CHAPTER 16 -

1.6K 42 0
                                    

Kinahapunan ay sinundo akong muli ni Marky, wala naman kasi akong ginawa buong maghapom kundi ang makinig lang sa lecture ng prof namin. Hindi ko rin nainis si Selena dahil hindi siya pumasok.

Medyo may kalayuan sa school ang pupuntahan namin kaya naman ay dumaan muna kami sa nadaanang mall para kumain. Nagutom daw kasi siya kaya naman niyayaya niya ako.

Sa totoo lang napaka gutuming tao ni Marky, oras oras gusto niya may kinakain siya. Pero kahit anong kain niya ay hindi naman siya tumataba. Siguro doon napunta iyong kinakain niya sa abs niya dahil maumbok iyon at masarap hawakan.

Ano daw? Masakit ba hawakan ang sinabi ko? gano'n na ba ako ka baliw sa abs ni Marky na anim?

"Kyuap kanina pa kita kinakausap," Ani Marky na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Ha? Talaga? Ano sinabi mo kasi? hindi ko narinig, sorry."

"Its okay. Sabi ko anong flavor ng cake ang gusto mo? Anong motif?"

"Gusto ko ube cake. Alam mo naman na faborite ko ang ube. Tapos siguro combination of pink and violet ang motif ng weeding?"

"Diba iyon din ang motif ng 26th birthday mo noon?" napaisip naman ako.

Oo nga no? Iyon nga ang motif ng birthday ko noon.

"Okay lang naman siguro sa iyo na gano'n parin ang motif?"

"Basta kung ano ang gusto mo ay ikaw ang masusunod. We're here."

Agad siyang bumaba at umikot para magbukasan ako ng pinto. I said thank you to him.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa hotel na sinasabi ng daddy niya. Sa labas palang ay mahahalata ng mamahalin iyon at sikat na hotel. Napakataas ng hotel at parang kapag pumasok ka sa loob ay iisipin mung nasa ibang bansa ka.

Bago kami makapasok ay may pinirmahan muna si Marky sa may guard. Napaka strict pala ng hotel na ito. May apat na security guard ang nakabantay sa labas.

Nang makapasok na kami ng tuluyan ay napakapit ako kay Marky dahil sa lamig. May iilan ring mga taong naroon, may kumakain, may nag-iinoman at ang iba ay nag-uusap lang.

May lumapit sa aming babae at sa suot niyang uniform ay masasabi mung nagtatrabaho siya rito. Maganda siya at matangkad.

"Good afternoon Mr. Castillo." Bati ng babae saka yumuko sa harap namin. Sinabi niya na sumunod raw kami sa kaniya dahil may naka reserved daw na place para sa amin.

Pumasok kami sa parang kwarto pero sa loob pala ay sobrang ganda. Naroon lahat ng mga kailanganin sa kasal.

"Pumili lang po kayo ng magugustuhan niyong ihahanda sa kasal po ninyo Mr. Castillo and miss," tumingin siya sa akin.

"Miss Tuazon."

"Ms. Tuazon. Paki tawag na lamang po ako kapag may napili na po kayo."

Umupo kami ni Marky sa mahabang sofa. Iniabot kaagad sa akin ni Marky iyong pagpipilian daw ng mga ihahanda.

Pagbukas ko sa parang libro ang kapal ay nabigla ako dahil hindi ko kilala ang mga pagkain.

"Sigurado kabang makakain ang mga pagkain dito sa menu? hindi ko kasi kilala e."

Biglang tumawa si Marky at kinuha iyong parang menu tyaka itinuro sa akin ang mga pagkaing masasarap daw. Siguro higit sampong putahe ng ulam ang napili niya tapos limang putaheng dessert na hindi ko man lang kilala.

Kinuha nanaman niya ang parang menu rin na pagpipilian ng cake. Bigla akong natakam ng nakita ang nasa larawan na cake. Picture parang sobrang sarap na.

"Ito gusto ko 'to." Sabi ko at tinuro ang 8 layer cake na kulay ube. Ang ganda kasi ng style. May butterfly at flowers na icing na nakapalibot sa gilid ng cake. Tapos may bilog-bilog na maliit na iba't- iba ang kulay.

Tinawag kaagad ni Marky ang babae kanina saka ipinakita ang napili namin. Nang masabi namin ang sa cake ay nag paalam siyang lumabas myna ng kwartong iyon at pagbalik niya ay may bitbit siyang dalawang platito na may nakalagay na cake.

Bigla akong natakam nanaman. Binigay niya sa akin for taste sample raw. Iyon 'yong cake na napili namin.

"My ghad Marky ang sarap!" sabi ko saka sumubo ulit. Tumango tango lang siya.

Iyong babae naman ay nakangiti lang kaming tiningnan. Matapos kumain ay pinapili rin kami ng design at motif daw sa venue. Pumunta kami sa may likod at sobrang laki pala. Siguro marami ang ininvite ng daddy ni Marky dahil sa laki ng venue.

Pakiramdam ko ay napagod ako sa ginawa namin ni Marky. Bagsak agad ang katawan ko pagkarating sa bahay nila.

Humiga ako agad sa kama at itinakip ang unan sa mukha ko saka ipinikit ang mata.

"Magpalit ka muna ng uniform mo kyuap." Pilit niya tinatanggal ang unan sa mukha ko. "Kyuap," aniya saka ako hinila na parang bata.

"Tinatamad akong magpalit ng uniform." Sabi ko saka akmang hihiga ulit sa kama ngunit pinigilan niya kaagad ako.

"Stay put." Aniya sa niya hinubad ang uniform ko. Nagukat ako sa ginawa kaya naman ay umatras kaagad ako. "Ako na magpapalit ng uniform mo. Diba tinatamad ka?" hinila niya ulit ako.

"Hindi na pala ako tinatamad." Sabi ko pero hindi siya nag papigil. Tinanggal niya ang uniform na suot ko saka pati ang suot kung medyas ay tinanggal niya rin. Naka sando at maiksing short nalang ako na suot.

Hinila niya ako papuntang banyo saka hinubad ang sando ko.

"Marky anong ginagawa mo?" gulat kung tanong.

"Papaliguan kita mahal kung kyuap. Dahil sabi mo ay tinatamad ka." Sagot niya.

Hinayaan ko nalang siya sa ginawa niya. Akala ko ay huhubarin niya ang suot kung maiksing short at bra. Hinayaan niya lang iyon na suot ko. Binuksan niya ang shower saka ako pinaliguan na parang bata. Ako naman ay hindi makagalaw sa pagkagulat sa mga ginagawa niya.

"Done. Ikaw nalang ang magbihis ng pantulog mo kyuap ha? maliligo rin kasi ako." Pinalabas na niya ako ng banyo.

Para lang akong robbot na gumagalaw. Nag bihis nga ako ng pantulog saka kinuha ang suklay at umupo sa kama. Natapos na rin siyang maligo. Mabilis lang kasi maligo si Marky kapag gabi na dahil baka raw malamigan ang likod niya. Ayaw niya raw na magkasakit.

"Do you wan't me to comb your hair kyuap?" Ani niyang muli saka lumapit sa akin at kinuha ang suklay na hawak ko. "Alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa?"

"Hindi e."

"Kasi gusto ko na maaga palang ang maiparamdam ko na sa iyo ang pagiging asawa ko. Parang pakiramdam ko ay asawa na talaga kita."

"Advance ka masiyado." Sabi ko. Patuloy parin niyang sinusuklay ang buhok ko.

"Palagi kung hinihiling sa diyos na sana ay tayo na talaga ang nakatadhana sa isa't isa. Sobrang mahal na mahal kita at kapag naiisip ko palang na iiwanan mo ako o makikipag hiwalay ka sa akin ay namamatay na ang puso ko."

Nilingon ko siya tyaka hinawakan ang kaniyang pesngi. Nilapit ko ang ilong ko sa kaniya tyaka ni-nose to nose.

"No matter what happen to our relationship, I will be yours Marky. Ako ay para sa iyo na ngayon. Kaya palagi mung tatandaan na kahit ano man ang mga trials na pagdadaanan natin bilang mag-asawa ay sabay nating haharapin."

Nginitian niya ako saka hinalikan sa noo.

"I am so lucky to have you."

Napangiti nalamang ako. Kung maswerte siya na nasa kaniya ako. Paano nalang kaya ako sa kaniya?

Ako na yata ang maswerte na babae dahil nakatagpo ako ng taong mamahalin ako ng tunay.

********

To be continued...

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon