CHAPTER 44

946 24 12
                                    


Chapter 44

Kahit ramdam ko na malulunod na talaga ako dahil nakainom na ako ng tubig ay patuloy pa rin ang panalangin na sana may dadating para sagipin ako. Ayoko pa na mamatay ng maaga. Hindi pa nga ako nakakakita ay mamamatay na ako?

Muli ay sinikap kung maitaas ang ulo ko at iwagayway ang kamay ko para makita ng kung sino man ang pupunta sa pool na nalulunod ako. Kasabay ng pag-angat ko ay rinig na rinig ang halakhak ni Samantha. Grabe, ngayon lang ako nakakakita ng taong masaya pa sa nakikitang taong nahihirapan, na nalulunod.

Nang wala na talaga akong pag-asang may sasagip pa ay tuluyan ko hg ipinikit ang mata ko. Siguro talaga, hanggang dito na lang ang yugto ng buhay ko.

"Paulette!"

Napangiti ako ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Pero ang katawan ko ay unti-unti ng lumulubog, na uubusan na rin ng hangin ang baga ko.

Rinig kung may tumalon sa pool at kasabay no'n ang paghatak ng malaking braso sa katawan ko. Ipinahiga ako sa semento at biglang pi-nump ang dibdib ko. Hindi pa naman ako masiyadong napapanawan ng ulirat kaya alam ko pa ang ginagawa sa akin.

"Don't die, honey."  Ipinikit ko lang ang mata ko. Hinahayaan ko lang siyang sagipin ako. "No, hindi pwede! Mag response ka please," garalgal ang boses niyang sabi. Do'n ay napaubo ako at kaagad niya akong pinatagilid saka niyakap ng mahigpit.

This could have been just another day
But instead we’re standing here
No need for words it’s all been said
In the way you hold me near
I was alone on this journey
You came along to comfort me
Everything I want in life is right here
‘Cause

"Oh god, tinakot mo ako," mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

Salamat sa 'yo Rheim, binigyan mo ako ng panibagong buhay.

This is not your ordinary
No ordinary love
I was not prepared enough
To fall so deep in love
This is not your ordinary
No ordinary love
You were the first to touch my heart
And everything right again with your extraordinary love

"Thank you Rheim."

Matamis ang naging pag-ngiti niya sa 'kin saka ako niyakap muli ng mahigpit.

"Sa susunod 'wag mo akong pakabahin ng gano'n ha? kasi kahit hindi kita pagmamay-ari ngayon, masasaktan ako. Lalo na't umaasa pa rin ako na balang araw, ikaw at ako hanggang dulo."

I get so weak when you look at me
I get lost inside your eyes
Sometimes the magic is hard to believe
But you’re here before my very eyes
You brought joy to my world
Set me so free
I want you to understand
You’re every breath that I breathe

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon