CHAPTER 69

1K 21 4
                                    

Chapter 69

Kier Marky Castillo
Point of View

"Paulette!" pagtawag ko sa kaniya ng makita ko siyang papasakay na sana sa kotse ni Rheim. Nakahawak pa si Rheim sa braso niya, na inaalalayan siya sa pagsakay sa front seat. Sabay silang napatingin sa gawi ko. "I have something to tell you. Can we talk?"

Tinanggal ni Rheim ang kamay nito sa braso ni Pau at seryoso akong tinitigan, 'yong tinging pailalim. "May pupuntahan kami." Sabi ni Rheim.

"Ikaw ba si Paulette?" tanong ko sa kaniya. Saka nginisihan siya. "Kung hindi naman ikaw si Paulette 'wag ka ng sumabat."

"Rheim," sabi ni Pau at hinarap si Rheim. "Kausapin ko muna siya pwede? mamaya nalang tayo aalis?"

Bumuntong hininga si Rheim. "Ano pa nga ba? pero dapat kasama mo pa rin ako."

"Bakit pa?" asar kung singit. "Ano ka ba niya? kailangan ba talaga na nasa paligid ka kapag nag-uusap kami? this is a serious matter."

"So? pwede ko namang pakinggan 'yang serious matter na sinasabi mo." Sagot din niya sa 'kin. Nakakapang-init siya ng ulo. Lalo tuloy kumirot ang ulo kung naramaan ng lamp shade. Malakas nalang akong bumuntong hininga saka nilapitan si Paulette at niyakap. "Okay fine. Sa loob nalang ng bahay niyo natin pag-usapan kyuap."

"Sige."

Hinawakan ko kaagad si Pau sa braso dahil lalapit sana si Rheim para alalayan siya. Kaso dahil ayoko siyang dikit ng dikit sa kyuap ko ay ako nalang ang nag-alalay kay Paulette. Tahimik nalang siyang sinundan kaming pumasok.

"So ano 'yong pag-uusapan natin?" umpisang tanong ni Pau.

Bigla ay para akong nanlamig, kinabahan at hindi mapakali. Tama naman siguro na ipaalam ko sa kaniya na buhay ang anak naming dalawa.

"Tungkol sana sa anak natin." Kumunot ang noo niya.

"Sa anak natin? bakit kailangan pa natin siyang pag-usapan?" lalong kumunot ang noo niya. "Payapa na siya ngayon sa langit, hindi na dapat ungkatin pa ang tungkol sa kaniya."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon