CHAPTER 17
Dumaan pa ang mga araw at naging busy ako sa school, si Marky din ay naging busy sa trabaho pero hindi namin nakakalimutan ang mga dapat gawin sa wedding namin. Isang buwan nalang kasi at ikakasal na talaga kami. Magiging Misis Castillo na ako and I am so excited to be misis Castillo.
"Excuse me bitch!" Ani ng tinig sa gilid at ang boses na iyon ay pag-mamay-ari ni Selena the bitch. Tinaasan ko siya ng kilay saka humarang pa sa pinto.
Yes, nasa pinto ako ng room namin nakatayo. Nasa gitna talaga ng pinto, trip ko kasing tumambay dito habang wala pa ang prof namin. Asar siyang tumingin sa akin na parang gustong sipaan. Nginisihan ko siya.
"Why don't you come in?" nakangisi kung tanong. Lalong sumama ang paningin niya sa akin.
"Umalis ka d'yan." Aniya sa akin.
Umalis ako sa pinto at ng papasok na siya sana ay agad akong bumalik sa gitna kaya namab ay napahinto siya. Naglakad ako at saka binunggo ang balikat niya. Bigla niyang hinila ang buhok ko.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay hinila ko rin ang buhok niya. May isang tao ang umaawat sa aming dalawa pero hindi parin namin binibitawan ang mga buhok namin. Lalo na ako, wala akong planong bitawan ang buhok niya dahil gusto ko siyang kalbuhin.
May malakas na tao ang nagpahiwalay sa aming dalawa, galit na galit ang mukha niya at akmang susugurin sana ako pero agad siyang hinarangan ng isa sa ka-klase naming lalaki.
"Bitch ka talaga. Hindi ko alam kung sadyang siraulo kaba o baliw na talaga!" sigaw niya sa akin.
"Bitch ka din. Baliw ako? Ano naman ngayon sa iyo?" Sagot ko sa kaniya. "Ikaw nga hindi baliw pero kung magalit ka sa akin ay daig mo pa ang may sira sa utak!"
"Ikaw ang nagsimula nito gaga ka!" susugurin nanaman sana niya ako kaso ay ayaw talaga siyang bitawan ng nakahawak sa kaniya. "Bitawan niyo nga ako."
Nagpumiglas din ako sa lalaking may hawak sa akin ngunit ganoon din. Hindi ako binitawan.
Hinila nila ako palayo sa lugar na iyon. Asar na asar ako pero natuwa naman ako sa itsura niyang sobrang galit na galit.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko tyaka tinawagan si Marky.
"Napatawag ka kyuap? nasa trabaho ako." Sagot niya kaya naman ay napaisip agad ako kung magpapasundo ba sa kaniya o hindi.
"Ah wala pala kyuap. Na miss lang kita kaya napatawag ako." Palusot ko nalang. Siguro ay mag-commute nalang ako.
"Sos ang kyuap ko pinapakilig nanaman ako. Miss na rin naman kita e."
"Busy kaba?"
"Yes, nasa harap ko nga ngayon ang mga board members, hinihintay akong matapos ang tawag."
"Hala!" bigla akong nakaramdam ng hiya. "Ibababa ko na ito. Pasensya na sa abala."
"Okay lang iyon. Sige, ibababa ko na ito."
Bago niya ibinaba ay ako na ang naunang magbaba. Bigla akong nahiya, ano kayang itsura ng mga members sa board habang nasa gitna si Marky na may kausap sa cellphone?
Napailing ako sa maling nagawa ko. I am so stupid na hindi ko naisip na nasa trabaho siya.
Lumabas ako at naghanap ng masasakyang jeep pauwi. Alam ko naman ang daan kaso hanggang sa intersection lang, ang papunta sa bahay nina Marky ay hindi ko alam dahil lagi kaming naka kotse at hindi ko alam ang mga sasakyang sasakyan ko. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...