CHAPTER 49 - PAIN AND SORROW

1K 27 8
                                    

A/N: Bago ang lahat. Gusto ko lang pasalamatan si @smilesdepsiteherpain sa pag-gawa ng magandang cover sa story na 'to.

At salamat din sa paghintay ng next chapter mga rheimyhanatics! Enjoy reading po.

Chapter 49 - Pain and sorrow

Kagat ang pang-ibabang labi na nakatayo si Paulette sa gilid ng pool. Kahit apat na araw na ang lumipas mag-mula ng sabihin niya sa kaniyang Kuya ang nararamdamang sakit ay hindi pa rin no'n na ibsan ang sakit na naramdaman niya. Walang oras na hindi siya umiiyak. Palagi pa siyang nagmumukmok sa sariling kwarto. Palagi siyang kinakausap at pinapatatag ni Stephen ngunit hindi sapat ang mga iyon para sa kaniya. Sobrang masakit talaga sa kaniya ang nangyari. She love Marky so much dahil si Marky ang naging dahilan ng lahat kung bakit siya naro'n ngayon. Buhay, nasa katinuan, masayahin, wala ng galit at marunong ng magpakumbaba. Kaso sa isang iglap, lahat ng iyon ay mawawala.

"Hindi ko na kaya Marky, ang sakit sakit na talaga."

Nakatayo siya sa may 7 feet ang lalim ng pool. Ang plano niya? Ang tumalon na lamang sa pool dahil alam niya na kapag tumalon na siya do'n, paniguradong matatakasan na niya ang sakit na nararamdaman. Nahihirapan na siya sa sitwasyon niya at awang-awa na siya sa sarili niya dahil bulag na nga siya, wala pang kaibigan, wala na rin na taong mapagsasandalan.

Madiin na napapikit si Paulette at kasabay no'n ang pagtulo ng luha sa pisngi niya. Tatapusin na niya talaga ang buhay niya. Buo na ang desisiyon niya. Ang nasa isip niya ay wala ng nagmamahal sa kaniya, wala na siyang kwenta.

"Magpapakamatay ka?"
Napatigil sa pagtangkang pagtalon si Paulette ng marinig ang boses ni Samantha. "Bakit magpapakamatay ka? hindi pa nga kita napapahirapan tatakasan mo na ako?"

Pinahid ni Paulette ang pisngi. "'Yan lang ba ang gusto mo sa 'kin ate? ang pahirapan ako? hindi ka pa ba nagsasawa?"

"At bakit ako magsasawa?" lumapit si Samantha kay Paulette saka ngumisi. "Hindi ko pinagsasawaan ang laruan lalo na't paborito ko itong nilalaro."

"Huh," hindi makapaniwalang sabi ni Pau. "Laruan na lang ba talaga ako para sa 'yo ate?" hinarap niya si Sam at saka tumulo ang luha sa pisngi niya. Napatingin naman si Samantha sa mukha ng kapatid. "Kung oo, bakit? bakit gano'n ka na lang sa akin? hindi ba pwedeng tratuhin mo ako na kapatid mo? ate, pagod na pagod na ako. Pagod na akong maging laruan niyo."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon