CHAPTER 66
THE TRUTH WILL REVEAL PART 3KIER MARKY CASTILLO
POINT OF VIEWHABANG nasa hospital kami ay hindi ko maintindihan si Sharlinie, panay ang paglakad-lakad niya at kapag may pumapasok sa kwarto kung sa'n pansamantalang pina-confine si baby ay nababalisa siya. Maintindihan ko pa sana ang inaasta niya kung hindi okay si baby, pero stable na ang kalagayan ni baby. Masiyado lang daw mataas ang lagnat nito kaya kinombulsyon.
"Kanina ka pa hindi mapakali Sharlinie, may problema ka ba dito sa hospital?" tanong ko sa kaniya dahil nahihilo ako sa ginagawa niyang pabalik-balik.
"Huh? wala naman."
"E bakit parang may kinakatakutan ka dito?"
"Anong kinakatakutan? wala no! masiyado ka lang observer." Sagot niya at umupo sa kama ni baby.
Tinitigan ko siya ng mabuti at ramdam kung nagsisinungaling siya. Iba ang sinasabi ng mata niya. Nakikita ko ang takot niya, na nababalisa siya.
"May phobia ka ba sa hospital?" muling tanong ko.
"Ahm... actually, yes. When I was a kid, tinatakot ako ng mga yaya ko kapag nilalagnat ako. Kapag daw lalagnatin ako ng mataas dadalhin daw ako sa hospital tapos itong hospital daw maraming multo. Kaya simula no'n, natatakot na akong pumasok sa hospital dahil takot ako sa multo."
"Gano'n pala. Kaya pala hindi ka mapakali." Tumayo ako at sumilip sa labas ng kwarto at bumalik din ulit sa sofa na inupuan ko. "Pero bakit no'ng nanganak ka hindi ka natatakot?"
"Anong hindi? natatakot ako! Wala ka lang no'n kaya hindi mo nakikita."
Tumango-tango ako. "Kung gusto mo na umuwi muna, umuwi ka. Ako nalang bahala mag-uwi kay baby."
Tumayo siya saka nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang siya.
"Sabay nalang tayong umuwi. Gusto ko din naman na makita na stable na talaga ang kondisyon ni baby." Tiningala niya ako. "Kier."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...