CHAPTER 45 - THE TRUTH PART 1

1.1K 27 4
                                    

Chapter 45

"At sa tingin mo na pagbayaran mo na lahat? hindi ka pa bayad Paulette! Hangga't buhay pa ako hinding-hindi ka pa bayad. Hindi ko hahayaang maging masaya ka. Tandaan mo 'yan. At ikaw lalaki ka, protektahan niyo ng mabuti 'yan dahil baka malingat lang kayo sandali, patay na yan."

Napabangon ako sa higaan ng marinig muli sa isip ko ang mga katagang binitawan kanina ni Samantha. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko mga sinabi niya sa akin. Bumuntong hininga ako ng malalim. Binabagabag ako ng mga katagang iyon.

Kinapa ko ang tungkod saka tumayo at pumunta sa bintana. Lumanghap ako ng hangin para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Si Rheim naman ay hindi na nagtagal, sabi niya ay babalik na lang daw siya sa susunod na araw. Mabuti na nga lang pumunta siya dito kung hindi ay baka nalunod na talaga ako.

Nang magsawa ako ay lumabas ako ng kwarto at bumaba. Pumunta ako sa kusina saka humingi ng makakain sa katulong. Umupo ako at hinintay ang pagkain na hiningi ko. Na-ibigay din naman kaagad sa akin ng katulong. Habang kumakain ay naramdaman kung may umupo sa gilid ng inuupuan ko. Pinakiramdaman ko ang taong iyon dahil baka si Samantha na naman. Pero ng makomperma na hindi si Samantha ay nakahinga ako ng maluwag.

"Magsalita ka na kuya, alam kung ikaw 'yan."

He chuckled. "Paano mo nalaman na ako 'to ha?"

"Sa lakas ba naman ng amoy ng pabango mo e," natatawa kung sabi saka ipinagpatuloy ang kinakain ko. "Bakit ngayon ka lang 'yata naparito sa bahay?" Ilang araw na kasi siyang wala dito.

"Naging busy lang nitong mga nakaraang araw."

"Sa kompanya ni dad ka pa rin ba nagtatrabaho?"

"Oo, ako na ngayon ang President ng Tuazon Corporation."

"Wow," amazed kung sabi saka ngumiti ng sobrang lapad. "I'm so proud of you kuya. Deserving ka sa posisyon na 'yan."

Bumuntong hininga siya. "Kung nandito lang sana si Alina, matutuwa rin siya siguro sa narating ko."

"Kuya, mahal mo pa rin siya?" bigla ay parang nahawa ako sa kalungkutan niya.

"Oo naman. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang ate mo. Siya lang ang nag-iisang babaeng dito sa buhay ko. Pero ngayon alam mo ba Princess, may parang bago ng nagpapasaya ng araw ko?"

"Talaga? Sino?"

"Secret." Natawa siya. "Pero syempre si Alina pa rin ang hinahanap ng puso ko."

"Kuya," sinikap kung mahawakan ang kamay niya. Nang mahawakan ko iyon ay pinisil ko. "Ayaw mo ba na maging masaya? Wala na si ate, at panigurado 'yang babaeng sinasabi mo na nagpapasaya ngayon sa 'yo ay bigay na ng d'yos para magmahal ka ulit ng panibagong tao. Kagaya ko, nagmahal ulit ako ng bago dahil alam kung sasaya ako sa bago ko."

"Tss." Aniya. "Inuognay mo na naman ang buhay mo sa buhay ko."

"Hindi no."

"Pau, alam ko na gusto mo akong maging masaya pagkatapos ng mga nangyari sa akin. Ako din naman gusto ko din na maging masaya na kaya nga hinahayaan ko ngayon ang sarili ko na magkagusto sa iba kahit siya pa rin ang laman ng puso ko." Bumuntong hininga siya ulit. "May kasabihan nga na there's a rainbow after the rain kaya siguro ang babae ngayon na nagpapasaya na sa akin ay ang rainbow sa kasabihan na 'yon."

"Tompak kuya. Let yourself to be happy and in love again." Nginitian ko siya. "Pwede ko ba malaman kung sino ang rainbow na 'yan?"

"Kilala mo naman siya."

"Talaga?" bigla ay parang na excite ako. Kilala ko? "Sino kuya? sabihin mo na oh."

Tumawa siya. "Saka na." Ginulo niya ang buhok ko. "Finish your food little sis. Akyat na ako."

"Ang daya!" ngumuso ako na ikinatawa niya lalo. "Sabihin mo na kasi. Promise, hindi ko ipagsasabi." Mas tumawa pa siya at ginulo ang buhok ko.

"'Wag kang masiyadong ma-excite, you'll know her soon."

"Ano ba 'yan!" mas lalong tumulis ang nguso ko. "Sige na nga. Basta ako ang unang makakaalam ha?"

"Yeah." Ngumiti ako. "Akyat na muna ako, may tatapusin lang akong files."

