PAGMULAT ng mata ko ay mukha kaagad ng babaeng pinaka-mamahal ko ang namulatan ko. Napangiti ako saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya.
Napaka-amo talaga ng mukha mo kyuap. Kung masaktan man kita, sana mapatawad mo ako.
Inilapit ko ang mukha ko sa noo niya saka hinalikan iyon. Ngiting mapait na ang gumuhit sa labi ko. Bukas, bukas na ang alis ko at parang gusto ko na umatras nalang. Kapag iniisip ko na masasaktan ko siya ay natatakot na ako. Isa pa sa ikinakatakot ko ay 'yong kapag nalaman niya na ikasal na ako sa iba ay iiwanan na niya ako.
Lord, guide my decision please. I need you.
Bumuntong hininga ako saka tumayo. Hindi ako papasok ngayong araw dahil nangako ako kagabi kay Paulette na buong araw ko siyang sasamahan sa mga lugar na gusto niyang mapuntahan.
Bago ako nagluto ng kakainin namin ay naligo muna ako. Pagkatapos no'n ay ginising ko siya. Nakangiti pa siyang bumangon sa kama.
Sana hindi na mawala ang matamis na ngiting iyon.
"Good morning handsome," she chuckled.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko saka ko siya hinalikan sa labi. "Bangon na saka kumain kana rin ng almusal. Tapos aalis na tayo no'n."
Lalo siyang napangiti. "Aye aye captain." Tumayo siya at kinapa ang tungkod na nagsisilbing alalay niya kapag naglalakad.
"Gusto mo ba na ako ang magpapaligo sa 'yo?"
"Ha? 'wag na, kabisado ko na naman kung sa'n nakalagay ang mga sabon." Nagtuloy na siya sa pagpasok sa CR.
Masaya ako dahil unti-unti na niyang nakakabisado ang mga daan, mga bagay na pwede niyang gamitin. Hindi pwedeng umiba ang mga pwesto ng mga gamit sa bahay dahil malilito na naman siya no'n. Kung ano ang pwestong nakabisado niya ay do'n nalang talaga 'yon.
Nang matapos siya ay inakay ko na siya na pumunta ng kusina para mag almusal.
"Kyuap, mamaya pakikuha mo naman ako ng damit sa drawer, 'yobg babagay sana sa akin." Sabi niya habang kumakain.
"Oh sige. Kahit ano namang damit ang susuotin mo ay maganda ka pa rin naman."
"Edi wow. Ang aga-aga kyuap nambobola ka na."
"I'm just stating the fact."
"Whatever," at talagang umirap pa siya. Natawa tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...