CHAPTER 30
Nagdaan pa ang mga araw ay naging busy na ako lalo sa pag-asikaso ng kasal namin. Hindi lang busy kundi sobrang busy na halos pagtulog nalang sa gabi ang pahinga ko. Kasama ko si Marky sa pag-asikaso kaya naman pati siya ay busy din.
Sa umaga ay papasok ako sa school habang si Marky naman ay papasok sa opisina. Sa hapon naman ay sinusundo niya ako sa school tapos aasikasohin na namin ang mga kulang pa na gagawin para sa kasal namin.
Hanggang isang linggo nalang ay kasal na namin na lalong nag-pa busy sa amin. Ngayon nga magkasama kami ni Marky dito sa kwarto, nilalagyan namin ng pangalan ang invitation card tapos ihahatid namin sa mga pagbibigyan namin. Tapos pupunta ulit kami sa boutique kung saan namin pinagawa ang wedding gown ko, mga susuotin ng abay sa kasal namin.
Masasabi kung sobrang nakakapagod palang mag-asikaso ng kasal, pero worth it naman ang lahat ng pagod kapag na ikasal na kami.
Excited na nga ako e, na halos sa mga araw na nagdaan ay hindi na ako nakakatulog ng maayos. Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag masiyado kang na-i-excite sa bagay na mangyayari sa 'yo.
"Kyuap may pagbibigyan ka ba nitong limang invitation card na nakita ko sa table?"
Nakangiti akong tumayo at kinuha ang invitation card na nakita niya. "Oo, may pagbibigyan ako nito." Naglakad ako pabalik sa kama at dumapa para sulatan ng pangalan ang invitation card.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kung lumapit sa akin si Marky. Umupo siya sa kama at tiningnan ang sinusulat ko.
Ice Steve Mendez
Prince Kean Gonzales
Rheim Smith
Selena Jasmin Bernabe
"Don't tell me isasama mo pa na bibigyan ang asawa niyan?" tinuro niya ang pangalan ni Selena.
"Ofcourse, he's still your step bother." Sabi ko saka isinulat ang pangalan ni Jazzie.
"'Wag mo siyang bibigyan."
"Marky?!" tumayo ako saka inagaw sa kaniya ang invitation card na para kay Jazzie na kinuha niya. "You're so mean. Akin na nga iyan."
"No!" naglakad siya palayo sa akin. "Atsaka, bakit pati ang ex mo invited?"
"Hindi ko siya in-invite dahil ex ko siya. In-invite ko siya dahil kaibigan mo siya. Kaibigan mo sila. Please? hayaan mo silang pumunta sa kasal natin."
"Bati na ba kayo niyang si Selena?"
"Hindi pa."
"Oh? bakit in-invite mo?"
"Dahil gusto ko? Basta 'wag ka na nga magtanong." Hinablot ko ang invitation card sa kamay niya. "Weather you like it or not, they're invited. At kasama ka sa pagbigay ko sa kanila ng invitation card. And oppsss," inilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Hindi ka pwedeng umangal or else..."
"What?"
"I'll postpone the wedding."
Lumaki ang mata niya. "What the hell? That's not a good joke Paulette!"
"I'm not joking."
"Gano'n? sige, tatawagan ko na ang mga coordinator ng kasal, ipapa-cancel ko na ang kasal, 'yon naman ang gusto mo diba?"
Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi niya. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa kaya bago pa niya matawagan ang coordinator ng kasal naminn ay hinablot ko na sa kaniya ang cellphone. Salubong pa ang kilay niyang tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...