CHAPTER 72 - The Finale Part 3

1.1K 28 17
                                    

CHAPTER 72
THE FINALE PART 3

RHEIM SMITH'S
POINT OF VIEW


"Pipili na ako," sabi ni Kier at nakalunod na naglakad papunta sa kinaruronan nina Paulette.

Pabatong binitawan ni Sharlinie ang buhok ni Paulette at nakangisi muling nilapitan si Kier na lumuluhod pa rin.

"Sino sa kanila?" excited na tanong ni Sharlinie. Kating-kati ng pumatay.

"Bago ko sasabihin ay palabasin mo muna ang mga tauhan mo dito. Dapat tayo nalang ang nandito."

Tumaas ang kilay ni Sharlinie saka pinanliitan ng mata si Kier. "Sige," pagpayag nito at inutusang lumabas ng lumang bahay ang limang lalaking armado. "So ano na? ang dami mo pang sinasabi."

Dahan-dahan na tumayo si Kier at hindi ko inaasan ang ginawa niya. Mabilis niyang sinakmal ang leeg ni Sharlinie at itinaas ng kaunti sa ere.

"Akala mo ba pipili ako sa kanilang dalawa? kung may mamamatay man dito ay dapat ikaw 'yon. Dinadamay mo pa sila sa kabaliwan mo." Gigil na gigil at galit na galit nitong sabi kay Sharlinie.

Habang sinasakal ni Kier si Sharlinie ay tumakbo ako sa kinaruruonan ng anak nila at kinuha. Niyakap ko ng maayos ang anak nila na mahimbing pa rin na natutulog.

"Hindi..ako..makahinga.." Putol-putol na sabi ni Sharlinie.

"Wala akong pakialam kung hindi ka man makahinga. Papatayin kita sa ginawa mung katarantaduhan." Mas lalo pang diniinan ni Kier ang pagkakasakal kay Sharlinie.

Napansin ko si Paulette na tumayo habang hawak ang ulo nitong may dugo. Kaya naman nilapitan ko siya at inakay papunta sa gilid habang hawak ang anak nila.

"Dito ka lang sa tabi okay? paparating na rin siguro sila." Sabi ko kay Paulette.

"Sinong sila?" tanong niya.

"Ang mga pulis. Bago tayo pumasok dito ay tinawagan ko si Selena para magpadala ng pulis dito. At mayamaya siguro ay nandito na sila." Hinang-hina siyang dumandal sa pader. "Nasa akin na ang anak niyo." Pinahawak ko sa kaniya ang anak nila at nang mahawakan na niya ang anak ay napaiyak na siya.

"Hindi ka mananalo sa akin Kier. Papatayin ko ang babae mo!" kahit hirap ay nagawa pa rin na magbitaw ng salita ni Sharlinie.

Napatingin ako sa kanila at nakawala si Sharlinie sa pagkakasakal ni Kier. Malakas na sinipa nito si Kier kaya napalayo ito sa kaniya ng kaunti. Pinulot muli nito ang baril na nahulog sa sahig at itinutok sa kay Paulette na yakap ang anak.

"Sige! Subukan mung lumapit! Ipuputok ko 'to!" Pagbabanta nito.

"Tumigil ka na Sharlinie!"

"Hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo napapatay! Hindi kayo pwedeng maging masaya habang ako ay nag-iisa!"

"Ibaba mo ang baril mo!"

Napalingon ako sa may pintuan ng pumasok na magkakasunod ang mga pulis at si Selena na kasama si Samantha.

"Uulitin ko ibaba mo 'yang baril mo." Sabi ng pulis na nakatutok din ang baril kay Sharlinie.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon