CHAPTER 15
Paulette Coreen's POV
"Are you done kyuap?" tanong sa akin ni Marky habang abala ako sa pag-ayos ng uniform ko.
"Yep. Lets go."
Sabay kaming nag tungo sa kotse niya. Excited na akong pumasok. May pangarap talaga kasi ako kaya naman gusto kung bumalik sa pag-aaral habang bata pa ako. Buti itong si Marky, naka graduated na sa kurso niyang business Ad.
Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto, ewan ko ba sa lalaking ito. Gusto niya na palagi niya akong pinagbubuksan ng pinto sa kaniyang kotse, hindi naman ako pilay, kaya ko pa ngang manuntok eh.
Pagkarating namin sa school ay tinigil niya lang ang kotse sa harap ng gate ng university. Bumaba siya at pinagbuksan akong muli ng pinto.
"Hindi na kita maihahatid sa building mo kyuap."
"Okay lang, kaya ko naman. Salamat." Nginitian ko siya.
"Be a good student okay?" tumango nalang ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Susunduin kita mamaya pag labas mo. May kopya ako ng sched mo. I love you."
"I love you too. Pasok na ako ha?"
Nginitian niya ako kaya naman pumasok na ako. Tinanaw niya muna akong makapasok sa gate bago siya umalis.
Napaka bait ni Marky and I am so blessed to have him in my life. Lahat ng katangian sa lalaki ay parang nasa kaniya na. He's rich, handsome, gentleman, lovable, caring and understanding boyfriend. Maghahanap pa ba ako ng iba? Si Marky ay sapat na ngayon para sa akin.
Napapaisip nga ako kung mayroon bang ex girlfriend si Marky? Kasi parang napaka mysterious niyang tao pag dating sa past niya. Hindi niya ikinikwento, ewan ko nga ba kung bakit. Basta ako, sapat na sa akin na ako ang present niya at mahal niya.
Nang makita ko na ang building ko ay pumasok ako sa room ko. May estudyante ng naroon. Umupo ako sa may gitna, ayaw ko kasing sa harap at sa likod.
Minutes past ay dumating na rin ang prof namin sa first subject. Pinakilala niya kami isa-isa sa harap.
"I'm Paulette Coreen Tuazon. Please be nice to me," pakilala ko saka ngumiti. Bumalik ako sa upuan ko saka nakinig sa prof namin.
Sa kalagitnaan ng pag li-lecture ng prof ay may kumatok.
"Sorry I'm late." Sabi nito.
"Its okay miss Bernabe."
Napangisi ako. Hanggang ngayon ba naman ay kaklase ko siya? Naglakad siya sa upuan na nasa harap ko bali, nasa likod niya ako. Hindi niya man lang ako nakita.
Nakinig akong muli sa sinasabi ng prof. Pero bigla akong nainip kaya naman may biglang pumasok sa isip ko.
Nakangisi kung sinipa-sipa ang likod ng upuan niya. Sa una ay natigilan ito sa pagsusulat kaya naman ay nilakasan ko ang pagsipa.
Asar niya akong tiningnan at nang makilala niya ako ay nabigla siya.
"Nice to see you again, classmate." Nakangising kung sabi sa kaniya at pinandiinan ang salitang 'classmate'.
Inirapan niya ako kaya naman ay napatawa ako ng mahina. Napikon siguro siya.
Parang magiging masaya ang school year ko ngayon.Matapos ng klase ay nauna siyang lumabas. Kinuha ko kaagad ang bag ko saka siya sinundan.
"Tigilan mo ang kakasunod sa akin bitch!" Inis niyang sabi saka ako tiningnan ng masama.
"Sigurado kabang sinusundan kita?" nakataas ang kilay kung tanong. Sinamaan niya ako ng tingin saka naglakad muli.
Doon ay napatawa ako ng malakas. Hindi ko nalang siya sinundan pa baka lalo siyang mainis. Mag-iisip muna ako ng magandang gagawin para mainis siya, kabayaran iyon ng pagsampal niya sa akin.
Nang mag lunch break na ay tinawagan ako ni Marky. Niyaya niya akong kumain sa labas kaya naman sinundo niya ako. Kumain kami sa resto malapit sa school.
"Kamusta unang umaga mo bilang estudyante?" tanong niua sa akin.
"Okay naman. I think magiging masaya ang pagiging student ko this time." Nakangiti kung sagot. "Kaklase ko siya."
"Sino?"
"Si Selena."
"Oh?" gulat niyang tanong. "Wala naman bang world war 3 ang naganap kanina?"
"Wala naman. Ininis ko lang siya." Tumawa ako ng maalala ang mukha ni Selena na asar na asar sa akin. "Her face was so priceless."
"Halatang nag-enjoy ka sa ginawa mo ah?"
"Naman. Gusto ko pa nga siyang mainis lalo. Anyway, ikaw, kamusta ang araw mo sa company niyo?" tanong ko sa kaniya saka kumain.
"Okay lang naman. Marami lang itinuro sa akin si daddy tungkol sa mga gagawin sa company kapag wala na siya. Tinuruan niya rin akong makipag deal sa mga gustong makakuha ng shares sa kompany and also, tinuro niya akong mag discuss ng mga nalalaman ko tungkol sa mga nalalaman ko sa mga board members." Mahabang sagot niya at kitang kita ko ang saya.
"Buti naman kahit papano ay hindi kana nahihirapan."
"Oo nga e. Nga pala kyuap, nag-usap kami kanina ni daddy." Inilapag niya ang kutsara't tinidor saka sumandal sa upuan.
"Anong sabi?" ginaya ko rin ang ginawa niya dahil tapos na rin naman akong kumain.
"Asikasuhin na raw natin ang kasal dahil 2 months from now na raw ang wedding natin. Okay lang ba sa iyo na after your class ay pupunta tayo sa hotel na ibinigay ni daddy?"
"Anong hotel? bakit sa hotel?"
"Sabi niya doon daw ang venue tapos doon na rin daw tayo pumilu ng mga foods na ihahada. Wala raw tayong gagastusin dahil siya na raw ang bahala."
"How about the wedding dress? the best mans? the flower girl, maid of honors at saka mga ninang at ninong?" tanong ko ulit.
"Iyong sa wedding dress ay may sinabi sa akin si mommy, doon daw tayo mag patahi ng gown mo dahil doon daw dati sina mommy nag pagawa ng susuotin nila sa kasal nila daddy." Tumango tango lang ako. "Iyong sa mga abay naman siguro mag-iisip tayo kung sino ang kukunin natin. May kinuha na si daddy na ninong at ninang, mga kasamahan niya sa business."
"Ayaw mo bang kunin na abay ang mga kaibigan mo?" tanong ko at bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"I don't know."
"Kunin mo na sila." Sabi ko kaya naman kinunutan niya ako ng noo. "Kaibigan mo parin sila kyuap kaya dapat lang na kunin mo sila. Tyaka si Rheim lang naman ang kaalitan mo diba? Oh pati pala si Jazzie."
"Pag-iisipan ko muna. For now, asikasuhin muna natin ang dapat munang asikasuhin. Tyaka mag pagawa na rin tayo ng invitations." Sumang-ayon ako. "Lets go? baka late kana."
"Tara."
Sabay kaming lumabas ng resto na iyon.
Napaisip ako, bakit kaya ayaw ni Marky na kunin ang mga kaibigan niya as abay?
Kung ako rin si Marky, kukunin ko rin ba as abay sina Samantha at Selena?
Tss. I don't know! Letche!
*****
To be continued...
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...