Chapter 52 - A new lifeNANGINGIG ang mga labing dahan-dahan na lumapit si Marky kay Paulette na tahimik lang na nakasandal sa headboard ng kama. Ilang minuto na ang nakalipas magmula ng lumabas ng kwartong iyon si Rheim at Stephen.
"Kyuap," mangiyak-ngiyak na lumapit at yumakap si Marky kay Paulette ngunit hindi yumakap pabalik si Paulette. "Patawad, patawarin mo ako." Nag-umpisang tumulo ang luha ni Marky. Habang si Pau naman ay pinipigilan ang sarili na 'wag ipakita sa kaharap na naaapektuhan siya. "Hindi ko sinasadya. Alam ko na ang laki ng kasalanan ko sa 'yo. At tatanggapin ko lahat ng gagawin mo sa 'kin basta maging maayos lang tayo ulit please."
"Huh," dahan-dahan na itunulak ni Pau si Marky sa pagkakayakap sa kaniya. Gulat na gulat naman na napatingin si Marky sa mukha niya. "Gano'n nalang 'yon Marky? sobrang sakit ng ginawa mo sa 'kin, kaya papano mo nasasabi sa akin na makipag-ayos ako ng ganito kadali?"
"Aaminin ko na sinadya kung pakasalan si Sharlinie para sa pamilya namin kyuap. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi ko siya papakasalan."
Napakuyom ng kamao si Paulette sa mga sinabi nito sa kaniya. Ang kirot ay lumatay papunta sa kaniyang dibdib at pinapasikip nito iyon. Pinapahirapan siya sa paghinga.
"Bakit kailangan mung itago sa akin? bakit kailangan mo ako na paasahin na ako ang papakasalan mo?"
"Kailangan ko na kasing magpakasal kaagad."
"Kailangan? bakit hindi ako ang pinakasalan mo kung kailangan naman pala ha?!" sigaw na ni paulette. Nag-umpisa na namang manggilid ang luha niya. Pilit niyang 'wag ipakita ang nararamdamang sakit sa mga sinasabi nito sa kaniya kaso ay hindi niya kayang mag-panggap na okay, na ayos lang. "Ikaw lang ang hinihintay ko Marky. Hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin na magpapakasal tayo ulit pero anong ginagawa mo? nagpakasal ka sa iba. Porque bulag na ako ay sa iba ka na nagpakasal gano'n ba?"
"Hindi 'yon gano'n."
"Gano'n 'yon Marky!" muling sigaw ni Paulette. "Alam mo ba kung gaano kasakit para sa 'kin ang ginawa mo? sobrang sakit dito," tinuro niya ang kaniyang puso. "Masakit na masakit Marky. Sa ginawa mo mas sinira mo pa lalo ang buhay ko. Mas pinahirapan mo pa ako. Hirap na hirap na ako Marky."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...