CHAPTER 34 - THE WEDDING PART 2

1.1K 25 3
                                    

Kier Marky Castillo's POV

SIMULA kagape pa ay nakangiti habang nakaharap sa ceiling ng kwarto ko ang ginagawa ko. Lahat ng mga nangyari sa buhay namin ni Pau ay bumalik sa alaala ko. Ngayong araw na ito ang kasal namin at walang mapagsidlan ang kaligayahan ko. Ito ang araw na magiging special para sa aming dalawa. Sa dami naming pinagdaanang dalawa, sa dami rin na pinagdaan ni Paulette ay para talaga sa kaniya ang kaligayahan ngayong araw. Kagaya nalang ng mga ipinangako ko ng paulit-ulit sa kaniya na pasasayahin ko siya, ipaparamdam ko sa kaniya ang mga hindi niya naramdaman noon sa una niyang minahal. Alam ko na may masasaktan ako araw na ito, ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman ng kaibigan ko pero hindi ko pwedeng itigil ang kasal namin para lang sa kaniya. Selfish na kung tawagin, basta't makasal lang kaming dalawa ay doon kami sasaya dahil mahal namin ni Paulette ang isa't-isa.

Tumayo ako sa pagkakahiga saka umupo sa gilid ng kama. Sumaktong napatingin ako sa damit na susuotin ko mamaya. Nakangiting tumayo ako at nilapit iyon. Lalong lumapad ang pagngiti ko dahil ito na talaga, mangyayari na talaga ang kasal na matagal ko ng inaasam.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Masaya rin kaya siya habang nakatingin rin sa wedding gown niya? Tanong ng isip ko.

Tatlong katok na sunod sunod ang nagpawala ng ngiti ko. Naglakad ako papunta sa pintuan saka pinagbuksan ang kumatok. Si mommy pala.

"Are you ready son?" masaya at malapad ang pagkakangiting tanong mom. Nakangiti akong tumango. "I'm also excited too. Nga pala, maayos na lahat. Naka prepared na ang caterings, nakaayos na ang mga mesa't upuan. I-deliver na raw mayamaya ang seven layers wedding cake. Gusto ko ba na tingnan?"

"Sige po." Lumabas ako ng kwarto saka sinabayan si mom. "Hmm mom?"

"Yes son?"

"How is she today?"

Nakangiting pinangsingkitan niya ako ng mata. Mabilis ko namang iniiwas ang paningin ko sa kay mommy dahil panigurado at tutuksuin na naman niya ako. Kapag kasi nagtatanong ako o pinag-uusapan namin dalawa si Pau ay kinikilig si mommy at syempre kinikilig rin ako. May kung anong haplos akong nararamdaman sa puso ko sa t'wing tinutukso ako ni mom.

"She's blooming today. Napakaganda ng mga ngiti niya like yours," at tinusok ni mom ang tagiliran ko. "In-love na in-love talaga ako sa isa't-isa. Hayy, ganiyan na ganiyan kami noon ni daddy mo." Saka siya nag day dream sa harap ko. Napangiwi nalang ako sa ginagawa ni mom. Talagang nagawa niya pang balikan ang nakaraan nila ni daddy sa harap ko.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon