CHAPTER 27 - SAMANTHA'S MOVE
SAMANTHA LOREEN'S POV
Halos tumirik ang mata ko para lamang tingnan ng sobrang sama ang likod ni Fiona.
Akala ko tunay siyang kaibigan pero hindi pala kaya naman kasama na siya ngayon sa listahan na bibigyan ko ng leksyon sa ginawa sa akin.
Akala ba nila ay magpapaawa nalang ako? akala ba nila ay mahina lang ako at pag-iyak lamang ang kaya kung gawin?
That's a big no. Pagpapanggap lamang ang ginawa ko, at ang mga taong nagtaboy sa akin ay siya rin ang makakatanggap ng balik ba higanti ko sa ginawa nila sa akin. Kung ano ang ginawa nila ay iyon rin ang gagawin ko.
Hindi nila kilala ang isang Samantha kaya dapat ay mag-ingat ingat sila.
Higit kalahating oras akong nagtago sa likod ng puno bago lumabas para lumabas para pumunta sa libingan ni Alina. Sinigurado ko muna na wala ng tao para naman makalapit na ako. Bweset kasing mga tao iyon, bakit pa nila ako pinipigilang lumapit.
Nang nasa harap na ako ng libingan ni Alina ay napatingin kaagad ako sa larawan niyang naka ngiti. Sobrang ganda ng pagkakangiti niyang iyon, para bang sa mga ngiti niya ay sobrang ligaya niya ng araw na kinuhaan siya ng litrato. Napangisi ako saka umupo at binasa ang pangalan ni Alina na naka sulat sa semento.
"Sayang ka Alina, bakit kasi sinalo mo pa ang balang hindi naman para sa iyo." Tiningnan ko ulit ang larawan niya. "Feeling mo ba bayani ka na dahil nagpabaril ka? I pity on you. Hindi mo ikaka-bayani ang pagsalo ng bala." Lumungkot ang ekpresyon ko. "Tingnan mo ngayon, tigok kana hahaha!"
Bakit kasi napakatanga ni Alina. Ano kaya ang naisip niya para saluin ang balang iyon? Kung hindi niya sana sinalo ay sana patay na ngayon ang mortal enemy ko. Iyon naman talaga ang ponterya ko kaso nga lang um-epal pa ito.
"Huwag kang mag-alala Alina, ipaghihiganti kita gusto mo ba iyon? gusto mo bang singilin natin silang lahat?" kinuha ko ang larawan saka tinitigan iyong mabuti. "At kapag nabura na natin sila sa mundo ay mawawala na sila sa landas na tinatahak ko. Hindi ba't magandang ideya iyon Alina?" hinaplos ko ang mukha niya. "Ipapangako ko sa iyong magtatagumpay ako sa plano ko. Panuorin mo ha? dahil ikaw palang ang unang nawala, may susunod pa sa iyo."
Inilapag ko ang picture niya saka tumayo at pumunta sa kotse. Humanda talaga silang lahat sa akin, wala akong ititira kundi ang sarili ko nalang. Lahat kinuha na nila sa akin.
Ang atensyon, ang kasiyahan, ang magkaruon ng ina at masayang pamilyang at higit sa lahat, kinuha nila ang anak ko. Lahat iyon ay sisingilin ko.
Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko kung sino ang uunahin ko?
Si Alex ba at ang pamilya niya?
Pwede!
Mabilis kung ipinatakbo papunta sa hospital ang kotse ko. Nang makarating ay kaagad akong pumunta sa kwarto kung saan naka-confine ang anak ni Alex na sakitin.
Alam ko naman ang kwarto ng anak niya dahil ipina-imbistiga ko ang lahat ng tungkol sa pamilya ni Alex noon.
Kumatok kaagad ako saka sumandal sa gilid para hintayin ang pagbukas ng pinto. Ilang minuto lang rin ay bumukas iyon saka lumabas ang ka-edaran ko lang na babae. Pero ang itsura niya ay mas maganda ako at hindi losyang tingnan.
"Ano po ang kailangan nila?" tanong niya sa akin.
Umalis ako sa pagkakasandal saka walang pasabing pumasok sa loob ng kwartong iyon. Isinadya ko pa na bungguin ang katawan niya dahil medyo nakaharang sa pintuan.
"Bakit po kayo pumasok rito? maling kwarto po yata ang napasukan ninyo," nakasunod siya sa akin.
"Anong akala mo sa akin ay tanga para hindi malaman ang kwartong pinapasukan ko?" tiningnan ko siya saka nginisian. "Hindi mo ba ako kilala?"
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...