"Okay." Bumalik ako sa upuan at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos ay nagpasya akong tumambay sa sala. Pinakuha ko sa katulong ang speaker para magpatugtog ng malakas. Gusto ko kasing matanggal ang bad vibes na nakapalibot sa bahay na 'to sa pamamaraan ng magpatogtog ng mga nagpapaindayog na musika.

"What the hell! It's so noisy!"

Napahinto ako sa pagsabay sa kantang tumutogtog ng malamangan ng boses ni Samantha ang musika. Bigla ay napatay ang music saka malakas kung narinig ang pagkabasag ng gamit sa semento.

"Edi tumahimik." Sabi niya.

"Nasaan ang speaker ko Samantha?"

"Nasaan?" sarkastiko ang tono niyang sabi. "Nasa sahig, basag na. Pulutin mo."

"Ano kamo?" umakyat ang init sa ulo ko. "Bakit basag na ha?"

"Binasag ko. May problema ka?"

"BAKIT MO BINASAG?! HINDI MO BA ALAM NA IMPORTANTI SA AKIN ANG SPEAKER NA 'YAN! BIGAY 'YAN SA AKIN NI MARKY!" Galit kung sigaw. Sobrang galit na ang naramdaman ko ngayon. Simula ng mawalan ako ng paningin ay ang speaker na iyon ang binigay sa akin ni Marky para kapag na bored ako ay makakapakinig ako ng musika. Tapos sisirain niya lang!

"Eh ano naman ngayon? Wala akong pakialam kung importanti yan sayo." Inis akong bumuntong hininga. Kalma Paulette, kalma. "Napaka-ingay. Ayaw ko ng maingay kaya para wala ng maingay ay mas mabuti ng mabasag na lang yan."

"Bweset ka! Sasaktan kita!"

"Oh talaga? Mananakit ang bulag?" saka niya ako tinulak na ikinatumba ko sa sahig. Tumama pa ang likod ko sa sofa. "Sige nga? gusto mo 'yata ng round 2?"

"Napakasama mo talaga! Ayosin mo 'yan! Ayosin mo 'yan!" tumayo ako at sinugod siya kahit hindi ko siya nakikita.

Malakas siyang tumawa ng mapasalampak ulit ako sa sahig dahil sa pagpatid niya.

"Animal ka talaga Samantha! Nyeta ka!" gigil na gigil ko ng sigaw. Mapapatay kita Samantha kapag mahuli o mahawakan kita.

"Galit ka na n'yan? Ha ha ha ha! Hanggang gigil ka nalang Paulette, kahit gusto mo akong saktan ay hindi mo magagawa dahil bulag ka. Isa ka lang bulag na wala ng kwenta sa mundo lalo na't ang taong akala mo ay kakampi mo ay may pinakasalan ng iba."

"Ano?" napahinto ako sa pagtangkang pagsugod sa kaniya. "Sinong tao naman? gumagawa ka na naman ng istorya Samantha? huh, akala mo maniniwala ako sa 'yo?"

Naging malutong ang pagtawa niya. "Ahhh," na aawa niyang sabi. "Hindi mo alam?" mas lalong nakakaawa pa niyang sabi. "Wala ka palang alam? Oh gusto mo ba na malaman na ikinasal na sa London si Marky?"

Nanigas ako. "Hindi 'yan totoo! Sinungaling ka!"

"Kung sinungaling ako mas sinungaling 'yang lalaking pinaniwala ka sa kasinungalingan. Kinasal na siya kahapon. Pumunta silang mag pamilya sa London dahil do'n ginanap ang kasal ng lalaking akala mo ay papakasalan ka. Ahh kawawa ka naman."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Hindi, hindi 'yan totoo Paulette. 'Wag na 'wag kang iiyak. Hindi totoo ang sinasabi niya.

Pigil ang hininga akong nilalabanan ang mga emosyong gustong kumawala. Ayokong umiyak, ayokong maniwala. Pumunta siya sa London para sa business nila kaya walang katutuhanan ang mga pinagsasabi ni Samantha. Wala, wala talagang katutuhanan ang mga iyon.

"Wala na talagang taong gustong makasama ka. Nakakaawa ka Paulette. Bulag ka na, niloko ka pa ng lalaking mahal mo dahil tanga ka. Hahahaha!"

Umiling-iling akong nakakagat ng labi. Papalayo na ang boses ni Samantha sa kinatatayuan ko. Inawan na niya ako. At doon na nga tumulo ang luha ko.

Ginawa mo lang ba talaga akong tanga Marky? Totoo ba ang mga sinasabi ni Samantha?

****""""

To be continued...

Halaaaaaaaaaaaaa! Nalaman niya? Omyghad! Na iyak ako. Huhuhuhu. Naawa ako kay Paulette. Shemay, shomay, shokoy ka Marky!

Ang sarap talaga sampalin ni Samantha. Ano kaya magandang gawin kay Samantha? Hahahaha kayo po? Ano gusto niyong gawin kay Samantha?

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon