot niya at pumasok sa driver seat saka binuksan ang passenger seat. "Tumawag kasi si Steve."
"Tapos?" pumasok ako saka umayos ng upo.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...