CHAPTER 53 - A baby?

1.2K 22 7
                                    

Chapter 53 - A baby?

"LASING ka na naman ha Kier?!"

Salubong na sigaw ni Sharlinie kay Kier na pagiwang-giwang na pumasok sa loob ng bahay nito. Simula no'ng umalis sa bahay ng mga Castillo ay gabi-gabing lango sa alak si Kier. Kapag bago ito matulog ay niyayakap ang larawan ni Paulette at umiyak. Nakakatulog nalang ito na humihikbi-hikbi pa.

Lahat ng iyon ay nakikita ni Sharlinie kaya naman mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman nito kay Paulette. Bata pa lang si Sharlinie ay humahanga na ito kay Marky. Naging ka-klase niya ito noong mga elementary pa lang sila. At hanggang sa magdalaga na ito ay si Marky pa rin ang itinitibok ng puso nito. Kaya naman no'ng malaman niyang kailangan ng pamilya ni Marky ng kasusyo sa negosyo para mas lalong lumaki ang negosyo ng mga ito ay kinausap kaagad ni Sharlinie ang kaniyang daddy. Hindi naman dapat sila ikakasal dahil pumapayag naman ang daddy into na maging business partner ng mga Castillo kaso ay nagpumilit siyang ipakasal silang dalawa ni Marky. Dahil nag-iisa lang itong anak ay pumayag ang.mga magulang nito. Sobrang saya ni Sharlinie ng maikasal siya sa lalakibg minahal niya simula pa no'ng bata pa siya. Akala niya kapag napasakaniya na si Marky ay sasaya na siya ang kaso iba ang pinapakita nito. Parang hangin lang siya sa mata nito.

"Lumayo ka sa 'kin." Sabi ni Marky sa kaniya. Asar na asar na tinapunan ng tingin ni Sharlinie si Marky.

"Palagi mo na lang akong pinapalayo sa 'yo! Ano ba Kier, asawa mo ako. Hindi mo dapat ako inaastahan ng ganito!"

"Tumahimik ka!" sigaw ni Marky sa kaniya. Ang mga tingin nito sa kaniya ay nagliliyab. Kung apoy ang mga titig ni Marky at siguradong tupok na siya sa kinatatayuan niya. "Dahil sa 'yo tuluyan na siyang nawala sa'kin. Dahil sa 'yo hindi na siya babalik pa sa buhay ko."

"Edi maganda kung hindi na siya babalik sa buhay mo." Mataray na inirapan ni Sharlinie si Marky. "Para naman sa amin ka na ni baby."

"Alam mo," dinuro ni Marky si Sharlinie. "Kung hindi mo lang dinadala ang anak ko hihiwalayan kita. Hindi kita mahal."

Kahit nasasaktan sa narinig ay sinikap ni Sharlinie na ipakita kay Marky na hindi ito na aapektuhan.

"Okay lang na hindi mo ako mahal. Matututunan mo rin akong mahalin. At sana kung may respeto ka sa asawa mo, layuan mo na ang babae mo."

"'Wag mo kung pagsabihan ng mga dapat kung gawin." Pasuray-suray na naglakad si Marky paakyat sa kwarto. Sumunod naman si Sharlinie at nang nasa harap na sila ng kwarto ni Marky ay nanlilisik ang matang nilingon ni Marky si Sharlinie. "Bakit sumunod ka dito? hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto namin ni kyuap!"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon