CHAPTER 57 - Just Cry

956 28 6
                                    

Chapter 57 - Just Cry

Rheim Smith's POV

SABI niya sa 'kin kanina kaya niya, kakayanin niya daw pero no'ng iniwan ko siya mag-isa para asikasuhin ang mga labi ni baby ay nagwala daw siya. Apat na nurse ang nagtulong-tulong para mapakalma siya. Kaya pala hindi niya inalabas sa 'kin lahat kanina dahil ayaw niyang makita ko siyang mahina. Napapagod na daw siya, nahihirapan na daw siya at ramdam ko 'yon dahil kahit ako, napapagod na na tingnan ang napakahirap niyang sitwasyon.

Tinawagan ko na rin kanina si Stephen para ipaalam ang nangyari, nagulat din ito at sinabihan ako na 'wag kung iwanan si Pau na mag-isa. Natatakot siya sa gagawin mg kapatid niya. Uuwi daw siya ngayong araw para matulungan akong asikasuhin ang burol ni baby Havayana. Dalawang araw lang ito pwedeng paglamayan.

Ngayon nasa kwarto ako ni Paulette, nakaupo sa gilid ng kama niya at pinagmamasdan siyang natutulog. Magang-maga na naman ang mata niya, pulang-pula ang ilong niya sa kakaiyak. Kung hindi siya tinurukan ng pampatulog ay baka hanggang ngayon umiiyak pa din siya.

Bumuntong hininga ako at hinahaplos haplos ang kamay niya. Paano ko ba papaganin ang loob niya? paano ko ba ibabalik ang dating niyang sigla kung sunod-sunod naman ang kalbaryong dumadating sa buhay niya? Kung sana pwede lang akong humiling sa panginoon na ibalik kami sa nakaraan. Noong mga araw na hindi pa kami nagkakilala. Sana pala, nilayuan ko nalang siya para hindi na siya nasaktan nung una, at hindi na niya sana nakilala pa si Kier.

"Rheim?" kaagad kung pinunasan ang luhang tumulo sa 'king pisngi. Gising na ulit siya.

"Nandito ako," sagot ko saka hinawakan ang kamay niya. "May kailangan ka ba na ipagawa sa 'kin? gusto mo ba na kumain?"

Umiling siya. "Gusto ko mahawakan si baby." Na-iiyak niyang sabi. Napalunok ako ng sariling laway.

"Sige mamaya. Lalabas na rin naman tayo. Nasa bahay niyo na si baby." Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Talaga? sino ang nagbabantay sa kaniya do'n? si kuya?"

"Papauwi pa lang si kuya mo. May gusto ka bang kainin?"

"Wala, gusto ko ng umuwi. Buti nalang pala panaginip ko lang 'yon."

Kumunot ang noo ko. "Ang ano ang panaginip?"

"Napanaginipan ko kanina na sinabi mo daw sa 'kin na patay na si baby Havayana. Diba buhay naman siya Rheim?"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon