CHAPTER 2

3.2K 67 9
                                    

CHAPTER 2

Rhay Stephen Tuazon

Puno ng pag-aalala at kaba ang nasa dibdib ko kada segundo ng buhay ng fiance ko lalo na kanina ng mag agaw buhay siya bigla. Pakiramdam ko ay tinakasan ako kanina ng kaluluwa, hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras ding iyon. Gusto kung umiyak, mag-wala, manuntok ngunit pilit kung nilalabanan iyon dahil isa akong matatag na tao. Alam iyon ni Alina.

Kahit na nakipag-hiwalay na siya saakin ay iwinawaksi ko lamang iyon sa isipan ko. Hindi naman ako pumayag sa kagustuhan niya, sinundan ko siya dito sa Pilipinas para maayos ang relasyon naming winakasan niya ngunit ganito ang nangyari. Ayaw kung manisi ng taong may kasalanan dahil kita ng mata ko kung paano sagipin ng fiance ko ang buhay ng kapatid ko.

Siguro kung hindi niya iyon ginawa ay ang kapatid ko ang narito ngayon sa ICU, nag-aagaw buhay kay kamatayan at pilit lumalaban para lamang manatili sa mundong ginagalawan niya.

Alas syete na ng umaga at narito ako sa loob ng ICU, binabantayan ang babaeng mahal ko na may mga aparatos na nakadikit sa katawan niya. Mamaya pa tatanggalin ang bala sa katawan niya at sana ay lumaban siya dahil kung hindi ay baka iwasak ng mundo ko kung mawala siya.

Hindi pa ako handa na iwan niya.

Hindi pa ako handa na mawala ang isang katulad niya sa buhay ko.

At lalong hinding-hindi pa ako handa na mawala ang napakagandang dilag na si Alina Castillo sa mundong ito.

I want her to be exist, I want her to be with me if forever do exist.

Malalaman mo lang talaga ang halaga ng tao sa mundo kapag makita mung nakahiga na siya at nag-aagaw buhay na kaya't hanggat naririto parin siya sa mundo at lumalaban para mabuhay ay nandito lang ako palagi sa tabi niya, mag-papakatatag para lalo siyang lumaban.

Nilapitan ko ang kama niya at tiningnan ang maaliwalas niyang mukha. Bumalik ang lahat ng alaala kung saan kami nag-kakilala at naging kami.

*FLASHBACK*

Nakaupo ako sa damuhan dito sa campus kung saan ako nag-aaral habang may nakasalpak na head phone sa tenga ko. Ganito ang ginagawa ko sa araw-araw sa eskwela kapag vacant time. All I want is to be alone kaya iilan lang ang mga friends ko.

Sa 'di kalayuan ay may nag-lalaro na ilang babae ng volleyball, and that ball they use while playing ay tumama sa ulo ko. Iiwas pa nga sana ako ng makita ko ang bola pero sadyang malakas ang pagka-spike ng babae ay hindi ko na mawaga pang makakilos.

Napahawak ako sa ulo kung natamaan at ininda ang sakit, pakiramdam ko ay pinukpok ng martilyo ang ulo ko ng sampong beses. Masakit, sobrang sakit at iyon ang kauna-unahang sobrang sakit na naranasan ko in my entire life.

"Oh my gash! Bakit ba hindi ka umiwas? Ang tanga mo naman."

Kahit masakit ang ulo ko ay sinikap kung tingnan siya. Matangkad siya at parang 5'8 ang height niya. Hindi na ako mag-tataka kung bakit volleyball player siya.

"Ako pa talaga ang tanga?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at kinuha ang bola sa likod ko. "Gano'n nalang 'yon? kahit simpleng sorry ay hindi mo masabi?"

"What for? Its the ball's fault, not me." Inirapan niya ulit ako tyaka iniwan.

Gusto ko siyang sigawan sa inasta niya saakin. Ako na ang na agrabyado ay ako pa ang nilayasan?

Kaya hindi ko na siya tinantanan. Palagi ko siyang nakikitang kasama ni Samantha at ang dalawa pang babaeng hindi ko kilala.

Gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya saakin pero hindi ko magawa-gawa. I don't know why kaya lalo akong nainis. One time pumunta silang tatlo sa bahay. Nalaman kung mag-kaibigan pala sila ni Samantha dahil volleyball player din kasi ang isang iyon. I'm wearing boxer short that time, sanay na kasi akong sumusuot ng ganoon kapag nasa bahay lang. Pagka-gising ko ay bumaba ako kaagad dahil sana mag-almusal. Nakapikit pa akong bumaba at saktong nasa hagdanan na ako ng bahay ng mabunggo ko siya.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon