CHAPTER 23

1.7K 48 6
                                    

CHAPTER 23

Dahil sa ginawa ko kanina kay Marky ay hindi niya ako pinapansin. Kapag kinakausap ko siya ay iniikutan niya ako ng mata tapos bubulong siya na hindi ko naririnig. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa, kasi naman ang cute niya tingnan kapag pinapaikot niya ang mata niya, talagang puti ang makikita mo kapag pinapaikot niya ang mata niya.

"Kyuap kausapin mo na ako," kasabay ng pagkalabit ko sa kaniya. Muli ay inirapan niya ako. "Ito naman nagtatampo kaagad. Huwag kang mag-alala mamaya itutuloy natin ang nabitin mung kaligayahan." Natatawa kung sabi. Mabilis niya naman akong sinamaan ng tingin. "Kyuap--" hindi ko na naituloy dahil sa pagharap niya ng kaniyang palad sa mukha ko.

"Talk to my hand baby." Aniya saka nag smirk. Kinunutan ko siya ng noo saka tinapik ang kamay niya.

"Kung ayaw mo akong kausapin, edi huwag!" singhal ko sa kaniya saka siya tinalikuran.

Agad niya namang hinawakan ang kamay ko kaya napangiti ako ng patago. Ganito si Marky, sa una gusto niyang sinusuyo siya at kapag na inis ka na sa pagiging hard to get niya ay siya naman ngayon ang manunuyo sa iyo.

"Bitawan mo nga ako!" sabay piksi ko. Sa ngayon ay magpapanggap muna akong galit.

"Sorry na, ito naman," saka niya ako hinila at inakbayan.

"Hindi ako madadala ng sorry mo. Kanina ayaw mo akong kausapin diba? 'wag mo na akong kausapin kahit kailan."

"Walang ganyanan kyuap, gusto ko lang naman na lambingin mo ako e, saka," agad siyang lumapit sa tenga ko. "Binitin mo ako kanina, mahirap sa mga kapwa namin lalaki ang mabitin." Bulong niya. "Ituloy natin mamaya iyon ha?" paglalambing niya.

"Hindi na, choosy ka kasi kanina." Sabay irap ko sa kaniya katulad ng ginawa niya sa akin. Agad siyang natawa saka pinitik ang noo ko. "Huh! Talagang nananakit kapa ha?"

"Ginaya mo kasi ang pag-irap ko sa iyo kanina. Anyway, 'wag na magtampo ang kyuap ko, pasensya na sa inasta ko kanina, hehehe."

"Ewan ko sa iyo." Sabi ko. Inakbayan niya naman ulit ako. "Tara na nga doon, kanina pa yata tayo hinihintay e."

Sabay kaming naglakad papunta sa lugar kung saan ililibing si ate Alina. Muli ay may naramdaman akong lubgkot sa puso ko ng makita kung naging malungkot muli ang mata ni Marky. Tahimik kaming dalawang lumapit sa pwesto nila mommy't daddy niya.

Agad kaming  nagmano sa mga ito ngunit si Marky ay kay mommy niya lang nagmano.

"Bakit hindi ka nagmano sa daddy mo kyuap? alam mo bang hindi tama ang ginawa mo? he's still your dad, kyuap." Sabi ko.

"Do I need to gave a respect to him? that man didn't need a respect anyway." Asar niyang turan.

"Daddy mo pa rin siya kyuap at ang mga magulang ay kailangan nating bigyan ng respeto kahit nagkamali pa ang mga ito, kahit nagkasala pa ang mga ito sa atin." Paliwanag ko sa kaniya. "Hindi naman mabubura ng kasalanang nagawa ng mga magulang natin ang responsibilidad nila bilang ama natin. Dahil nga sila ang ama natin ay kailangan nating ibigay sa kanila ang respeto kasi tatay natin sila, hinarap nila ang pagiging ama sa atin dahil sa obligasyon nila bilang ama sa atin."

Bigla kung na alala si daddy. Aaminin ko na sobrang nasaktan ako sa ginawa niya sa akin noon pero kailanman ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa daddy ko. I still gave a respect to him even though he gave a big heartaches to me.
Tatay ko kasi siya, kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako ngayon dito sa mundo.

"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa naranasang magkaroon ng hinanakit sa mga magulang mo." Aniya.

Napangiti ako ng mapait. Nagsimula ng magdasal si father sa harap.

Hindi ko pala nai-kwento sa kaniya ang tungkol sa ginagawa sa akin noon nina ate at daddy. Ang alam niya lang noon sa akin ay ang nangyari sa amin between Rheim and Selena.

"Alam mo bang napaka-swerte mo sa daddy mo kahit may ginawa siyang hindi mo nagustuhan," maluha-luha kung sabi. "Napaka swerte mo dahil lumaki ka na puno ng pagmamahal galing sa daddy mo. Lumaki ka ng pinaparamdam sa iyo ng daddy mo na mayroon ama." Kinurap-kurap ko ang pilik mata ko dahil naiiyak ako. "Alam mo ba na pinapangarap ko noon na maramdaman ang pagmamahal ng daddy ko sa akin. Pinapangarap ko noon na bigyan ako ng atensyon ni daddy kagaya ng ibinibigay sa iyo ng daddy mo." Taka niya naman akong tiningnan. "Dahil Simula bata palang ako ay hindi na ako binibigyan ng pagmamahal ng daddy ko. Bata palang ako ay pinaparamdam na niya sa akin na hindi niya ako gusto." Doon ay pumatak na ang mga kuha ko. "Inaasam ko noon na tawagin niya ako, inaasam ko noon na ngitian niya ako, inaasam ko noon na mabigyan niya ng regalo, inaasam ko noon na tawagin niya akong anak pero hindi niya naman iyon naibigay lahat sa akin. Hanggang pag-aasam lang ako kyuap, lumaki ako na parang hangin lang sa daddy ko kaya napaka-swerte mo dahil lahat ng inaasam ko noon ay naramdaman mo."

Agad niya naman akong niyakap saka pinunasan ang mga luha ko. Hanggang ngayon pala ay narito pa rin sa dibdib ko ang pangungulila ko sa daddy ko, ang pag-aasam ko na matawag niya man lang sana akong anak niya.

"I'm sorry. Hindi ko man maipapangako sa iyo na magiging maayos ang trato ko sa daddy ko ngayon ngunit pagsusumikapan ko na huwag mabalot ng galit itong puso ko sa daddy ko." Idinikit niya ang uli niya sa akin. "Napaka swerte ko talaga sa iyo at kahit anong mangyari ay hindi kita pakakawalan."

Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Marky. Ako rin naman, kahit anong mangyari ay hindi ko siya papakawalan. Bilang nalang ang mga kagaya ni Marky sa mundo kaya hindi ko na dapat sayangin ang mga kagaya niya.

Siya at siya lang ang mamahalin ko. Dahil siya lang ang nagbigay sa akin ng pagmamahal na matagal ko ng inaasam na mabigyan ako.

To be continued....

A/N: Hello! Sorry kung ngayon lang ako nakapag update, sobrang busy lang talaga.

Don't forget to vote and comments please...

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon