CHAPTER 48 - SHE LOST EVERYTHING

1.2K 36 11
                                    


A/N: HELLOOOOOO Rheimyhanatics readerssssssss! Hehehe, gusto ko lang po ipaalam sa inyo na nalalapit na ang pagtatapos ng story na 'to. Tapos ang magiging POV na siguro ng mga chapters na susunod ay 3rd Pov na para naman makita natin ang side ng bawat isa. Saka hindi po kasi pwede na kay Paulette lang ang POV dahil bulag nga po siya diba? Hindi natin nakikita ang emosyon at expression ng mga nakakausap niya. That's why, na isipan ko na lang na i-third POV na nagawa ko na rin naman sa book 1. Salamat sa patuloy na pagsubaybay.

Ito na po ang kasunod. Maghanda ng panyo, tissue, o kahit anong pwedeng ipampunas. Dahil papaiyakin ko kayo. Hahahahaha.

******

CHAPTER 48 - SHE LOST EVERYTHING

3RD POV

YAKAP yakap ni Paulette ang malumbot na unan habang nakapikit at hinahayaan ang mga luha niyang umagos ng umagos. Dalawang araw na ang lumipas magmula ng malaman niya na may asawa na si Marky. Dalawang araw na rin siyang nagkukulong, hindi na kumakain ng maayos dahil mas gusto niya na lamang na magmukmok at hayaan ang sariling masaktan at lumuha.

At kahit na sinisikap niyang patatagin ang sarili ay talagang hindi niya kayang patatagin. Masiyadong nasaktan talaga siya, malaki kasi ang tiwala niya noon kay Marky na hindi siya nito sasaktan, papaiyakin at lulukuhin.


"You're so really beautiful today," saka niya ako hinalikan sa noo. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko saka ang puso ko tumatalon-talon na naman sa kilig.

Lalong humigpit ang ginawang pagyakap ni Paulette sa unan ng ma alala ang masayang nangyari sa kanila ni Marky. Ang kaninang mahinang pag-iyak niya ay nagkaro'n na ng tunog. Napakahirap para sa kaniya na hanggang sa alaala na lamang ba niya maririnig muli ang mga katagang iyon galing sa taong mahal niya?

"Tanggalin mo na iyang damit mo." Sabi ko sa kaniya at inayos ang hawak kung damit para isuot iyon sa kaniya. Hinubad niya naman iyon at nakangisi siyang lumapit sa akin.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Napaatras ako sa ginawa niyang paglapit sa akin, nakakaloko kasing ngiti ang meron sa labi niya at gwapong-gwapo ako sa kaniyang sa t'wing ngumingisi siya. Hindi ko magawang kumurap dahil baka kapag kumurap ako ay nakalapit na siya saakin.

"Bakit ka lumalayo? akala ko ba ay bibihisan mo ako?"

"Tanggalin mo muna ang ngising iyan!" medyo pasigaw kung sabi. Lalo pa siyang ngumisi kaya ang puso ko ay lumalakas lalo ang pintig nito. Habang papalapit siya ay parang nag slow-motion, parang pakiramdam ko ay nasa may ulap kaming dalawa na lumulutang. "Stop that kyuap! hindi na ako natutuwa."

"Gaano na ba kalakas ang impact ko diyan sa puso mo?" tanong niya at lumalapit pa rin. Naramdaman ko na na dumikit ang likod ko kotse niya kaya naging balisa ako. Bakit ba parang nagiging pabebe na ako e ang tanda ko na? "Na corner na kita. Paano ba iyan?"

"A-anong paano ba iyan?" medyo nabulol kung tanong. Bakit ba kinakabahan ako ng ganito? nakakainis!

"Alam mo bang kapag may isang babae akong minahal at na-corner ko ito sa isang sulok ay mapapasaakin na ng tuluyan? kaya paano ba iyan, mapapasaakin kana talaga ng tuluyan." Idinikit niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko kaya napagitnaan ako. "Sa mukha mung iyan ay pinapakita mo lang na sobrang lakas na ng impact ko sayo. Mahal na mahal mo talaga pala ako no? iba talaga ang gwapo."

Mas lalo pa'ng nilakasan ni Paulette ang pag-iyak. Wala pa siyang gaanong tulog dahil puro iyak na lang ginagawa niya buong araw at magdamag. Katakataka ngang hindi na uubos ang luha niya.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon