CHAPTER 56 - Another pain, suffer and heartaches
Rheim Smith's POV
KINAKABAHAN at na aawa kung hinawakan ang kamay ni Paulette habang natutulog siya. Nang makapanganak na siya ay pinalipat na siya sa kwarto kung sa'n ito magpapahinga at hinihintay ko nalang siyang magising. Sobrang himbing ng tulog niya, siguro napagod talaga siya.Pero ang nagpapabagabag sa 'kin ay 'yong paano ko sasabihin sa kaniya na patay na ang baby niya na hindi siya masasaktan? Natatakot ako na malaman niya dahil paniguradong isang dagok na naman ito sa buhay niya.
Nakakainis dahil ganito kasaklap magbigay sa kaniya ng problema ang panginoon. Bakit palagi sa kaniya na lang binibigay ang ganitong paghihirap? bakit sa kaniya na lang pinaparanas ang ganito? hindi ba na aawa sa kaniya ang panginoon? talaga nga bang may panginoon? kung oo bakit nakakaya nitong pahirapan si Paulette?
"Rheim?" mabilis akong napalingon sa kaniya. At mulat na ang mata niya. Gising na pala siya.
"Bakit?" hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Kinakabahan ako at nanlalamig ang buong katawan ko sa takot na hanapin niya ang anak niya.
"Si baby? kailan ko siya pwedeng hawakan?" napakagat ako ng pang-ibabang labi. Sabi na nga ba, hahanapin niya talaga. Paano ko sasabihin sa kaniya?
Natahimik ako ng ilang minuto. Hindi ko talaga alam ang dapat na sabihin sa kaniya. Tahimik lang din siyang hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Nang mapansin niya siguro na hindi ko sinagot ang tanong niya ay nagtanong siya ulit.
"Bakit hindi ka makasagot? may promblema ba kay baby?"
"Ha?" tanga kung sagot. Daig ko pa ang na blanko. 'Yong walang laman ang utak ko para may ma- isagot sa kaniya.
"Nasaan si baby?"
"Pau," lalong lumakas ang kaba ko at tumindi pa ang takot na nararamdaman ko. Mahigpit kung pinisil ang kamay niya para kumuha ng lakas ng loob. Huminga ako ng malalim.
"Rheim bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko? nasaan si baby? gusto ko na siyang mahawakan." God, bigyan mo ako ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoo please. "Saka hindi ko pa siya nabibigyan ng pangalan. Gusto ko sana na ipangalan sa kaniya ay Havayana. Sabi kasi ng midwife ko kanina, baby girl daw ang baby ko."
"Pau," muling sabi ko sa pangalan niya. "Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa 'yo ang totoo na hindi ka masasaktan. Pero pasensya ka na, kailangan mo talagang malaman ang totoo tungkol sa baby mo."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...