CHAPTER 24 - LIBING

1.9K 44 6
                                    

CHAPTER 24

Rheim Smith's POV

*PHONE RINGING*

Napatingin ako sa cellphone kung nakapatong sa lamesang bakal rito sa garden. Narito na naman kasi ako sa garden na palagi ko ng tinatambayan kapag nag-iisa na lamang ako. Hindi ko na kasi sila nakakasama magmula ng magkaroon ng issue between me and Kier.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko na sila nakakausap. Iniisip ko nalang na baka busy din sila sa kani-kanilang mga buhay. Kagaya nalang kay Steve na ngayon ay nababalitaan kung may girlfriend na raw. Kay Jazzie naman ay wala akong naging balita sa kanila. Ang huling balita lang na nasagap ko ay nakalabas daw ang mag ina niya sa hospital habang si Kean nasa Korea raw ngayon.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

["Kamusta na paring Smith?"] kumunot ang noo ko sa boses ng nasa  kabilang linya.

"Who are you?"

["Gags, si Steve ito. Ano kamusta kana? hindi kaba pupunta kina Kier ngayon?"]

"Bakit anong mayro'n sa kanila? pero teka nga, bakit ganiyan ang boses mo?"

Tumawa siya. ["Nagkasakit kasi ako tapos nagkaroon ng ubo at namaos kaya naging ganito ang boses ko. Anyway, ngayon ililibing iyong ate niyang namatay. Si Alina.'']

Sa sinabi niya ay nabigla ako ng todo. Kumabog din ang dibdib ko na para bang isang napaka-samang balita iyon para sa akin.

"Ako ba ay pinagloloko mo ha, Mendez?"

["Bakit naman kita lolokohin? ang mga ganoong balita ay dapat seryoso."]

"So totoo nga na patay na si Alina? bakit hindi ko alam? ano raw ang ikinamatay niya?"

Bigla akong nakaramdam ng pangingilabot. Unti-unting tumataas ang mga balahibo ko sa braso. Grabe, nakakabigla ang balitang iyon. Napaka bata pa ni Alina para mamatay. Nakakalungkot.

["Hindi ko alam sa iyo kung bakit hindi mo nabalitaan. Saka diba nabaril siya ni Samantha tapos do'n siya natamaan sa dibdib? kaya hindi na raw nito na kaya. Ayon, namatay."]

"Kawawa naman. Napaka-bata niya pa para mamatay. Paano na pala si Stephen? for sure sobrang nagluluksa iyon."

["Sinabi mo pa. Ano pupunta kaba?"]

"Titingnan ko. Nando'n ba siya?"

Tumawa siyang muli. ["Malamang! Kapatid ng boyfriend niya ang namatay nandoon siya talaga. Hoy Smith, pumunta ka ha. Huwag mung pairalin iyang pride mo, saka iyang puso mo. Patay ang pupuntahan mo. Makikiramay tayo sa mga naulila ng namatay."]

Napanguso ako. Tama naman si Steve, si Alina ang ipupunta namin kaya bakit pati siya ay na itanong ko? Hayys.

Hanggang ngayon talaga ay narito pa rin siya sa puso ko. Hindi ko pa talaga alam kung paano siya aalisin dito sa puso ko. Nasasaktan talaga ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

["Hoy! Pumunta ka ha. Magkita nalang tayo sa simbahan okay? Bye na."]

Agad na niyang pinatay ang linya. Wala sa sariling inilapag kung muli ang cellphone ko sa lamesa.

Bakit Rheim?

Bakit hanggang ngayon hindi no pa rin siya nakakalimutan?

Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang laman niyang puso mo?

Bakit nababaliw ka pa rin sa kaniya?

Bakit umiiyak ka pa rin dahil sa kaniya?

Ganiyan ka na ba ka martir?

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon