CHAPTER 7
Paulette Coreen Tuazon's POV
"Kamusta na pala kayong dalawa?" tanong saamin ni kuya pagkatapos ng emotang naganap kanina.
"We're okay and our relationship goes storger," sagot ni Kier tyaka ako inakbayan. Hinalikan niya pa ang buhok ko kaya siniko ko siya dahil nakaramdam ako ng hiya sa ginawa niya. Nakatingin pa naman sa amin si kuya.
"That's good. And you my baby," hinila ako ni kuya tyaka ginulo ang buhok ko. "Be brave enough dahil madami pa kayong trials na pag-dadaanan bago niyo makamit ang inaasam niyo."
"I know what to do kuya besides, I am to old enough for this relationship we have, kaya alam ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin."
"Asus, alam niya daw." Singit ni Marky kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ang kausap ko?" pinanlakihan ko siya ng mata.
Tumawa siya tyaka pinitik ang noo ko. "Kasama pa din ako sa usapan no."
"Hindi ka kasama." Inirapan ko siya na ikinatawa niya. Aalma pa sana siya ngunit biglang tumunog ang buzzer kaya ibig sabihin noon ay may tao sa labas ng ICU. "Ako na ang mag bubukas."
"Ako na kyuap," ani Marky kaya tinadyakan ko ang paa niya.
"Ako na nga kasi sabi. Ba't ba panay ang singit mo?" inis kung tanong na tinawanan lang nila ni kuya. Umirap akong muli tyaka hinarap ang labasan ng ICU.
Baka mga doctor iyon at kailangang i-check ang status ng kondisyon ni ate Alina. Nakangiti kung binuksan ang pinto subalit nawala agad ang pag-kakangiti ko ng bumulaga sa harap ko ang pag-mumukha ng dalawang tao.
Base sa reaksyon ng mukha nilang dalawa ay nagulat sila, hindi din yata nila inakalang nandito ako.
"Oh hi! It was nice to see you here," nakangiting sabi saakin ni Sofia.
"I'm with Sofia because..." itinaas ko kaagad ang kamay ko kaya napatigil siya sa dapat na sasabihin.
"You don't need to explain," napahiya naman siyang nag-iwas ng tingin. Hindi naman siguro masama ang ginawang kung pag-putol sa sasabihin niya diba? Bakit pa ba siya kasi mag i-explain na magkasama sila ni Fia e wala namang akong pakialam, right?
"Kasama mo siya?"
"Ano sa tingin mo?" mataray kung sagot sa kaniya.
"Sabi ko nga." Anito at pumasok sa loob. "My heart's still pumping so hard. Dang!" Bulong niya na hindi ko narinig dahil medyo malayp na siya saakin at mahina lang ang pagkakasabi niya niyon.
Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Lima na kami sa loob ng ICU at bawal iyon doon kaya kinalabit ko si Marky para umalis na.
"Kuya una na kami, may date pa kasi kami tyaka napadaan lang talaga kami dito para kamustahin si ate Alina," pag-paalam ko kay kuya Rhay.
"Gano'n ba? Sige, ingat nalang kayo. Salamat sa pag-bisita."
Tinanguan lamang siya ni Marky habang ako naman ay lumapit sa kaniya para halikan siya sa pesngi. "Be strong kuya."
"I will baby, I love you. Mag paalam kana kay Rheim," anito na ikinawala nanaman ng pag-ngiti ko. "Oh may sinabi ba akong masama? Sabi ko lang naman ay mag-paalam ka sa kaniya."
"Ewan ko sayo." Tinalikuran ko siya tyaka lumapit sa gawi ni Marky. "Aalis na kami," sabi ko pero hindi ako sa kanila nakatingin, nasa may pinto na ng ICU ang mata ko.
"Take care." Sagot ni Rheim.
Lumabas na kami ng ICU. Habang nag-lalakad na kami palabas ng hospital ay naka-akbay saakin si Marky, may ilan ngang babaeng bantay ng mga pasyenteng naroon ay kay lagkit ng pag-kakatingin kay Marky. Hindi ko naman sila masisisi dahil masasabi ko na gwapo talaga si Marky.
Singkit ang mata, matangos ang ilong, may maninipis na labi na kay pula at sa tangkad din nito. Dumagdag pa ang ganda ng katawan niya na nakakadagdag ng kakisigan at kagwapuhan niya. Plus mahal niya ako kaya swerte na akong babae dahil nasaakin siya.
Pagkarating namin sa parking lot kung saakin naroon ang kotse niya ay pinag-buksan niya ako ng pinto ng kotse. Ang gentleman niya din kaya may hahanapin pa ba ako? Wala na, nasakaniya na ang hinahanap ko na hindi ko nakita at naranasan sa una.
"Anong naramdaman mo ng makita mo siya?" kunot noo ko siyang tiningnan.
"Naramdaman saan, kyuap?"
"Naramdaman sa kaniya. Hindi ba bumilis ang tibok ng puso mo? hindi ba nanlamig ang katawan mo?" lalong nangunot ang noo ko.
"Ano ang gusto mung sabihin? Na bumalik ang feelings ko to him?" nag-iwas siya ng tingin. "Nag-seselos kaparin ba sa kaniya?"
"Hindi ko maiwan iyon kyuap. Lao na't kapag nakikita ko kayong mag-kasama."
"Hindi naman kami mag-kasama kyuap. Tayo ang magkasama ngayon." Inis kung sabi. Bumuntong hininga naman siya. Nagulat ako sa pag-hampas niya ng manibela. "What's wrong between you and Rheim ba?"
"Nothing."
"So why are you acting like that, huh?"
"Can't you see I'm jealous?" inis niyang tanong saakin.
"Alin ang nakaka-selos doon kyuap? pwede ba, tigilan mo na ang ganiyan. Ayokong pag-awayan natin ito. We're going on date right? why don't we enjoy our date today? don't feel jealous, I am yours."
Malalim na buntong hininga ang ginawa niya. "You're right. Bakit nga ba mag-seselos ako e nasa akin kanaman." Inistart na niya ang makina ng kotse. "I'll make this date memorable to us. I love you so much kyuap."
"We'll make it. I love you too." I replied tyaka binigyan siya ng mabilisang halik sa kaniyang labi.
***
To be continued...
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...